I
GUHIT
" Kung ang umibig ay
tulad ng isang tasang nakakalasong kape, handa ko itong lasapin at sa
loob ng mahigpit mong yakap ay matitikman ko ang tamis ng aking kamatayan. Ang
malagutan ng hininga na ang puso'y lumalangoy sa dagat ng walang hangganang
pag-ibig ay higit na mas makabuluhan kaysa mabubuhay na ang puso'y tinatadtad
ng itak ng matinding galit."
Madamdaming bulong ni Alejandro de Maria sa pusong makamandag ni Catherina, pagmamahal na ginagapos sa bilangguang nagbabaga sa init ng ipinag-babawal nilang pag-iibigan, maingat nilang ikinukubli sa mga paningin ng mga koserbatibong mga paring Jesuita, matibay man ang pundasyon ng kanilang pag-mamahalan ngunit ang bukal ng kanilang puso'y may bahid ng matinding takot sapagkat kung ito'y matutunugan, mapaparusahan sila ng " compulsory expulsion" mula sa Universidad del Ateneo de Zamboanga, magiging wakas ng wagas nilang pagmamahalan na nilalabag ang batas ng sagradong simbahang Katolika. Lingid sa kaalaman ng mga pari'y una niyang inalay ang birhen niyang pagka-babae sa paring kanyang minamahal sa loob mismo ng kuwartong pangkumpisalan. sulok nito'y saksi sa kauna-unahan nilang karansan ng makamundong orgasmo.
Mahinahon ngunit ay mainit niyang hinagkan ang kulay brunette na buhok ng dalgitang may suot na kulay puti't azul na uniporme na lalong pinatingkad ang kutis niyang espanyolang chavacana. Bagaman at kinse anyos pa lamang siya't dalagang-dalaga na ang anyo ng pangangatawan, para bagang inukit ng batikang eskultor na tulad ni Michaelangelo ng renascimiento ang kanyang mala-diyosang alindog. Sa wari ng isang anghel ng kadilimaa'y matagumpay niyang nahikayat na magkasala ang isang sugo ng diyos upang talikuran ang banal na obligasyon sa simbahan. Para kay Father Alejandro ay natagpuan niya ang lupalop ng kapayapaan at look ng kamatayan sa piling ni Catherina.
Ang tanging tugon naman ni Catherina sa mapag-mahal na yakap ng pari ay isang mahaba't mapupusok na mga halik sa mga namumulang mga labi, mga puso nila'y patuloy sa pagdurugo sa tuhog ng palaso ni Kupido, ikot ng kanilang mundo'y binabaliktad at marahas na dinudukot ang katinuan sa pusod ng isipan.
Bahagyang umaambon, tila mga butil ng agua benditang tumutulo sa nag-hihinagpis na langit, unti- unting hinuhugasan ang makasalanan nilang pagmamahalan. Ang mga paa nila'y naka-apak sa paraiso ng mga munting dahon ng ipil-ipil, dinuduyan ang kanilang mga katawan sa lubid ng bahag-hari, sa dulo nito ay matuling naglalakbay ang mundo nila at sa isang iglaplang ay biglang naglaho at naging isang kabanata sa mala collage na panaginip ni Giovanni Santorino.

Tulog mantika siya at hindi
alintana ang matulis na tagos ng liwanag ng buwan sa dilim ng madaling araw,
talong oras bago magbukang-liwayway, sintamis ng pulang muscovado ang melodyang
kumakapit sa ihip ng hanging nagmumula sa romantikong sayaw ng mga ilang-ilang,
nakahilera sa ibabaw ng harding may aesthetikong disenyo at tinitibok ang
diwang katalonya sa magkabilang gilid ng kalyang kolonyal patungo sa Fort Del
Pilar. Ang mga higanteng puno ng mga balete, dire- diretso at pantay-pantay
tulad ng mga organisadong pagkahilera ng mga punong oliva sa kaharian ng
kastilya bago ang Reconquista, animo ay isang kurtinang ikinukubli ang madugong
larawan ng kolonyalismo sa bawat sulok ng mga pader nito, sa lilim ng mga torre
ay naroroon pa rin ang kaluluwa ng tagumpay laban sa mga piratang moro na
laging dinudukot ang bawat pulgada ng katahimikan, subalit ay binigo ng
mga kastilang konkistador ang mga pakay nilang buwagin ang kapayapaan sa
loob ng Forte, ang kapangyarihan ng korona ng kolonyalistang Espanya sa lupain
ng Mindanao. Ang mapuputing adobe, dati ay tulad ng mga matitibay na adobe ng
Intramuros sa maynila ay nangingitim na sa mapanirang yakap gn mga halimaw na
lumot, tila ay nadapuan ng nakakahawang sakit na Ebola, unti-unting nilalamon
ang sibilisasyong katoliko na gantimpala ng mga dakilang konkistador.
Sa kabilang dako at salungat ng
Fort Del Pilar ay naroroon ang mga akasyang sintanda na marahil ng
kristiyanismong inukit ng mga klerikong Jesuita sa kamalayan ng mga katutubong
Subanen ng Jambangan, sa kanlurang bahagi ay naroroon ang " mala-Roman
Forum" na plaza at may mga posteng "corinthian", nakatayo
sa bawat nakahilerang mga mahahabang upuan. ang makitid na daanan patungo
sa banal na damabana ay nababanigan ng mga munting gravitang kulay ginto. Sa
likod ng dambana ay naroroon ang higante at sagradong imahe ng "Nuestra
Senyora Del Pilar", ang pusod ng katolikong pananampalataya sa "
Ciudad de Zamboanga."
Sa silangang bahagi ay
naroroong ang hardin ng mga sampaguitang nag uumpukan sa tapat mismo ng kuwarto
ni Giovanni, ang mapanuksong halimyak ng mga ito ay dumadapo sa hugis aquilino
at mediteranyong ilong niya na lalong ibinabaon ang mahimbing niyang tulog,
ipina-ubaya ang sarili na masakal ng dayuhang panaginip, sa mahiwagang mundo
nito'y naninirahan ang mga repleksyon ng mga mapapait at matatamis na riyalidad
ng buhay, mistulang mga mosaikong larawan na nasa kathedral ng buhay at
kamatayan.
Mahina subalit ay walang pagod
na gumagapang sa barikada ng panibagong kabanata ng kanyang panaginip hanggang
sa dumadagundong na ang bawat atungal ng nakakabinging hilik, mistulang
isang bulok na treng bumabiyahe sa ibabaw ng lumang riles patungong Bicol, sa
kahabaan nito'y may mga aserong nawawala at napasakamay ng mga durugistang
walang pinag- iba sa dating Pangulong tila ay nagdurusa sa matinding
sakit na kliptomanya. Ang mga natitirang mga riles ay mistulang nagkakaroon ng
Leprosy, balat ay nagkabitak-bitak, natitigang sa ilalim ng nagliliyab na init
ng araw, lalong kumakapal ang kalawang, ilang dekada na yatang napapa-bayaan ng
pamahalaang nagiging pugad ng mga legalistang magnanakaw, kulang isang piso na
lang ang pamasahe at tiyak na sa sementeryo ka dadamputin.
Sa kabilang silid tulugan kung
saan nag-aagawan ng hininga ang dilim at ng liwanag ay naroroon si Antonio, ang
bunsong kapatid ng ama ni Givanni, tila ay pinag -kaitan ng kalayaang magkaroon
ng tulog, kung ilang beses na niyang ibinaliktad ang katawan sa kama at kay
hirap mahagilap ang daliri ng antok, mistulang nakapag-langhap siya ng kung
ilang gramo ng Methamphetamine, kaluluwa niya ay nag-dedeliriyo sa guni-guni,
sa pinaka-maliit na alintana ay nag-aaklas ang kanyang kamalayan.
"Hindi naman yata akong
lubos na makasalanan!"
Pabagot na bulong ng kanyang
emosyong nadadapa sa lupalop ng schizophrenia, hinahagilap ng hininga ang
simpleng katarungan laban sa parusang ipinataw, tila isang napakalupit na
kalbaryong higit pang mas masaklap kaysa garote ng mga berdugong komyunista,
isinubsub ang ulo sa malambot na unan, pilit ipinikit ang mga matang nais na
ring magpahinga sa pakikibaka sa ibabaw ng mundo at sa bandang huli ang lahat
ng pinag- hirapan ay nanakwain lang ng isang anghel ng kamatayan, subalit bukas
ang mga tengang nabibingi sa lulamalakas at naka-iiritang hampas ng
hilik ni Giovanni sa mala-harminkang musika ng hangin, para bagang isang
napaka-lakas ng tugtog ng bandang "Megadeth." Lalong kumulo ang dugo
ng sumagi sa kanyang isipang naglalaro sa matinik na mundo ng cynicismo , inihalintulad
ang nakakabuwiset na hilik sa anti-rhythmikong kanta ni Yoyoy Villame, napaka
gulo ng tono, tila ipinaghahagis ng kerubin ang bawat nota sa mainit na
palayok, samantalang nawawala sa makapal na kogonan ang G-Clef na mistulang
nagsasaya na rin sa kinaroroonan kaysa mailagay sa komposisyon ng musikero,
doon ay magkaroon ito ng amnesia at malilitong malaman ang kaibahan ng Tenor sa
Soprano, mas higit na pipiliin pa marahil ni Mozart ang magpaka-tiwakal kung
saka- sakaling marinig ito, lulubha yata ang depresyon ni Van Gogh kapag
aksidenteng sasalpok ang nota sa tenga niya.
" Buhay nga naman!
Kung kailan nais mong magpahinga ay saka namng guguluhin ang iyong
katahimikan!"
Sumbat niya sa hanging wasak-wasak na ang harmonya ng bawat melodya, saby hampas ng kamay sa noo, pilit inilalakbay ang isipan sa ilalim ng imahinasyon, subalit ay biglang natisod ng ala-ala ang isang palabas sa telebisyon sa kasagsagan ng " Snap Election" noong 1986. Naging sarkastiko ang ngiwi ng kanyang labi ng maala-ala ang kanta ni Mrs. Imelda Marcos na "Dahil sa iyo", napakabakyang propagandang pampulitikal para sa mga nauutong mga botante. Boses niya ay tila nakaka-patay ng mga daga at magkaka-roon yata ng sorpresang cardiac arrest si Luciano Pavarotti.
Naibsan ang pagkainis ng biglang huminto na paghilik si Giovanni, inikot ang mga paningin at natisod ang isang sining pintura na pinamagatang "Gahasa" , likha ni Catherina Beatriz de Figueroa. Ngunit sa kasammang palad ay biglang naglaho ang dalagita, ayon sa mga haka-haka ay dinukot umano ng mga bandidong Abu-Sayyaf at ipinag-bili sa mga mayayamang mga muslim sa Malaysia. Dahil sa kanyang misteryosong pagkawala ng kanyan pinakamamahal na unica-hija ay nawalan ng ganang patakbuhin ni Don Miguel Gabrielle ang Hacienda Figueroa hanggang sa tuluyan bumagsak at ipinagbili ang lahat ng ari-arian kasama na ang Mansion de la Familia Figueroa, mahiwagang banga at ang librong "Kuwaderno ng tadhana", milyon din ang halaga sapagkat makabuluhan ito sa kasaysayan ng Ciudad de Zamboanga at ng buong bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento