ANG PAGLALAKBAY
D: Ang paglalakbay
Enero 18, 1633
Desde Sevilla con lagrimas ( Mula Sevilla na dala ay mga luha)
Deciembre 15, 1632, bumuhos ang malakas na ulan, niyanig ang
nadudurog kong buhay sa harap ng nitso ng aking lolang pinaka-mamahal,ibinurol
din sa loob ng mawsoleyum de la familia Castellano, katabi ng aking lolong
magiting at inang hindi man lang nasaksihan ang aking pag-dadalaga. Pagka-tapos
magsi-uwian ang mga nakiramay ay naghiling ako sa langit, sana ay bumuhos ang
ulan ng mas malakas, tuluyang lunurin ang damdaming nagdadalamhati sa matinding
pag-luluksa. Saharap ng nitso ay ibinuhos ko ang lahat ng mga luha, pinapaliguan
ang nagkukulay dugong mga rosas. Nararamdaman ay mabigat na mabigat, puso ay
parang tinutuhog ng mga kulog at kidlat. Hindi matanggap ng nagmamanhid kong
isipan ang isang sana, sana ay maligayang pinag-saluhan ang Noche Buena kasama
si lola, ngunit heto ako ngayon, nilulunod ng nakaka-iritang kalungkutan.
Hinampas ko ang pintuan ng mawsoleyo sa
matinding poot, namuo sa dibdib ng sobrang galit, galit nag alit sa natamong
hindi makatarungang kapalaran, lahat ng mga minahal ay naglaho na parang bula sa
aking tabi, pakiramdam ko ay sinasakal ng malupit na pag-iisa ang aking buhay
habang binabaktas ang kalsada palabas ng sementero ng Triana, hinayaang mabasa
ng ulan ang buong katawan, marahil ay mapawi ng mga ito ang damdaming patuloy
nagta-tangis.
Isa lang ang naisip ng marating ang
tahanan, hahanapin ko ang aking ama sa kontinente ng Amerika. Nakaligtaang
mag-hapunan ng gabing iyon, nag-isip ng mga paraan kung paano marating ang
kontinente ng Amerika. Maliban sa aming tahanan, baka ay babalikan ko pa, naisipan
kong ibenta ng mas mahal ang mga rekados at sedang iniregalo sa akin ng masugid
kong manliligaw – Ginoong Juan Miguel de Figueroa – Ang halaga ng mga ito ay
gagamitin kong pang-gasto sa aking paglalakbay patungo sa kung saan, ang nais
ko lamang ay mahanap at makita ang akin ama.
Kapanahunan ng tiempo invierno kung
kalian ang buong bayan ng Sevilla ay niyayakap ng mahigpit ang tag-lamig,
ngunit ang mga labi ko ay hinahagkan ng mainit ang matinding kalungkutan, panay
ang agos ng mga luaha sa aking mga unan hanggang ang buo kong kapaligiran ay
nagiging manhid, nagpaubayang maanod ang kamalayan ng mga panaginip, sa
pagtulog ay nagkaroon ng mga panandaliang ligaya ang riyalidad, parang hinugot
ng puting kalapati mula sa butas ng pagluluksa tungo sa sulok ng kasayahan.
“ Vaya con dios maria Beatriz!”
Ang huling katagang narinig mula sa
pinsan kong si Diego habang papa-akyat ako sa damyo ng Galleon noong enero 18,
1633, bitbit ang regalong larawang mismong kanyang iginuhit sa kanbas, hindi
naku pang lingunin siya, ayaw kong magdalamhati ang nagluluksa ng damdamin sa
tuwing nakikita ko ang pagtagas ng kanyang mga luha dahil sa aking pag-alis.
Aaminin kong mas lalong nalungkot ang puso ng mahagkan niya ng pamama-alam ang
aking pisngi at ang mas maskalap isipin, tuluyan kong lisanin ang bayang sinilangan.
Dahil sa malaking halaga ang nalikom sa
pagbi-benta ng mga rekados at mga seda na ginto rin ang presyo ay nakayanan
kong kumuha ng eksklusibong kamarote, medyo may kamahalan pero ay ligtas para
sa biyaherong tulad kong nag-iisa.
Magtatakip-silim ng umpisang mag-layag
ang aming sinasakyang Galleon mula sa ilog ng Guadalquivir patungo sa
kontinente ng Amerika, doon marahil ay matatagpuan ko ang aking ama at
matatagpuan din ng aking malupit na tadhana ang mapayapang kalsada ng aking
kapalaran. Pero tiyak kong doon ay madaling matagpuan ang pansariling
kapayapaan
Papasok na sana sa aking kamarote ng
biglang narinig ng mga tenga ang mga katagang hindi mauunawaan ng isipan. “
Shalom! Medaber ivrit?” – “mapayapang pag-bati, nagsasalita ka po ba ng wikang
Hebreyo?”- Sa wikang tagalong- Bigkas ng isang estrangherang Senyora. “ Huh!
Ano po ang ating sadya?” Tanong ko sa kanya, tono ng boses ko ay nagtataka sa
kanayang mga salitang hindi ko naiintindihan, pagka-tapos malingon siyang
nakatindig sa pintuan ng kamaroteng mismong tapat ng sa akin. Minasdan ko siya
mula ulo hanggang paa,prominente ang kagandahang andalusyana sa pigura ng kanyang hitsura, pero batid kong
isa siyang hudya, hindi ay dahil sa kahawig niya ang mga hudyong sinusunog sa
Plaza tueing nangangailangan ng salapi ang korte ng Inquisition, kung hindi ay
dahil sa lukso ng dugo,kalahati ng dugong lumalatay sa aking mga kaugatan ay
hudya rin. Batay sa aristokratang pananamit, disenteng galaw, agad kong
nalamang siya ay mula sa isang marangyang pamilya. Ayon sa mga usap-usapang
naririnig sa bawat sulok ng mga kalsada sa Sevilla, kapag ang isang hudyang
nais tumakas sa kaharian ng Espanya ay nararapat mag-bayad ng malaking halaga
ng salapi o mga ginto sa mga taong may pinaka-mataas na katungkulan sa ilalim
ng korona ng hari, kapalit ay kalayaan at papel ng pahintulot.
Hindi nagtaka pa ng mabasa ang
ekspresyon sa aking mukhang walang maintindihan sa mga binitiwan niyang mga
kataga, maliban sa katagang “ Shalom”, “ Pasensya na po kayo senyorita sa aking
pang-aabala at kapangahasan!” Magalang ang kanyang paumanhin. Ako ay napangiti,
natuwa, nabigyang ginhawa ang nararamdaman, ako ay hindi na rin naglalakbay ng
mag-isa. “ Akala ko kasi kanina ay marunong kang mag-salita ng hebreyo.” Muling
sabi ng kaharap kong ginang, ginintuang kulay ng buhok ay bahagyang tinakpan
ang mga matang nagku-kulay azul ng bahagyang yumuko, sinuri ang mga intrikadong
larawang naka-ukit sa bitbit kong “ Banga”, aking naunawaan, kaya marahil tinanong
ako sa wikang Hebreyo, hindi dahil sa pigura ng aking hitsurang may pagka-hudya
rin ay dahil sa nakaukit sa bandang leeg ng “ Banga”, hango sa alpabetikong
Hebreyo. Nagising ang aking ala-ala, nasagi ng aking isipan, minsan ay nabanggit
ng aking depuntang abuela, marahil ay hindi tamang gamiting ang salitang
depunta dahil habang-buhay ay mananatiling buhay siya sa aking isipan, natanong
ko siya tungkol sa “Banga”, pagkatapos ng mahabang paliwanag ay pina-alalahanan
ako, kung sakaling ako ay luluwas kahit na kung saan ay huwag na huwag
kalimutang bitbitin ang “Banga”, ito ay magiging gabay para matukoy ko ang aking tunay na pagkatao,
proteksyon laban sa mga masasamang kaluluwa,pangatlo paninging makikita ang
hinaharap ng aking buhay at mabisang bertud, hahatak ng aking magiging
kakamping mapag-katiwalaan.
Tumayo din agad, pino ang mga galaw
ngunit ay nakakatuhog ang paninging pilit binubuklat ang mga pahina sa aking
kaluluwang naka-silid sa gilid ng aking mga mata. “ Alam mo ba kung ano ang
ibig sabihin ng salitang naka-ukit sa leeg ng “Bangang” ito?” Tanong ng ginang,
tono ng boses ay may bahid ng karangalan, hinahaplos ang nakaukit sa
“Banga.” “Opo Senyora! Maliban sa mga
detalyeng mas malalim.” Maikli kong sagot, tumango rin ako, nais ko sanang
makita ang galaw ng kanyang mga mata para malaman ang kanyng tunay na saloobin
ngunit ay muling yumuko, sinuri ng mas masinsinan ang mga ukit. “ Ang ibig
sabihin ng ukit ay Hatikvah sa wikang Hebreyo, ibig sabihin ay Pag-Asa, ang
pag-asang balang araw ay magtitipon-tipon muli ang mga anak ni Abraham sa
lupain ng Israel pero hanggang ngayon ay nananatili pa ring panaginip. Mahigit
isang libo at limang daang taong nakalipas mula ng itaboy ng mga Romano ang mga
hudyo sa banal na siyudad ng Herusalem, hanggang ngayon ay pinapalayas pa rin
ang mga hudyo, nagdurusa!” Tinig ng boses ay tinakasan ng pag-asa,
disilusyonada, nawawalan ng tiwala sa pangakong makakabalik pa ang mga hudyo sa
lupain ng Judea. Mga salita niya ay muling minulat ang aking kamalayan, dulot
ng dugong hudyo sa aking katawan ay nakiramay ako mga trahedyang sinapit ng mga hudyong halos
buburahin ang lahi sa ibabaw ng mundo.
Dahan-dahang tumayo ng mas malapit sa akin. “ Paumanhin lang po hija!
Sino sa inyong pamilya ang may lahing Hudyo?” Kanyang giit, malumanay ang
boses, alam ko, batay sa ekspresyong ng kanyang mukha, nalalamang isang may
lahing Hudya ang tanging may karapatang magmamay-ari ng “Banga.” “ Ang Mama ko
po ang may lahing Hudya, galing siya sa mga angkan ng mga Montefiore, buong
pangalan niya ay Sarah Beatriz Montefiore del Cohen, pero ako ay isang
converse, ganap na katoliko!” Direktang sagot, hindo ko binanggit ang tungkol
sa angkan ng aking lolo at ang katotohanang ako ay isang bastarda, ipinanganak
sa buntot ng masaklap na riyalidad, ang isang Espanyol ay hindi papahintulutan
ng sagradong Iglesia Katolika maikasal sa loob ng simbahan kung ang magiging
kabiyak ay isang Hudya. “ Marahil ay pagod na pagod kang tulad ko at nais mo na
ring mag-pahinga, Limor Eitan ang tawag nila sa akin.” Kinamayan ako. “ Maria Beatriz
De Castellano naman ang aking panglan.” Pagpapa-kilala ko sa aking sarili sa
Senyora, sa aking wari ay mahigit limampung taon ang kanyang edad na nakalubog
sa pagitan ng giwang ng tayog ng isipan at tulis ng mga titig. Marahang hinugot
ang aking palad sa pakikipag-kamayan. “ Marahil ay papasok muna ako sa kamarote
at magli-ligpit ng mga kagamitan. Nagagalak akong makilala ka Senyora Limor
Eitan.” Magalang ang paumanhin ko. “ Kung magkaka-roon ka mamaya ng bakanteng
sandali ay higit kong ikaka-galak na masaluhan mo ako sa pagdiriwang ng “ Tu
B’Shevat”, ang bagong taon ng mga punuan, batay sa tradisyong Hudyo.” Ngumiti
pagkatapos ng malambing na paanyaya, hinalikan ang aking pisngi, madali ko
siyang naka-gaanan ng loob, gumanti rin ako ng halik sa kanyang pisngi bago
pumasok sa kamarote at marahan kong isinara ang pintuan.
Tantiya ko ay isang metro ang lapad ng
malambot na higaan, katamtaman ang haba, puwedeng pagkasyahin ang buo kong
katawan, sa bandang paanan ay naroroon ang aparador, hanggang dibdib ang
kataasan, kulay mahogany at sa loob ay iniligpit ng maayos ang aking mga damit.
Maliit man ang kamarote ay mayroon namang banyong ubod ng linis. Mula sa giwang
ng bintana ay matatanaw ang walang katapusang kalawakan ng karagatang laging
tinutuhog ang aking kamalayan ng mga hiwagang hatid ng mga alon. Sa loob ay
Malaya akong naghubad, hinugasan, maiging sinabon ang buong katawang nangangati
sa mga dumudikit na alikabok sa akin balat, nilinisan ang aking laman ngwalang
takot mabosohan hindi tulad n gaming banyo sa Sevilla, butas-butas dahil sa
kamanyakan ng aming kapit-bahay, sa wari ko ay isang lalaking nasaniban yata
kaisipang tinutusok ng matinding pagnanasa. Maliban sa tampisaw ng tubig,
ningning ng mga bituin, hampas n mga alon sa tagiliran ng Galleon ay
nakaka-kilabot ang katahimikan sa loob ng banyo at kamarote.
Pagka-tapos ng mahabng ritwal sa banyo
ay lumabas na rin ako, nagbihis ng damit pantulog, tatanggihan ko sana ang alok
ni Senyora Limor, pakiramdamdam ko ay lupaypay ang aking katawan, lakas ay
hinigop ng matinding pagod dulot ng mga samo’t saring suliraning ginagambala
ang isipan. Bigla ay narinig ang sunod-sunod na mga katok sa pintuan, alam kong
si Senyora Limor, nais akong karamay sa kanyang kalungkutan, tulad kong mag-isang
naglalakbay. Ang kaibahan nga lamang ay naglalakbay siyang walang katiyakan,
parang kapalarang inaanod batay sa pabugso-bugsong ihip ng hangin at ang
hangarin ko ay matagpuan ang aking ama. Pero ang tugmang pangungusap, ang hangaring tunay ni Senyora
Limor ay takasan ang persekusyon, layasan ang lupaing nababaliw sa kamandag ng
Inquisition.
“ Hag Sameach!” “ Maligayang pag-bati!”
, - sa wikang tagalog- Kanyang bati sa wikang Hebreyo ng tumambad siya sa aking
harapan, matapos mabuksan ang pinto, blangko ang isipang pilit inu-unawa ang
mga salitang ipinukol, magiliw ang mga ngiti, hinalikan ko siya sa pisngi,
bit-bit ang mga tuyong prutas at isang boteng alak.
“Tuloy po kayo!” Walang atubiling
anyaya ko.
“Maraming salamat Hija!” Marangal na
sagot, dumiretso kami sa mesang salungat ng higaan at sa hapag nito ay
pinagsaluhan ang bagong taon ng mga puno sa gitna ng matatamis na mga katagang
binabalutan ng mga pangako.
“ Nagugustuhan ko ang iyong angking
lakas ng loob Hija, pero ang kontinente ng Amerika ay higit na mas malawak
kaysa lupain ng Europa! Paano mo mahahanap ang iyong Papa roon?” Bigkas ni Senyora Limor, tubong Toledo ayon sa
kanyang salaysay, ang angkan ay mangangalakal ng mga bakal ngunit ay sinunog ng
mga sundalong Kastila, karamihan ng kanyang angkan ay ikinulong sa maruming
bilangguan ng Madrid dahil tinaggihan ng kanilang ama ang sapilitang
pagpapa-binyag sa relihiyong katoliko, wala siya sa loob ng sunugin ang
kanilang tahanan, tanging naabutan ay ang nagliliyab pang mga poste at abo ng
bubungan.
“Magtanong-tanong na lang marahil ako!”
Maikling sagot, nakita kong nagulat ang
kanyang mga matang may halong pagdu-duda, hindi lubos maisip kung ako ba ay
magtatagumpay sa aking pakay. “ Nagustuhan ko rin po ang taglay mong tapang at
sa wari ko ay madali kang pagka-tiwalaan.” Muli kong wika.
“ Huwag kang magtiwala agad sa mga
taong iyong nagugustuhan, ang gagawin nilang kataksilan ay ang magbabaon sa iyo
sa libingan ng kabiguang walang kasing-saklap.”
Mga katagang hinugot ng karunungang hinubog ng karanasan.
Sa gitna ng mahabang talakayan, pag-kain ng sampung uri ng mga prutas, pag-inom
ng apat na kopang alak, paraan kung paano ipag-diwang ang Tu B’Shevat,
makabuluhang okasyong binibigyan halaga ang pag-galang sa kalikasan ay lumawak
din ang aking isipan at payapa kaming nama-alam sa isa’t-isa.
Muling naiwang mag-isa sa loob ng kamarote,mas
madilim pa yata kaysa karagatang Atlantik, ang karagatang punong-puno ng
kababalaghan ayon sa mga griyegong manunulat ngunit ay naging isang
kathang-isip lamang, pilit binuwag ng mga konkistador at mga manlalakbay ang
paniniwalang – Ang dulo ng mundo ay nagwawakas dito –
Nakahiga , kamarote ay nangangamoy
dagat, isipan ay hinuhubaran ang aking ala-alang binabalot ng mga seda ni Juan Miguel de Figueroa, sa puntong
ito ay ang pinaka-mahalagang karakter sa bawat hibla ng aking buhay, kung hindi
marahil sa kanyang mga rekados, malamang ay naibenta ko ang tahanan ng aming
angkan – Villa de la familia Castellano – Ang tahanang itinatag sa adobe ng
kagitingan at haligi ng kadakilaan ng aking abuelo.
Bukod sa matatalinong kataga ni Juan
Miguel ay nananbik ako sa kanyang nakaka-baliw ng mga pangarap. Kung ilang buwang
hindi napadalaw sa amin, huli kong nabalitaang lumuwas sa isla ng mga rekados sa malayong silangan,
magtataka siya kung sakaling mapadalaw balang araw sa Villa, si lola ay pumanaw
na, kanyang kinagigiliwan at ako ay umalis na rin, kanyang minamahal.
Ang isang tao ay nagiging mahalagang
bahagi nga pala ng iyong buhay sa sandaling mawalay sa iyong tabi, ngunit ay
nakaka-iritang isipin sa tuwing laging kapiling, hindi dahil naiinis ka sa
kanyang pagmumukha, nababagot sa tuwing dinuduyan ng kanyang pagma-mahal ang
iyong puso, kung hindi ay dahil ayaw mo siyang pakawalan pa, habambuhay
ibibilanggo sa loob ng mahihigpit na yakap. Subalit ang buhay ay sadyang niyari
na laging may pintuan, magsi-pasukan at magsi-alisan din ang mga panauhin, ang
mas masakit ay kung ang mismong minamahal ang siyang aalis, walang katiyakan
kung muli ay magkakatagpo pa.
Kung talagang wagas ang pag-ibig ni
Juan Miguel, gagawa siya ng kahit na anong paraan para ako ay muling matagpuan.
Kung batid lamang niya, mas nanaisin ko pang tumandang dalaga kung hindi man
lang siya ang magiging kabiyak, siguro ay kanyang naiintindihan ang dahilan ng
pagtanggi ko sa alok niyang kasal, may obligasyon akong dapat gampanan para sa
ikaliligaya ng aking mahal na abuela.
Kung saan man siya naroroon ngayon,
sana ay kanyang malaman kung gaano ko siya kamahal, bagkus ay mahal na mahal,
hanggang ngayon kahit sa aking pagtulog ay hanap-hanap siya ng aking isipan, sa
aking mga panaginip ay siya ang laging laman. Batay sa aking paniniwala, kung
ang dalawang nilalang ay wagas nag-iibigan at pinag-hiwalay ng kapalaran ay
kusang pagtatagpuin ng tadhana dahil ang tunay na pag-ibig ay hindi hahayaan na
lamang ni kupido na maglaho at magiging alikabok.
Hindi naging payapa ang pangalawang
linggo ng aming pag-lalayag, ang buong Galleon ay nagmistulang purgatoryo,
hinagupit ng bagyong napaka-bagsik. Maliban sa akin at mga tripulante ay
nagsusuka ang mga pasahero, hindi nakayanan ng kanilang sikmura ang pag-alog ng
Galleon, pasirko-sirko sa tuktok ng mga alon. Tinungo ko ang kamarote ni
Senyora Limor, nadatnang nagku-kulay berde ang suka, nagbalat ako ng mga
naranhita, piniga ang mga balat at pinalanghap, kahit napawi na ang sakit ng
ulo ay lumalalim ang kanyang mga mata, kumuha ako ng tuwalya, binasa ng mainit
na tubig at pinunasan ang mukha. “ Huwag kang mag-alala, malalagpasan din natin
ang panahong nagsu-sungit!” Nagbulong
ako ng mga katagang may katatagan , hindi niya nakuhang sumagot, lupaypay at
hinang-hina. Lumabas ako ng kamarote, hinayaang mag-pahinga ang ginang, bitbit
din ang mga balat ng naranhita, ipinalanghap sa mga nagsusukang pasahero.
Malakas ang sigaw ng kapitan mula sa
kanyang kamarote, mahigpit ang utos sa mga tripulante, itapon sa dagat ang mga
kargamentong kahoy, gaano man kalakas ang hampas ng mga alon ay nananatiling
kalmado, kontrolado ang situwasyon, mukhay ay walang bakas ng pagta-taranta.
Matapos kong maasikaso ang mga pasahero
ay humuhupa na rin ang bagyo. “ Hanga ako sa ipinamalas mong kagitingan at
katapangan sa gitna ng karahasan ng bagyo!” Bigkas ni Kapitan Antonio Maria
Velasquez, tubong Cadiz pero ang ina ay taga Genoa, ang bayang pinagmumulan ng
mga mahuhusay na mga manlalayag at mga kapitan. “ Batay sa aking pagbubuklat ng
aking manipesto dahil namangha ako sa iyong katauhan, apo ka pala ni Kapitan
Juan Gabrielle de Castellano, ang mandirigmang nagligtas sa banal na Iglesia
Katolika, marahil ay nakuha mo sa kanya ang dugong may angking kagitingan at
katapangan.” Muling wika, maginoo man ang galaw ngunit ang boses ay dominante,
matatag at makapangyarihan. “ Salamat kapitan, bilang isang babaeng kastila ay
obligasyon kong pagsilbihan ang kapuwa.” Tumango siya ngunit ay lumingo dahil
batid niya, sa kontinente ng Amerika ang mga kastila ay hindi nagsisilbi kung
hindi ay pinagsisilbihan, mga kahayupang ginawa laban sa mga katutubo ay
karumal-dumal, hindi gawain ng isang sibilisado kung hindi ay ng isang diyablo.
Pagka-tapos ng maikling palitan ng mga kuwento ay agad kong tinungo ang
kamarote ni Senyora Limor, mahimbing ang tulog, maigi na ang pakiramdam.
Kung ang pangalawang linggo ng
paglalakbay ay malupit na purgatory, ang pangatlo ay nakakawala ng ulirat dulot
ng impiyernong karumihan, dahil sa kakulangan ng tubig ay dahan-dahang
gumagapang ang mga kuto sa mababahong buhok ng mga pasahero. Napapanatili
naming ni Senyora Limor ang kalinisan ng aming pangangatawan,nag-ipon kami ng
balde-baldeng tubig noong kasagsagan ng bagyo, ang mga lumang kumot ay isinabit
sa bintana at ipiniga ang naipong hamog sa mga palanggana. Ang masaklap pa ay
ang kakulangan sa pagkain, naisip kong ipunin ang bawat butil ng garbanzo mula
sa tira ng mga pasahero, pinakuluan para lumambot, pinalamig muna bago dinikdik
hanggang sa lumapot. Nagpakulo ako ng dagat hanggang sa tumuyo at ang natira ay
ang mga malilit na mga Kristal ng asin. Sa bawat kalahating kaldero ng malapot
na garbanzo ay hinaluan ko ng kalahating kutsaritang asin. Nahatak ko ang
kanilang galang, ang kaalamang ito ay magagamit ko bilang sandata sa hinaharap.
Panaka-naka ay may anod na mga kahoy,
bumabangga sa tagiliran ng Galleon, panay din ang ikot ng mga ibon sa mga
layag, ang iba ay pumapatong sa poste sa harapn ng Galleon, mula sa giwang ng
aking bintana, kalagitnaan noon ng Marso, sa ilalim ng kalangitang azul ay
matatanaw ang kolonyal na siyudad ng Villa Rica de Vera Cruz, itinatag ni
Hernan Cortes noong 1520, ang konkistador na biglang naging marquis ng Oaxaca
noong 1522 at Kapitan Heneral ng Nueva Espanya. Mahiwaga nga ang kontinente ng
Amerika dahil kayang palitan ang kulay ng tadhana, ang isang hamak na nilalang
ay biglang maging isang Gobernador o isang Marquis kapag napalamon ng maraming
ginto ang Korona ng Espanya na tila ay walang kabusugan.
Sa loob ng banyo habang ako ay naliligo,
dinig na dinig ko ang malalakas na bulyaw ng trumpeta, hudyat ng tuluyang
pag-daong ng Galleon sa pier ng Nueva Espanya. Nakakabulahaw ang mga kalampag
sa loob ng mga bodega. Nagbigay ng utos ang kapitan na ibaba ang damyo.
Pagkatapos mai-ayos ang mga damit sa loob ng maleta at balutan ng makapal na
seda ang “Banga” ay lumabas na rin ako sa aking kamarote. “Sabay na tayong
bumaba Hija!” Paanyaya ni Senyora Limor , naghihintay pala sa aking pag-labas,
maaliwalas ang mukha, bitbit ang maletang yari sa tupa. Tulad ko ay hindi rin
siya nag suot ng belo, nakaka-bagot ang init ng kilmang tropikal, bawat hakbang
ay may katumbas na isang basong pawis, rumaragasa sa aking noo.” Nawa ay
magtatagumpay ka sa iyong hangaring matagpuan ang iyong ama Senyorita.” Magiliw
ang pagka-wika ng Kapitann nasa bukana ng damyong nakasubsob na sa daungan.
“Salamat po!” Matipid kong sagot, sabay halik sa pisnging namumula at tumapak
ang aking mga paa sa lupa ng kontinenteng patuloy ina-alipin ng mga
kolonyalista ang mga katutubong indyo, ngayon lang nakita ng aking mga mata.
Hubad at lantad ang kulay kayumangging balat, karga ang aming mga kagamitan sa
knailang balikat, tanging saplot nila ay manipis na telang nakatakip sa
maselang bahagi ng kanilang katawan. Palabas ng daungan ay kumakapal ang
nasasakubong naming mga prayle, ang tunay na may makapangyarihang posisyon sa
gobyernong kolonyal. Ang mga tisa sa kalsada ay ibinubulong sa mga bagong
saltang tulad naming ang tagumpay ng liberalism, mas maraming ginang at mga
binibining malayang naglalakad ng hindi nakasuot ng belo, maikli ang pananamit,
sa Espanya ay isa itong kalapastangan. “ Ang dulot ng kaunlaran ay makabagong
kaugaliang habambuhay ay ibabaon ang konserbatibong paniniwala sa katakumba ng
kasaysayan.” Bulong ng aking isipan.
Binabagabag ang damdamin ni Senyora
Limor tuwing may mga mestisong nakakasalubong, mas mababa ang antas sa lipunang
kolonyal, narinig niya sa nakausap na mga mangangalakal, ang mga katutubong ina
ng mga ito ay ginawang parausan ng mga kolonyalista pagkatapos alipinin, alam
niyang darating ang panahon, ang mga bastardong mestiso ay mag-aaklas laban sa
Espanya, makikibaka para magkaroon ng mga karapatag tulad ng mga may lahing
purong kastila. Sa bawat kalsada ng Vera Cruz ay gumagapang na ang putik ng
pag-aaklas, usap-usapan ang matagumpay na pakikibaka ng negrong aliping si
Gaspar Yanga, lumaya laban sa mga konkistador.
Unti-unting umusbong ang uring
mangangalakal, nagkakaroon ng kapangyarihang political, nagtatag ng mga
magagarang gusali sa lungsod ng Vera Cruz,palatandaan ng karangyaan, isinisigaw
ng kanilang damdamin, ang kontinente ng Amerika ay paraisong punong-puno ng mga
oportunidad. Laging puno ang mga restoran ng mga kliyenteng walang ibang
pinag-uusapan kung hindi ay salapi, salapi at salapi. Walang puwang ang krisis,
lahat ay nabigyan ng hanap-buhay dulot ng kalakalang Galleon, lahat ay
nagsasaya, nakikinabang, araw-araw ay may pistahan. Sa aking wari, ito marahil
ang dahilang kung bakit ang mga konkistador ay ayaw ng umuwi ng Espanya kapalit
ng dekadenteng kaligayahan.
Natuwa ang mga indyong Tlaxcalan,
binigyan ko ng isang garapang cinnamon kapalit ng kanilang serbisyo.Inilapag
muna an gaming kagamitan bago umalis. Kinatok ko ang pintuan ng bahay-paupahang
nabanggit sa amin ni Kapitan, nasa tapat ng Forte San Juan de Ulua, kahit
nagdadalwang-isip ay panay ang aking katok, tantiya ko ay ito ang tugmang bahay
batay sa deskripsyon ng kapitan, pinaghalong katutubong sining at kastila.
“Unica-Hija ka pala ni Senyor Paulito
Gabrielle de Castellano, matagal ko siyang nakasama rito, isang taong
kagalang-galang, marangal ang hangarin, hanga din ako sa kanyang paniniwala,
ang tunay na yaman ay hindi ang mga gintong kinababaliwan ng mga kastila kung
hindi ay ang mga lupang bubungkalin, pagtataniman, bibinyagan ng dugo at pawis,
taglay niyang pangarap ay kay sarap pakinggan. Nais magtatag ng isang bansang
itataguyod ang kapakanan ng karamihan, lahat ay magkakaroon ng pantay-pantay na
hustisya at oportunidad. Halos araw-araw ay nagpupulong kami subalit ay bigla
siyang umalis ng hindi ko alam ang dahilan, pero ay subukan mong pumunta sa
simbahan ng Vera Cruz, tiyak ay alam ni Padre Benito de la Huerta ang
kinaroroonan ng iyong ama dahil doon siya laging nagkukumpisal.”
Mahabang salaysay ni Senyor Gustavo
Suarez, ang may-ari ng bahay-paupahan, nakatayo sa harap ng mesang mataas, bigote
at balbas ay namumuti sa karinyosong hitsura. Ang kauna-unahang nilalang na
pinagtanungan ko tungkol kay ama at hindi ako nabigo. Tubong Sevilla din, tiyak
ay may nalalaman tungkol sa aming pamilya, alam kong sa haba at tagal ng
kanyang pamamalagi sa Vera Cruz ay pamilyas sa mga labas-pasok na mg
konkistador, lalo na sa paupahang-bahay kung saan ay madaling makakuha ng mga
impormasyon tungkol sa mga walang matutuluyan at mga ligalig na patuloy pa rin
sa paghahanap ng kanilang mundo.
“ Nakaka-pagtaka, ang isang
sibilisadong emperyo ng mga Aztec, may daang libong mga kawal ay nalipol ng
limang daang mandirigmang kastila!” Binasag ni Senyora Limo rang katahimikan sa
loob n gaming kuwarto, pinagmamasdan ang pyramid ng El Tajin mula sa bintana.
“ Sapagkat ay organisado ang
pagkabrutal ng mga berdugong kastila kaysa watak-watak na mga kawal ni
Montezuma II, dagdag pa riyan ay naniniwala silang mga kastila ay mga sugo ng
kanilang diyos-diyosang si Quetzalcoatl, agad silang nag-tiwala, sinamba at
buong pusong tinanggap, lingid sa kanilang kaalaman ay pagtataksilan sila,
aalipinin at paparusahan.” Direktang sagot ko, namangha pa rin at
nag-aalinlangan. Samantala ay patuloy kong inaayos ang mga unan sa ibabaw ng
higaan.
Naghahalo ang tagos ng bukang-liwayway
sa madilim na sulok ng langit, ang loob at labas ng “Gustavo Viajero Inn” ay
kinukumutan ng hamog, makapal at malamig. Marahan akong nagbihis pagkatapos
maligo, iniiwasang magambala ang kahimbingan ng ginang. Maingat isinara ang
pintuan at bumaba. Makintab ang bawat palapag ng hagdanang yari sa kahoy ng
yakal.
Tanging isang lampara ang naging
tanglaw sa silid-kainan habang nag-aalmusal ng tatlong pirasong pan de sal,
dalawng pritong itlog, isang mahabang chorizo at isang tasang mainit ngunit ay
may pait na inuming medyo ay malapot, sabi ng servidora ay “ cocoa” ang tawag
dito, inumin ng mga katutubong indyo, nakakapag-bigay ng lakas.
Tiyak ay tulog pa si Senyor Gustavo,
wala sa harap ng mesa kung saan tinatanggap ang mga kliyente, hindi ako
nagaksaya ng panahong hintayin siya para mag-paalam, agad lumabas sa pintuang
inukitan ng mga pigurang Aztec, hinayaang dumampi ang hamog, may kalamigan sa
aking balat, marahan ang aking mga hakbang, namamangha ang paningin sa ganda ng
Fort San Juan de ulua, sa likod ng madugong pananakop ay matagumpay
naipa-laganap ang katolisismo at sibilisasyong kastila sa mga adobeng pader ng
Fort.
“Isang huwarang kristiyano ang iyong
ama hija,mas nanaising ibahagi sa mga katutubo ang kurs ang mga banal na eika
ng mesaya kaysa mgakamkam ng karangyaan at mga lupain, sa bandang huli lahat ay
iyo ring iiwan.” Bigkas ni Padre Benito, inihahanda ang dambana sa loob ng
simbahan ng Vera Cruz para sa pang-umagang misa, napa-krus ako sa imaheng banal
ng Hesus-Kristo ng puting belo. “ Mahal na mahal ka ng iyong ama, tatlong beses
kung magkumpisal siya sa isang linggo, laging dinadalangin ang iyong
kaligtasan.” Dinig ko, marahil ay naibahagi rin ni ama, ako ay isang putok sa
buho, nauunawaan ko ang pagluwas ng aking ama para sa aming kinabukasan at para
sa bayan.” Ang huli kong narinig tungkol sa kanya ay andoon siya sa Acapulco.”
Maghunos dili ka Senyorita Beatriz!,
mas maiging pag-isipan muna natin ang gagawing mga hakbangin.” Naging bingi ako
sa mga payo ni Senyora Limor, nagmadaling niligpit ang mga kagamitan sa loob ng
maleta, sapat ang mga impormasyong nahagilap ko
mula kay Padre Benito, buong-buo ang pasyang tunguhin ang siyudad ng
Acapulco, nagkukulimlim ang langit, may dalang hanging malamig sa aming
kuwarto, napangiti ako, sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan ay isa-isang
kinuha ni Senyora limo rang mga damit sa kanyang aparador, iniluklok sa kanyang
maleta, kita ko ang sinseridad mula sa mga ugat ng kanyang namumutlang mukha,
makikiramay sa akin kahit saan man ako papadparin ng ihip hangin.
“ Pasensiya ka na Senyora sa
pabugso-bugso kong desisyong determinadong mahanap si ama, kung ako ay
mawawalan ng kapangahasan, tiyak ang aking kabiguan.” Malumanay ang aking
pagka-bigkas, katahimikan ay bumalandra sa loob ng aming kalesa, matulin man
ang takbo, mabilis ding sumusunod ang ibong tropikal, makukulay ang mga
balahibo.
Dag-dag pa sa nakaka-baliw na usbong ng
apat na kabayong humihila sa kalesa ay ang sakal ng init mula sa nagkuku-limlim
na gubat, parang tinatakpan an gaming mga ilong, hairapang huminga. Maliban sa
mga nakaka-malaryang kagat ng mga lamok ay panaka-naka rin ang mga kalesang
nasasalubong. Sa gitna ng mahabang paglalakbay, kasumpa-sumpang makita ang
walang-awang pang-aalipin ng mga tsinong napagkamalang mga magnanakaw,
kinakastigo at nilalatigo kapag nagkakamali sa pagkukumpuni ng kalsada, hindi
lubos maunawaan ng aking isipan, ang isang edukadong kristiyanong espanyol ay
kayang sikmurahin ang kahayupan laban sa kapuwa. Kahit pa man ay nagtaksil ang
mga tsino laban sa kaharian ng Espanya, pero sa tinging ko ay hindi tamang sila
ay pagmamalupitan, marahil ay isang babaeng emosyonal, mababa ang nalalaman o
walang karanasan sa paglilingkod sa kolnya ng Espanya kaya ay hindi
naiintindihan ang nakikita, marahil ang pagmamalupit, pangaalipin at madugong
pagpaslang sa mga nagkasala ay mabisang paraan para sa integrasyon ng buong
kolonya.
Kung ilang kalsadang madudulas an
gaming natawid, libo-libong higanteng mga punuan ang nadaanan, mula sa matarik
na bangin ng Sierra madre del sur ay bumulaga sa aming paningin ang luntiang
siyudad ng Acapulco.
Ang
mala-impiyernong init sa aming inuupahang silid ay lalong lumagablab sa mga
mahahapding sagot ng may-ari – Senyor idelfonso Rodriguez – kanyang mga kataga
ay binubug-bog ang aking damdamin, tinutusok ang aking ala-ala habang ako ay
humihikbi sa ibabaw ng higaan. “ Matagal ng umalis ang iyong amang si
Ginoong Paulito Gabrielle de Castelano.
Batay sa aking nalalaman, dahil ay anak siya ng dakilang mandirigmang nagligtas
ng Iglesia Katolika laban sa mga heretiko ay nakumbinsing lumahok sa isang
ekspidisyon ni Kapitan-Heneral Juan Nino de Tabora upang sugpuin ang mga
piratang morong ginagambala ang kalakalan at katahimikan sa kolonya ng Las
Islas de Felipinas,mas lalo pang nakumbinsi ni Padre Juan Ruiz Azcarraga ng
makita ang inukit niyang Imahe ng sagradong Birhen Maria,ayon sa mga prayle ay
milagroso ang imahe, maghahatid ng tagumpay sa mga konkistador. Noong Marso
1626, hindi ko masyadong matandaan ang eksaktong petsa ay sumama sa
ekspidisyon, lulan ang Galleon ng El Amirante.” Mga katagang pabalik-balik sa
aking sentido, nilulubog emosyong nangingitim ang nakataob kong katawan sa
ilalim ng matinding kalungkutan. Patuloy an gang pagtatangis ng hindi
namamalayan ang pag-lapit ng Senyora sa aking tabi, pinipisil ang aking batok,
pilit tinatanggal ang tinik ng pagdadalamhati. “Huwag kang sumuko kaagad hija
sa mga hamon ng matinding dagok sa buhay,bagkus ay dapat kang magsaya dahil ang
mga pagsubok ang magpapatibay sa iyo, mga karanasang mapapait ang magpapa-tatag
sa iyong adhikain,kung nabigo kang matagpuan ang iyong ama ditto sa kontinente
ng amerika, marahil sa las islas Felipinas ay magtagumpay ka, kung kakapusin
man tayo sa panggastos, ako ay laging nasa iyong tabi, aalalayan kang palagi
tungo sa iuong hangarin, tiyak doon sa malayong kapuluan ay matatagapuan natin
ang mga bagong oportunidad!” Payo at pananalig,muling binuhay ang lakas sa
aking loob, sinubukan kong tumayo, niyakap siya ng mahigpit hinalikan din ang
magkabilang pisngi. Sa wari ko ay tama siya sa sinabing madaling mahanap ang
mga oportunidad sa kapuluan dulot ng rumaragasang kalakalang Galleon sa pagitan
ng Acapulco at maynila, malaking halaga ng buwis ang naiambag ng mga
mangangalakal sa kaharian ng Espanya, ibig sabihin ay malaki ang naging tubo sa
mga ibini-bentang mga kalakal.
Kung ang mahigit dalawang linggong
pag-tawid mula sa Sevilla patungong kontinente ng Amerika ay purgatoryo,
salungat ito sa aming paglakbay mula Acapulco hanggang sa Las Islas de
Felipinas noong Abril 5, 1633. Sapat ang kargamentong mga pagkain at tubig dahil
sa mas malaki ang Galleon, yari sa matibay na kayon ng apitong, tanguile at
yakal mula sa mga kapuluan n gaming patutunguhan. Mas malayo at malawak ang
karagatang Pasipiko ng Pasipiko, dahil mas epektibo ang mga layag, yari sa mga
hibla ng abakang galing sa kapuluan ng Ylo-Ylo ay mabilis naming narating ang
Las Islas de Felipinas.
Ang pinaka-mahalagang luluan ng Galleon
kaysa mga ginto at pilak mula sa minahan ng Zacatecas ay ang magiging
Gobernador—Heneral, si Juan Cerezo de Salamanca. Minsang sinungitan ni Senyora
Limor, tinanggihan ang alok ng Ginoong makipag-kamayan dahil galit sa mga
matataas na opisyal ng kahariang Espanya, naniniwalang mga sunod-sunurang mga
instrument ng Hari para sa tuluyang pag-bura ng lahing Hudyo sa balat ng
Espanya.
Naliban sa mga cacao at mga indigo ay
ang limang-daang katutubong indyong may mahabang karanasan sa pagtatanim ng
mais at tabako ang lulan, ang wika nilang nahuatl ay unti-unting nahaluan ng
mga katagang kastila.
Pansamantalang inupahan namin ang
tatlong kuwartong bahay, nasa gilid ng kumbento ng San Diego de Alcala, malapit
sa ospital ng San Jose, itinatag ng mga konkistador at mga sundalo tuwing
dumarating sila rito sa Cavite la punta mula sa digmaan.
Maliliit subalit ay komportable ang mga
kuwartong may sariling banyo, kulay itim ang sahig, yari sa tablong makintab na
kamagong galing sa kapuluan ng Mindoro. Medyo ay may kalaparan ang sala kung
saan ay naroroon ang hapag kainan, ang malaking bintana ay dinadaluyan ng
sariwang hanging galing sa dalmpasigang sinputi ng mga ulap ang buhangin.
Dahan-dahang bumangon at umangat ang
aming buhay sa Las Islas Felipinas na binubuo ng mga islang watak-watak kaya ay
madaling nalipol ng mga kastila. Kahit hindi man sasakupin ay talagang nais ng
mga naninirahan ang makipag-ugnayan sa may mga mapuputlang kulay ng balat dahil
sa panibagong kaalaman at sistemang pang-kabuhayan.
Naging abala ang Senyora sa
pangangalakal ng mga telang yari sa mga hibla ng katutubong bulak, higit na mas
mababait ang mga katutubo rito kaysa mga katutubo ng Amerika. Humingi muna ako
ng paumanhin sa kanya bago gumawa ng mga chorizo at hamon dahil siya ay purong
Hudya, baka aking malabag ang kanyang pinapaniwalaang batas ng Kosher. Hindi
naging mahirap ang pagbi-benta ng mga kastilang pagkain, marahil ay bukas ang
isipan ng mga katutubo o siguro ay nais rin matikman ang mga putaheng bago sa
kanilang panlasa. Lumago ang aming kabuhayan, napilitan kaming kumuha ng isang
kasambahay, taga Cavite rin. Tantiya ko ay hindi hihigit sa 20 ang edad ng
dalagita, makinis ang kayumangging balat, malumanay ang boses, mahinhin ang mga
galaw at higit sa lahat ay mas malinis sa pangangatawan, tatlong beses o higit
pa kung maligo sa isang araw.
Ang pangunahing dahilan ng biglang
paglaki ng kabuhayan ay dahil sa walang kumpetensya ang aming mga kalakal, kontrolado ang presyo,
higit sa kalahati ang tubo, mas mura ang mga katutubong sangkap.Pero ay hindi
maiwasang may nais malaman ang dahilan sa likod ng paglaki ng isang kalakalan.
“Binigyan po ako ng isang daang peseta ni Ginoong Lee Xiao Dee para sabihin ko
sa kanya ang lihim sa pag-gawa ngmga binibenta mong pagkain Senyorita!” Sumbong
ni Mariana, aming kasambahay, habang nag-aalmusal kami ni Senyora Limor. “
Mandurugas ng makabagong kaalaman ang tsinong iyon, hindi lang magnanakaw ay
ugat pa ng kurapsyon, sana ay hindi ito matututunan ng mga katutubo. Nagbigay
ka ban g impormasyong kapalit ay salapi?” Tanong ng Senyora, boses ay malamig,
may ikinukubli, dahil may mahabang karanasan sa pangangalakal ay hindi makikita
ang bakas ng galit sa mukha, sa larangang ito ay mas makapangyarihan ang takbo
ng utak kaysa init ng emosyon.” Walang impormasyon po akong naibigay sa kanya,
isinauli ko rin ang salaping kanyang gantimpala sana.” Mga kataga niya ay
nababahiran ng katapatan, ayaw magtaksil, sana nga ay hindi malulusaw ang
kagandahang asal ng mga katutubo sa pangil ng mga dragon ng mga tsinong
naniniwalang kataksilan ay tamang gawin kung ang kapalit ay pilak, mga
panibagong hudas sa kolonya ng Espanya, nilalapastangan ang batas ng katapatan.
Batid ko ang katapatan ni Mariana sa
sarili at sa amin sa gitna ng malawakang pag-aaklas ng mga tsinong
mangangalakal, kinikiliti ang mga kamalayan ng mga tauhang katutubo laban sa
aming mga banyagang kastila, binubuwag ang namulatan nilang sistema, madugong
binubura at saka ay papalitan ng sibilisasyong kolonyal, ang mga balahibo ng
mga batas ay dayuhan sa kanila. Pero ay mas nanaisin ng mga katutubo ang
mapasa-ilalim sa isang kristiyanong pamahalaan kaysa mga tsinong walang
kinikilalang Diyos ng pag-ibig, mga naniniwalang pagmahal sa kapuwa ay
karupukan, ang mas nakaka-lungkot ay kung mapasa-ilalim sa pamahalaan ng mga
piratang moro, walang tigil sa pandudukot, hahalaying muna ang mga kababaihan
bago ibibenta.
Naging panatag ang aming loob sa kanya,
ginagalang at tinuturing bilang bahagi naming, dahil sa tiwala ay nagkaroon ako
ng panahong tunguhin ang simbahan sa Tipolo. Batay sa aking mga naririnig mula
sa mga mandirigmang kastila ay naroroon ang Milagrosong imahe ng Birhen
Maria,mismong inukit ni Ama. Kung sakaling matagpuan ko ang imahe ay hudyat na
nalalapit na ang katapusan ng aking misyon, ang matagpuan si Papa.
Lubak-lubak ang kalsadang makipot mula
Cavite la punta hanggang sa barrio ng Tipolo dulot ng arawang buhos ng ulan.
Para sa tulad kong taga Sevilla ay luntiang paraiso ang tumabad sa aking mga
mata, berdeng-berde ang mga kabundukan, mabango ang halimuyak ng mga halaman at
napakalinis ng tubig sa ilog. Ang mas nakakpukaw ng interes ay ang kubong
maliit, yari sa kawayan at binubungan ng kogon, tiyak ang mga nakatira sa bahay
na iyon ay mga yaong masayahin sapagkat sila ay kuntento, hindi nagdurusa sa
pang-aalipin ng sobrang kasakiman sa mga material na bagay.
Naupo ako sa isang mahabang upuang yari
sa kayumangging mahogany sa loob ng simbahan, hinintay si Padre Juan de
Salazar, taga-pangasiwa ng simbahan ng Tipolo, ang imahe ng milagrosong Birhen
Maria, kulay kayumanggi ay nasa likod ng dambana, hindi ako nagtaka sa naging
kulay ng imahe, sa wari ko ay mabisa ito para madaling mahatak ang mga
kayumangging indyo sa pananampalatayang katoliko.
“Magandang araw sa iyo binibini! Ano po
ang maipaglingkod ko sa iyo? Bati ng pari, medyo mas maputla ang kulay kaysa
karaniwang karaniwan kastila, marahil ay nagmula sa lahing Basque kung hindi
ako nagkakamali, lumapit sa akin,nagbigay ng galang.
“ Magandan araw din po sa inyo! Napunta
ako rito upang hanapin ang aking amang si Ginoong Paulito Gabrielle de
Castellano.” Naging mababa ang tining ng aking boses sa pagbati, magalang
subalit ay direkta. Marang tumayo at kinamayan siya.
Pinagmasdan ang aking hitsura. “ Ikaw
pala ang Unica-Hija ng dakilang konkistador, hawig mo ang pananalita, pungay ng
kaluluwa at pagmumukha ng iyong ama. Magiting siya, nawa ay lalong
maipalagananp sa buong kapuluan ang Pag-Ibig ng mesaya para sa kaligtasan ng
mga makasalanang kaluluwa. Milagroso ang mga kamay ng iyong ama, ang imaheng
inukit niya, nasa likod ng dambana, nagligtas ang sa mga pasaherong lulan ng
Galleon ng El Amirante, kasama ang iyong ama at si Gobernador-Heneral Juan nino
de Tabora. Batay sa mga tripulante, nasaksihan nila ang Birhen Maria sa pag -
apula ng apoy kaya ay nagkulay kayumanggi ang kanyang nasunog na balat.
Nagbuhos ang langit ng hindi inaasahang malakas na ulan, tuluyang nailigtas ang
Galleon sa lagablab ng apoy, ngayon ang banal na imahe ay naging Nuestra
Senyora de la Paz y Buenviaje ang patron ng mga manlalakbay.”
Mabang paliwanag, suot ang selyo ng mga Jesuita, lalong pinatingkad
ang katotohanan ng kanyang mga kataga.
“ Sa loob ng mahabang taong pagha-hanap
sa aking ama ay laging katuwang ko ang kabiguan, nais ko siyang makita,
matagpuan, mayakap at mahalikan ang kanyang mga pisngi.”
Wika ng aking saloobin, ngunit ay
ikinubli ang katotohanang hindi nasaksihan ni ama ang aking kauna-unahang araw
sa lupa.
“ Tulad ng iyong dakilang abuelo ay isa
ring mandirigma ang iyong ama, matagumpay napasailalim ang mga kapuluan sa
pamamahala ng banal na Iglesia Katolika. Kasagsagan ng panlulusob at pandudugas
ng mga piratang moro laban sa mga kristiyano, nag-pasya ang Gobernador-Heneral
magpadala ng mga sundalong kastila at mga pintados sa pamumuno ng iyong ama
patungong Jolo para tuluyang masugpo ang karumal-dumal na pamimirata ng mga
moro.” Sabi niya, napakrus, kaharap ang sagradong imahe ng Birhen Maria. “
Simula noon ay hindi na muling dumalaw sa milagrosong imaheng mismong inukit ng
kanyang mga kamay, batay sa mga kilala ko sa pamahalaan ay nabigyang tahas
mag-hanap ng istratehikong lugar sa bayan ng Jambanga para mag-tatag ng Forte
para mailigtas ang mga kristiyano laban sa mga walang pusong pirata.” Patuloy
niya, nagbuntong hininga.” Sa kasalukuyan ay bumubuo ng mga mandirigmang
magigiting si Gobernador-Heneral Juan Cerezo de Salamanca sa pamunuan ni
Kapitan Juan de Chavez para mapanatili ang kapayapaan sa Ciudad de Zamboanga at
para na rin sa mga kaligtasan ng mga trabahanteng nagta-tatag ng Forte,
tutulungan kitang makalahok sa makasaysayang ekspidisyong ito, marahil doon ay
matatagpuan mo ang iyong ama.” Kanyang pananalig, tapat sa mga salita at alam
ko iyon.
“ Salamat po Padre, maraming! Maraming
salamat po!” Aking wika, tuwa sa aking kalooban ay hindi lubos masukat ng aking
damdamin. Agad ay niyakap ko ng mahigpit at mahigpit at hinalikan sa
mag-kabilang pisngi.
“ Walang ano man hija!”
Ngumiti sa nakitang reaksiyon ng aking
mga matang uma-apaw sa sobrang kaligayahan.
Nadatnan kong namumula ang kulay ng
aninong iginuhit ng dapit-hapon sa ding-ding ng aming inu-upahang bahay. Mula
sa harding may dambuhalang punuan ng caimito ay langhap ang sarap ng pescaito
frito, aking itinuro kay Mariana, tanggalan muna ng mga buto ang malaking isda,
hiwain ng tig-iisang pulgada, hugasan ng maigi, pagkatapos ay ilub-lob sa
tinimplang salsa ng kalahating basong suka, isang kutsaritang asukal,
kalahating kutsaritang asin, isang kutsarang paminta, dalawang pirasong
dinikdik na bawang at hiniwang isang pirasong sibuyas. Sa isang hiwalay na
platong malalim ay ang binateng itlog, hinaluan ng harina at buto ng pamintang
dinikdik at isa-isang balutan ang nakamarinadang isda bago iprito sa kumukulong
mantika sa loob malaking kawali.
“ Magandang gabi po senyorita!” Bati ni
Mariana pagkatapos mailapag ang mga pagkaing panghapunan sa hapag ng mesa.
“ Magandang gabi din sa iyo!” Ganti ko,
mainit ang pag-galang, habang ako ay nakaupo sa isang silyang yari sa narra.
“ Mahusay ang pagka-gawa mo pescaito
frito, mas magaling pa yata kaysa mga kastila. Magandang gabi sa inyong
dalawa!” Bati ni Senyora, ikinararangal
ang gawa ng kasam-bahay, batid niya ang malikhaing talino ng mga katutubong
mabigyan lang ng batayan ay lilikha ng higit pang mas maganda kaysa itinuro.
Marahang tinungo ang silyang kaharap ako, kanyang ilong ay hindi mapakali sa
sarap ng naamoy.
“ Sinunog ng mga sundalong kastila ang
panaderia ni Lee Xiao Dee kanina sa Parian!” Maikling balita ni Mariana,
nakatayo sa aming harapan, may mangha sa nagtaasang mga kilay.
“ Ahhhhhhh! Sa anong kadahilanan kung
bakit nila sinunog ang panaderia at kabuhayan ng pobreng tsino?” Tanong kong
nagkukunwari dahil batid kong si Senyora Limor ang nasa likod ng naganap, bago
ako umalis kanina patungong tipolo ay nagbabalang huwag kong ikabibigla ang hakbanging
kanyang gagawin para sa kapakanan ng aming pangangalakal. Sa ikli ng aming
pamamalagi sa Cavite la punta ay
madalian niyang nilikha ang mapakinabangang ugnayan sa mga opisyal ng
pamahalaang kolonyal, iyan ay hindi ko masyadong maintindihan, marahil ay may
angking karisma ang Senyora, tanging siya lamang ang nakaka-alam. Labag man sa
aking kalooban ang naging hatol ni Senyora at mga sundalong kastila laban sa
tsino ay sang-ayon ako sa naging parusa dahil sa lantarang pambabastos niya sa
aming kasam-bahay at ang pagtuturo ng pagnanakaw sa inosenteng kamalayang
kapalit ay salapi.
“ Ayon sa usapang kalye, hindi raw
marunong magbayad ng serbisyo ang tsino sa kanyang mga trabahante at ayaw ring
magbayad ng buwis sa Gobernador. Ang mas nakakabahala ay ang
pakikipag-sabuwatan niya sa mga piratang moro upang lansagin ang kolonyalistang
pamahalaan ng mga kastila.”
Sagot ni Mariana, kasabay sa aming
pag-hahapunan, kinis ng kanyang kayumangging balat ay lalong pinatingkad ng
sinag mula sa mga katutubong lamparang pinaligiran ang silid-kainan. Limang
talampakan at dalwang pulgada ang taas, halata sa mga mata ang pagbibigay ng
kahalagahan ng karangalan, hindi man matangos ang ilong ay proporsyonado sa
hugis ng labi at pigura ng mukha, ibig sabihin ay kagandahan.
Ayon sa kanayang salaysay noon sa harap
naming ni Senyora Limor, tatlong araw pagka-tapos matanggap bilang aming
katiwala, ang kanyang ina ay namatay sa kulam noong ikalimampung ani sa isang
isla sa panay . isang gabi pagkatapos makapag-inom ng tubig mula sa balon ay
magdamagan ring nagtatae at nag-susuka, dahil malayo ang bahay ng manggagamot
at lalo pang pinakupad ang aming paglalakad ay nalagutan ang ina bago narating
ang bahay ng albularyo. Batid kong hindi kulam ang ikinamatay ng kanyang ina
kung hindi ay isang sakit na tutuklasin pa lamang.
Ang mas masaklap ay ang mismong ama ang
napag-bintangang mangkukulam dahil siya ang nag-hukay at gumawa ng balong
kumitil pa ng maraming buhay. Dahil sa trahedyang yaon ay napilitan silang
lumuwas mula sa kanilang nayon patungo rito sa Cavite la punta. Dito ay naging
mahusay na mangga-gawa ang kanyang ama sa pagawaan ng mga Galleon. Kung husay
at tibay ang pagbabatayan ay walang hihigit pa sa mga Galleon na nilikha mula
sa Las Islas Felipinas dahil ang mga kamay ng mga indyo ay may angking hindi
mapapantayang husay at galing.
Ang kasikipang nagdulot ng paghihirap
sa aming kalooban ay mas lalong tumindi
ng dumaong ang sinasakyan naming Galleon sa daungan ng isla ng Santissima
Nombre de Jesus, - Ayon sa kasaysayang kastila ay sa mismong islang ito
napaslang ang dakilang konkistador na si
Fernando magallanes – nagsakay pa ng isang libong katutubong pintados,
karagdagang mandirigma at mangga-gawa para mas madali at mas matibay ang
pag-tatag ng Forte. Ang aming kahirapan at
lungkot sa pagtawid ay napawi,
sasabihin kong nabura ng mga ideyalistang hangarin ng kasama naming pari –Padre
Melchor de Vera – isang paring Jesuita, itinilaga ni Haring Philip IV upang
mag-disenyo ng isang matibay na Forte, habang-buhay ay maitarak sa kamalayan
ang dakilang sibilisasyong kastila sa Ciudad de Zamboanga.
“
Magandang araw sa inyong lahat, sa ngalan ng banal korona ng Espanya,
kung ating maita-taguyod ang adhikaing mailigtas ang Zamboanga laban sa mga
piratang moro. Ipinapangako kong magtatagumpay din tayong magtatag ng isang
kristiyanong siyudad na mayroong sibilisadong lipunan, mga batas ay maitaguyod
ang kapakanan ng karamihan, magpapa-halaga sa karapatang pan-tao ng bawat
nilalang. Isang siyudad ng wikang Chavacano, kakaiba sa lahat ng mga wika sa
buong mundo. Darating din ang panahon, dadakilain ng sumusunod na mga
henerasyon ang ginawa nating simulain ngayong araw sa lupain ng Zamboanga.”
Nakaka-kumbinsing talumpati ni Kapitan
Juan de Chavez, punong-puno ng kaluluwa at mga pangarap sa harap naming bago
lumapag an gaming mga paa sa luntiang dalampasigan ng Zamboanga, Abril 16,
1635. Nabigyan kami ng lakas ng loob at pagkaka-isang magtatag ng isang siyudad
ayon sa kristiyanong moralidad kung saan ang lipunan ay huhubugin ng paniniwalang
pagbabanat ng buto ay instrument tungo sa kaunlaran.
Mainit ang sikat ng umaga ngunit ay pinapawi
ng sariwang hanging mula sa gubat ang mahapding sinag, dumidikit sa aming mga
balat habang naglalakad sa kalsadang buhangin patungo sa pook na itinatag ng
mga naunang kastilang konkistador. Ang higit na nakakapawi ng hapdi ng araw at
pagod ay ang pagiging saksi sa kaganapang binubuo ng kolonyalismo ang isang
bansang may kapuluang watak-watak. Ang mga itinatag na mga Forte ay lubid para
pag-iisahin ang mga nagkalat na iba’t – ibang wika at lahi sa ilalim ng
sibilisasyong kastila. Naisipan kong hindi nga pala laging madilim ang kulay ng
kolonyalismo, bagkus ay may mahalaga ring itong kontribusyon, bukod sa
naibahaging kalendaryong Gregoryan na natutong magpahalaga ng oras at panahon
ang mga indiyo ay natuto ring magkaroon ng galang at pagmamahal sa tinubuang
lupa, ang nasyonalismong aming itinuro at ituturo pa na magiging dahilan ng
aming pagbagsak at kapahamakan sa bandang huli.
“ Diyos ko!”
Malakas na malakas ang aking pagka-bigkas
na ikinagulat ng aking mga kasamahan, biglaang napahinto sila sa paglalakad,
kaagad nag matyag baka may mga kaaway. Lingid sa kanilang kaalaman ay ang hindi
maintindihan ng isipan ang nakikita ng aking mga mata, para bang isang lumang
panaginip, nanumbalik ng mas matamis. Sa sobrang tuwa ay hindi naging hadlang
ang aking inasal, mali man sa paningin ng mga konserbatibong kastila ay tama
para sa aking pusong inulila ng kay tagal. Nag-sitinginan ang aking mga
kasamahan sa akin, nalilito sa biglang pag-taas ng aking boses kahit wala
namang nagbabantang mga kaaway.
Sampung metro man ang kanyang layo sa
akin, nahahalata ko sa kanyang mga mata at biglang pamumula ng mukha ang
matinding pananabik sa akin. Tulala at hindi rin lubos makapaniwala sa
nakikita, dahan-dahang lumapit sa akin, nagyakapan kami sa harap ng madla,
dinadama ang init ng aming mga katawang pinaghiwalay at pinag-malupitan ng
kapalaran. Unti-unting naintindihan ng aking mga kasamahan ang wagas naming
pag-iibigang pinagtagpo ng tadhana.
“ Salamat sa Diyos! Buong magdamag ay
wala akong inaasam-asam kung hindi ay makapiling ka. Hindi ko inaasahang sa
dulo ng mundong ito ay muli tayong magkita, sa susunod na buwan sana ay luluwas
ako patungong Sevilla para pakasalan ka, sa aking piling ay wala kang
mararamdamang pagdurusa sa kahirapan, kirot ng pagtataksil at lungkot ng
pag-iisa, habang-buhay, ang pinakamaligayang nilalang ay ikaw, iyan ay ang
aking pangako.”
Bulong ng kanyang bibig, bawat katagang
dumadapo sa aking tenga ay tinig ng kanyang pusong walang ibang minamahal kung
hindi ay ako. Mahigpit ang yakap ng kanyang mga braso sa akin, nais ibilanggo
ang aking kaluluwa sa hawla ng tunay na pagmamahalan.
Nangangalakal siya noon ng mga rekados
sa Ternate, isa sa mga isla ng Maluku, kasagsagan din ng matinding hidwaan ng
Espanya at ng Dutch. Narining ang balitang nangangailangan ng karagdagang
mandirigma ang Gobernador ng Las Islas Felipinas para burahin ang pamimirata ng
mga moro, balakid sa pangangalakal at kaunlaran ng kahariang kastila. Dahil isa
rin siyang mangangalak ay naisipang lumahok para itaguyod ang kapakanan ng
kanilang uri. Sumamang nag-layag mula Ternate kasama ang mahigit limampung
mandirigmang kastila. Sinalubong sila ng kapuwa mandirigmang kastilang lulan ang
Galleon mula Cavite la punta ng marating nila ang karagatan ng Jolo.
Sa lilim ng panguluhan ni Kapitan
Paulito Gabrielle de Castellano ay nasugpo ang mga piratang moro, kuta nila ay
pinulbos ng mga kanyon at pinagtataga ng mga espada ng mga konkistador, ayon sa
salaysay ni Tinyente Carlos de Valladolid, mayroong mahabang karanasang digmaan
sa Chile, ang mga piratang moro ay hindi katulad ng mga mandirigmang Araucania,
mababgsik, lumalaban ng harapan. Ang mga piratang moro ay lumalaban ng
talikuran, naghihintay ng pagkakataong humina o habang natutulog ang mga kaaway
at saka ay lulusob ng hindi namamalayan. Karuwagan kung tawagin ngunit ay
napaka-epektibong taktika, pero ito ay waalang karangalan sapagkat ang tagumpay
ay mas matamis kung ikaw ay lumalabang kaharap ay si kamatayan. Marahil
talagang pirata sila, karamihan sa mga kaaway ay mga mahihinang babae, sadya
nila sa pakikipagdigma ay hindi karangalan kung hindi ay salapi.
“Ako man ay nagtataka, naghihinala,
hindi ko maintindihan, sa malayong lupalop lang pala ng mundong ito ay muli
tayong magka-tagpo. Aaminin ko, sa tuwing wala ka sa aking tabi ay
nagmimistulang purgatoryo ang aking buhay, laging pinanabikan ang mga maigiliw
mong kataga ang katapatan ng iyong hangarin, handa na rin akong pakasalan ka.”
Sabi ko, alam niyang bawat titik ng
aking salita ay isinulat ng pintig ng aking pusong walang ibang hinahanap kung
hindi ay ang kanyang tunay na pagka-tao.
“ Handa ka na ngayong pakasalan ako
samantala ay kung ilang beses mo tinaggihan ang aking mga alok, minsan ay
naisip kong walang katuturan ang inilalaan kong pag-ibig sa iyo.”
Muling sabi, kumalas sa pagya-yakap,
tila ay nagtaka sa narinig sa kahandaan kong pakasalan siya. Tuwa ay halata sa
kaniyang mga mata.
“ Dati iyon noong hindi ko pa kayang
iwang mag-isa ang aking abuela, ang aking buhay, pero ay pumanaw na siya!”
Balita ko, napansing pumatak ang mga
luha sa kanyang mga mata, alam niyang mahal na mahal din siya ng aking abuela,
kanyang kinagigiliwan ang aking abuela dahil sa mga katagang hinubog ng
karanasan.
Nagbubulong-bulungan ang iba naming
kasamahan at ang iba naman ay napangiti sa nakita, at nagpatuloy kami sa
paglalakad.
Lumapit si Senyora Limor sa amin ni
Juan Miguel . “ Pangalan niya ay Senyora Limor Eitan!” Pagpapakilala ko, nilapitan at kinamayan. “
Magandang umaga po Senyora Limor, Juan Miguel de Figueroa ang tawag nila sa
akin.” Kanyang pagpapa-kilala sa sarili. “ Magandang umaga din sa iyo hijo,
isang mandirigmang magiting pala ang magiging kabiyak ng aking kaibigang
pinagkaka-tiwalaan.” Ngumiti si Senyora
pagkatapos mag-salita at napangiti rin kami. Dahil sa sobrang pananabik ay
hindi ko na nakuha pang ipakilala si Mariana, binibitbit ang “Banga”, habang
karaga ng mga katutubong subanen an gaming kagamitan.
Nahahalata kong hindi mapakali ang mga
galaw ni Juan Miguel ng marating namin ang tutuluyang bahay, balisa rin ang
ikot ng mga mata.
Hinayaan naming maka-pasok sa loob si
Senyora Limor at Mariana, inayos ang mga dalang kagamitan, nagpaiwang kami sa
harding pantay-pantay ang pagka-gupit ng mga berdeng halaman, naupo kami sa
mahabang upuang nasa ilalim ng malaking punuang mahogany. Tanaw ang luntiang
karagatan ng Zamboanga, dinuduyan ng sariwang hanging ang bawat hibla ng aming
buhok, ang kogonang kumakapal ay nagsimula na ring mag-sayawan.
“May problema ba?”
Tanong ko, paniningin niya ay sinisisid
ang mga ala-ala sa karagatan, isipan ay naglalakbay sa kalawakan.Tumango-tango
siya, walang imik, at muling pumatak ang mga luha.
“ Juan ! Ano ano nangyayari sa iyo?
Magsalita ka nga.”
Tanong ko, naguguluhan, hindi matukoy
ang kahulugan ng mga luha ng aking kaharap, at niyakap ako ng mahigpit. “
Ipangako mong hindi ka mabibigla sa aking sasabihin.” Nagsalita, pumapatak pa
rin ang mga luha. Kaba sa aking dibdib ay gumagapang, tila ay mga dagang may
dalang kilabot.
“ Wala kaming nalalaman tungkol sa
kagubatan, kabundukan at kalaparan ng marating naming ang dalampasigan ng Jolo.
Bago nilusob ang kuta ng mga pirata ay nagpulong muna ang mga opisyal ng aming
sandatahang lakas, nahirang ako, si Tinyente Federico Lacastarria at ang isang
katutubong subaneng marunong mag-wikang Joloano, pero ay iginiit ni Kapitan ,
sa halip si Tinyente ang makasama ko sa napaka-delikado at sensitibong tahas ay
siya na lamang dahil sa may karanasan siya tungkol sa kaugaliang Joloano. Bago
pasukin ang gubat para malaman ang posisyon ng mga kaaway ay nagbilin muna kay
Kapitan-Heneral, kung sa loob ng tatlong oras ay hindi pa kami nakaka-balik,
ibig sabihin ay nabihag kami, kung ito ay mangyayari man,hiling niyang huwag
kami tutubusin ng salapi kung hindi ay ng isang digmaan, madugong digmaang
habang-buhay ay maging bahagi ng kanilang mga bangungot.
Dumating ang mapag-hamong dagok sa
aking buhay, nabihag ako ng mga pirata ng matunton ko ang kanilang kuta. Ang
pagkakamaling bumaliktad sa aking mundo, puso ko ay walang ibang isinisigaw
kung hindi ay paghihiganti, hindi ko inasahan, ang aming kapangahasan ay
kanilang pinaghandaan. Naglatag ng kasunduan si Kapitan, pero ay hindi pumayag
ang mga pirata, nagbantang pugutan ako ng ulo at hiwa-hiwain ang aking katawan
kapag hindi natubos ng salapi.
Muli ay naglatag ng kasunduang taktikal
si Kapitan,hiniling niya ang aking kalayaan na ang kapalit ay siya dahil sa
makabuluhan ang kanyang posisyon sa aming sandatahang lakas, ibig sabihin ay
mas mataas ang salaping katumbas. Pumayag ang mga piratang moro, bukod sa
katumbas ng salapi ay may makukuha silang mahalagang impormasyon mula sa
kapitan, at iyon ay ang kanilang pagkakamali, paslangin man nila ng sampung
beses si Kapitan ay manantiling lihim ang nalalaman hanggang sa hukay.
“ Salamat Senyor, sana ay hinayaan mo na lamang akong mamatay at
mag-alay ng buhay para sa kadakilaan ng Espanya, higit kang kailangan ng Korona
kaysa sa akin,bukod sa mababa ang antas sa sandatahang lakas ay maikli rin ang
karanasan sa digmaan!” Hiling ko sa kanya, lumuluha ang aking mga mata, subalit
ay hindi siya pumayag. “ Hijo, ako ay tumatanda na, batid ko ang iyong
pagmamahal sa aking kaisa-isang anak, kahit na anong mangyari ay babalikan mo
siya at hindi pababayaan, sa aking puso ay lagi kitang tinuturing na isang
anak. Ang malalim na dahilan kung bakit nais ko ako ang iyong makasama sa tahas
na ito ay para lagi kang ipagtanggol, buhay man ang kapalit. Kung ikakasal man
kayo, alalahanin mong ako ay laging nasa inyong tabi habang naglalakad patungo
sa sagradong dambana.”
Mga kataga niyang walang bakas ng
takot, bawat tuldok ng mga pangungusap ay naroroon ang kadakilaan at ang
kaluluwa ng isang bayaning sadyang nilikha ng Diyos para sa kadakilaan ng
Pag-Ibig. Agad akong napalaya, hudyat ng madugong digmaan, kapalit ng aming
tagumpay laban sa mga piratang moro ay ang mahalagang buhay ni Kapitan Paulito
Gabrielle de Castellano. Manantili siyang naka-ukit sa aking kaluluwa, utang ko
ang lahat sa kanya at ang kabayaran ay mamahalin ka ng higit pa sa aking sarili
at habang-buhay ay itataguyod ko ang sinimulang adhikain ni Kapitan, sa mga
pahina ng kasaysayan, siya ay magiging imortal. “
Bigla ay nagdilim ang aking paningin,
para akong himatayin sa sobrang kirot, sakit na dulot sa aking puso ay
napakahapdi, hindi ko maintindihan ang nagdedeliriyo kong isipan, kamalayan ko
ay nababaliw. Ibig kong pumuglas sa yakap ng Juan Miguel para mag-wala, isigaw
ang matinding kaparusahang walang katarungan. Lalong niyang hinigpitan ang
yakap, wala akong nagawa kung hindi ay himikbi sa kanyang dibdib hanggang
tuluyang malunod ang damdamin sa pagluluksa.
Nagtagumpay ang mga kolonyalistang
burahin ang banta ng mga piratang moro sa katahimikan ng Ciudad de Zamboanga.
June 25,1635, dalawang araw pagkatapos mabasbasan ng sagradong pagdarasal, mga
banal na kataga at banal na tubig ni Padre Melchor de Vera ang Forte de Real
Fuerza de San jose ay ikinasal kami ng aking pinakamamahal, Juan Miguel de
Figueroa. Kami ang kauna-unahang mga kastilang ikinasal sa lupain ng Ciudad de
Zamboanga. Sa harap ng sagradong dambana ng kapilya ay nagpalitan kami ng mga
sumpaang matatamis, tanging kamatayan lamang ang makapag-hiwalay.
Ang tunay na pag-ibig pala ay parang
isang kuwentong kay tamis basahin,hindi man sadyang hanapin ay kusang kakatok
sa pintuan ng iyong puso, ang hatid ay samyo ng bulaklak na laging mong
hahanap-hanapin, ang hiwagang dala nito, tanging Panginoon lamang ang
nakaka-alam.
Salamat sa karunungan ni Senyora Limor
tungkol sa arkitekturang gotiko, sa mga malikhaing kamay ng mga pintados at mga
katutubong subanen, malaki ang kanilang nai-ambag sa pagpapatayo ng Mansion de
la familia Figueroa, sa likod nito ay isinilang ang mga bagong kataga sa Wikang Chavacano.