Sabado, Disyembre 28, 2013

III = ANINO



                                                                           III
                                                                        Anino


Maliban sa paspas ng mga dahong patuloy hinahampas ng sariwang hanging nagmumula sa dalamapasigan at huni ng mga munting maya, nakakatanggal ng katinuan ang katahimikang umaalingawngaw sa buong kuwarto ni Catherina Beatriz de Figueroa, ipinapatugtog ang komposisyon ng “ Vangelis”, soundtrack sa napanood na makasaysayang pelikula, “1492: The conquest of paradise”, dinuduyan ng matamis na alinduyong tuwing dumadapo ang bawat nota  sa kanyang mga tenga, tugma rin sa binabasang libro ng mga dakilang konkistador, umupo sa tabi ng nakabukas na malaking bintana, tanaw ang “ Fort Nuestra Senyora del Pilar”, hinayaang dumampi ang samyo ng mga bulaklak sa matangos na ilong, sinimulan ang pagbabasa sa pang-unang kabanata “ Guhit” ng librong  “ Kuwaderno ng tadhana.” Dahil sa luma na ang hitsura ay walang nais mag-aksaya ng panahong basahin ito maliban na lamang sa kanya, naakit marahil sa antigong kulay  at ang kanyang ipinagtataka ay kung bakit laging katabi nito ang misteryosong Bangang inukitan ng mga intrikadong larawan, sa bandang leeg ay nakaukit ang salitang Hebreyo na pumukaw sa kanyang interes, may angking hiwagang tila ay nanghahalina ng damdamin.
Ang kumakapit na alikabok sa bawat titik ng pamagat ay kiniliti ang manhid niyang isipan, napilitang dukutin ito mula sa isang lumang kabinet sa tabing sulok ng bibliyotika ni – Don Miguel Gabrielle de Figueroa – kanyang ama, ang tanging apeksyonado ng libro sa Ciudad de Zamboanga. Animo ay inaanod siya ng malambot na alon ng musika, agad ay nangalahati sa pangalawang kabanata, kataga sa kataga ay madaling naunawwan ang buod ng mga talata kahit pa man ay kulay ginto na ang mga pahina at lulang-luma ang mga numero, ngunit ay tugma pa rin sa kasalukuyang riyalidad. May bangayan pa rin sa loob ng relihiyong Kristiyano na nahahati sa kay daming denominasyon, tila ay kay dami ng mukha ng nag-iisang Kristo, ang sistema ng pulitika ay tadtad ng itak ng mga intriga, ang nakapanglulumo ay mayroon pa ring mga piratang moro, nagmamartsa sa likod ng maskara ng Abu-Sayyaf, mga banal na bandidong magnanakaw ng puri, mga relihiyosong terorista, sa madaling sabi ay mga debotong berdugo, laging banta sa seguridad,mga balakid sa kaunlaran. Isa itong trahedya, hindi tuluyang nadurog ng kolonyalismo ang nakakalason nilang ideolohiya, hindi napaslang ang nakakabulag nilang paniniwala, bigo ang adhikaing Reconquista na maitarak ang makabuluhang Pag-ibig sa kapuwa, iyan ay masaklap.
Maliban sa inadobeng simbahan, mga rebultong nakabalsama sa dungeon ng mga kumbento at ang wikang Chavacano, unti-unti ay nalulusaw ang ispiritu ng kolonyalismong kastila, kumekendeng sa tugtugin ng mga imperiyalistang kano, sa kasamaang palad ay masusunog lamang ang lahat sa mapanlinlang na apoy ng dragon ng mga tsino.

Biglang napahinto sa pagbabasa, pumikit, mga pisngi ay namumula sa galit ng mabulahaw ng mga kalabog sa pintuan ng kuwarto, mabilis ding gumapang sa dibdib ang takot dahil alam niyang muling sinuway ang utos ng dominanteng ama na ipinagbabawal ang pagbabasa ng librong “ Kuwaderno ng tadhana.”  Tumayo sa kinauupuan, tangkad ay limang talampakan at anim na pulgada, maikli at iniluwal ang pusod ng suot na sanding kulay itim, kahit pinaibabawan ng itim na blazer ay hindi maiwasang lumitaw ang alindog sa pagitan ng malusog na dibdib, kita ang mga balahibong sin pino ng bulak sa girna ng cleavage, ang higit makapanuksong makamundong paningin ay ang pantalong kulay itim na yari sa seda, hapit na hapit, tila ay iginuhit ang kakatambok pa lang na  laman, masangsang man ang amoy pero ay handang suwayin ng makamundong pagnanasa ang banal na batas o batas man ng tao.
Naglakad, bitbit ang libro, naghanap ng sulok kung saan itong  ligtas na mailuklok, walang ibang mapaglagyan kung hindi ay sa ilalim ng kama, agad tinungo ang pintuan, sa maliit na butas ay sinilip muna kung sino ang nanggambala. Para bang nabunutan ng tinik sa lalamunan, ginhawa ay dumapo sa damdamin ng malamang si Senyora  Natividad Darmang ang kumatok sa pinto, dati ay isang Badjao pero ay nagpabinyag sa relihiyong Kristiyano ng manilbihan sa Mansion de la familia Figueroa, mas relihiyosa pa yata kumpara sa ibang debotong katoliko ang kaibahan nga lamang, lahat ng kumpisal ay tungkol sa kanyang karanasan sa pagtatalik – pang-una, pangalawa, pangatlo at marami pa – pabalik-balik, kahit ang pari ay naguguluhan kung papatawarin ba o hayaan na lamang masunog sa apoy ng orgasmo. May mga panahong napilitang takpan ng pari ang mga tenga, biglang napa-rosaryo ng marinig ang detalyadong salaysay sa panglimang karanasan sa lilim ng mga punuan ng saging, ikinuwento, tila ay nang-aakit kung paano siya niromansa, mula sa labi, butas ng ilong, leeg, butas ng tenga,dibdib, hita, butas ng laman at ng mabigkas ang butas ng puwet ay biglang napaluhod ang pari, ibinuhos ang isang basong agua-bendita sa ulo.

Mahabaging langit! Por Diyos y por Santo!”
Bulalas ni Senyora Natividad, lumaki ang namimilog na mga mata, hindi makapaniniwala sa nakikita, tumambad si Catherina, kitang-kita ang mga utong sa dibdib, nagmamarka sa manipis na pantalon ang giwang ng bubot na laman. Biglang napakrus ang mayordoma, natulala ng ilang sandali.
Laging kulay itim ang suot ng dalagita, lantarang inihahayag ang estilong radikal na burges-gotiko, produkto marahil ng ganoong uring pananaw , kung may tumutuligsa sa kanyang estilo ay tila walang naririnig, sa madaling salita ay walang pakialam.
Dati ay sinubukang dalhin sa isang eksibisyon ang ginugulan ng matinding pananaliksik at ng panahon ang nilikhang sining-pintura,pinamagatang “Gahasa”, ang karakter sa telon ng kanbas ay dinukot ng isipan sa malalim na antas ng kamalayan, halata ang ginamit na teknikang Chiarroscuro ng kaisipang Renascimiento sa bawat kulay, ngunit ang bawat hataw ng brutsa ay may impluwensya ng suriyalistang si Salvador Dali, ang mga pigura ay nalulusaw, gumagapang na para bang dumadaloy patungo sa malagim na kabanata ng panahong nahubog ng madugong karahasan ng medyokridad, kabakyaan ang tugmang salita, lantad ang estilong radikal na burges-gotiko, nais isaad ang tunay na sanhi ng nakaka-adik na usok ng kahirapang nilalamon ang kaluluwa ng lipunan.
Sa eksibisyon “ 2001: Milenyum ng kamalayan” biglang lumikha ng mararahas na panunuligsa laban sa kanyang sining-pintura at naging pusod kaagad ng nakakabinging pagsabog ng kontrobersya . Iginuhit sa kanbas ang natutunaw na si Santa Clara, nakalawit ang mahabang dila na tila ay may pagnanasa sa harap ng rosaryo, ang magandang hubog ng binti ay pinupuluputan ng maso at karit, nag-aanyong dambuhalang dragon ng kapitalismong nagtatago sa itim na belo ng komyunismo, ang kalahating katawan ay pilit hinahatak patungo sa mabahong kanal ng medyokridad ng mga tsino, samantala ang kalahati ay ginagahasa sa ibabaw ng nagbabagang impiyerno ng kahirapan. Subalit ang kanyang mga kamao ay nakatikom, tila ay nagdudusa sa makamundong kaluwalhatiang dinulot ng mga mapanlinlang na pangako ng mga pulitikong ganid sa kapangyarihan at kayamanan. Ang multo ng santa ay humihiwalay sa katawang tao, humihingi ng saklolo sa espada ng mga konkistador, ipinagdadasal ang kaligtasan sa limpak-limpak na salaping pinapautang ng mga amerikano.
Sa labas ng auditorium kung saan idinadaos ang eksibisyon ay nagkakagulo, nagkandabuhol-buhol ang trapiko,nakakawala ng ulirat ang ingay ng mga megafono, nanawagan ng malawakang protesta ang hanay ng mga nasyonalista laban sa kirot na dulot ng sining-pintura ni Catherina. Nabansagang posas ng kolonyalismo, iminumungkahing muling ikulong ang kaluluwa ng lipunang Pilipino sa banyagang pamamahala ng mga Kastila, sinasaad ang pagkawatak-watak ng mga pilipinong hindi handa sa matuwid na pamamahala ng bansa. Isa itong pagtatakwil sa simulain ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan mula sa espada ng mga konkistador, lalong nagliyab ang galit sa kanilang hanay sa lantarang paglalarawan sa isang bayani bilang isang makabayang huwad, nakikipagdigma para sa pansariling kapakanan, ng makamit ang minimithing kalayaan ay ibinenta ang buong kapuluan ng Pilipinas sa halagang 20 milyong dolyares sa mga amerikano, ang bawat sentimo ay inilustay sa Hong-Kong habang ang mga sikmura ng mga pobreng pilipino ay kumakalam sa matinding gutom, ang mas nakaktawag pansin ay ang bulgarang pag-guhit sa mukha ng korapsyong laging kakambal ng pulitikang Pilipino, sinasabing hindi gagalaw ang makinarya ng gobyerno kapag walang langis ng pagdarambong. Sa gitna ng umiinit na kilos protesta ay sumabay ang relihiyosang mga madre, bawat kamay nila ay may nakataling banal na rosaryo, tinawag nilang “ Malditang Demonyita” si Catherina, ang likha ay isang magaspang na alikabok, pinupuling ang kanilang mga paningin. Malaking kalapastangan sa imahe ng mahal na Santa Clara, buong pusong sinalubong ank kamatayan na birhen at hindi nagahasa, nilisan ang mundo ng mga mortal ng hindi natikman ang mapanuksong orgasmo.
Mistulang isang napakalakas na lindol, dinudurog ang bawat hibla ng moralidad, ang yanig ay nararamdaman sa sulok ng mga burges-intelektwal, nakisawsaw na rin sa dumadahas na kilos protesta ang mga kawal ng Partido Komyunista ng Pilipinas, ang kuko ng dragon ay mistulang isang  “razor blade” hinihiwa ang papel de hapong ikinukubli ang kamalayang naa-agnas sa pagbabalat-kayo, maliwanag pa sa sinag ng buwan, nagkukunwaring sosyalista ang bansang Tsina, kumakapit ng mahigpit sa palda ng kapitalismo.
Hindi bingi ang mga paring Jesuita, agad dumapo sa hagdanan ng kanilang hukuman ang nagbabagang kontrobersyang halos humantong sa madugong kilos protesta, muntik ng malintikan si Catherina ng “ expulsion” sa Universidad del Ateneo de Zamboanga, iniligtas ng kanyang matibay at matalinong katuwiran, “ Malayang pagpapahayag ng damdamin sa sining-pintura para sa kaunlaran ng isipang natutulog sa bangungot ng represyon.” Salamat sa mga rebolusyonaryong nakibaka noong 1986 para bawiin ang ihip ng demokrasya at nabuwag ang bakal na kulungan ng batas militar, ang taong kanyang kapanakan, kung sakaling noong 1602 siya isinilang, tiyak sa lumalagablab na apoy ng Inquisition siya magiging abo.
Isipan ay balisa, bigo sa hangaring mahatak ang mga kritiko na pumanig sa kanyang adhikain maliban kay padre Alejandro de Maria, puso ay nalilito kung ang nararamdaman sa dalagita ay isang wagas na pag-ibig o isang pagnanasa.
Hindi inasahan ni Catherina na magkaroon ng matinding reaksyon mula sa iba at ibang sektor ng lipunan laban sa kanyang sining-pintura, napilitang tanggalin sa eksibisyon, inuwi, ikinabit sa sulok ng salang laging naliliwanagan ng ilaw ng chandelier mula sa bansang Italia, sa ding-ding ay nahanap ang mapayapang sanktuwaryo.
Laging napapa-krus si Don Migue de Figueroa sa tuwing masilayan ang sakrilihiyosong sining-pinturang ikinabit mismo sa tapat ng kanyang kuwarto, kung ilang daang beses napaluhod sa buong isang araw, mga tuhod ay nauupod, napilitang mangumpisal sa pinaka-sagradong simbahan ng  “ Fort Nuestra Senyora Del Pilar”, hiningi ang kapatawaran ng kaisa-isang anak na tila yata ay nasaniban ng kung anong uri ng masamang ispiritu.
“Magbihis po kayo ng mas maayos senyorita! May naplantsa akong  mahabang damit,     andiyan sa loob ng iyong aparador! “
Suhestiyon ni Senyora Natividad, tila ay nang-uutos, dati ay isang hamak na hardinera sa Masion de la familia Figueroa. Noong nagdedeliriyo sa mataas na lagnat si Don Miguel de Figueroa, bumaba ng husto ang bilang ng blood platelets dulot ng Dengue Fever, milagrosong nagamot niya ito, nahikayat uminom ng pinakuluang mga dahon ng katutubong halamang dawa-dawa. Kaagad ay biglang kumalat ang usap-usapan sa mga programa sa telebisyon, nabubuhay sa mga patalastas at kumikita sa katas ng mga intriga at mga tsismis, lalong binabaon ang nakalubog na mentalidad sa kabakyaan. Sumabog na parang whistle bomb ang haka-haka sa bawat sangay ng pamahalaang sinasamba si Santo Korapsyon na may mahabang sungay. Hindi makapaniwala ang dalubhasang mga doktor, nagtaka ang mga mangkukulam na nagtatago sa madilim na kuweba, niyanig ang balwarte ng mga albularyong tila ay  mama-matay sa naka-kulturang inggit ng marinig ang mala mahikang gamot. Pagkatapos ng isang linggo ay gumanda ang kalusugan ng amo, tinaasan ang kanyang sahod at itinaas ang antas bilang isang Mayordoma, ang pinaka-makapangyarihang posisyon sa Mansion de la familia Figueroa sa lilim ng diktadura ni Don Miguel de Figueroa.
“ Naghihintay na po sa baba si Charlie Esquivel, ang bago mong guro sa contemporary painting, ang ipinalit kay Padre Alejandro.”
Paalala niya sa alagang dalagita, pumasok si Catherina sa loob ng kuwarto, tinungo ang antigong aparador,yari sa lumang kahoy na cedar mula sa bansang Lebanon, habang tinitingnan ang loob ng aparador ay biglang gumuho ang kanyang mga balikat, pakiramdam niya ay kumukundena ang duguang multo sa biglaang pagtanggal Padre Alejandro sa pagtuturo ng contemporary painting na higit pa riyan ang kanyang natutunan mula sa pari, hindi alintanang dumaloy ang naguguluhang mga luha, iniiyakan ang oras na ipinagdamot para makapiling ang minamahal na pari at ang takot na namumuo sa kanyang puso, marahil ang pagpapa-alis sa pari ay isang hudyat na nalalaman ng konserbatibong ama ang lihim nilang pag-iibigan. Pumasok sa ala-ala ang mababangis na kataga ng kanyang amang tradisyunal ang pananaw “ Ang mantsa ng kasalanang pinuputikan ang karangalan ay nahuhugasan lang ng dugo!” Bahgya ay nanginig ang kanyang mga palad, nagmumuni-muni at ang mga luha ay natutuyo, “  Pagdurusa man ang katumbas, tatanggapin ko ito sa ngalan ng pag-ibig, ang suwayin ang tibok ng puso ay katumbas na rin ng kamatayan!” Bulong ng kanyang puso, alam niyang hindi siya suwail, biktima lamang siya ng rumaragasang pag-ibig na kay hirap mapigilan kahit pa man ay bakal na pader ang babalakid.
“ Tahan na senyorita, ramdam ko rin ang pait na iyong nadarama, ang kanyang pagkawala sa oras na ito ay tila isang napakalupit na kalamidad, hinahagupit ang iyong kaluluwa hanggang sa madurog, ngunit pagkatapos ng bagyo ay laging may katiwasayan!”
Kanyang payo ng mapansing namumugto sa luksa ang mga mata ng dalgitang kakalabas lang sa pintuan kung saan ay hinintay hanggang matapos sa pagbibihis.
“ Hindi pa naman wakas ng inyong wagas na pagmamahalan, ang magkalayo kayo ng kung ilang sandali ay isang pagsubok lamang sa katatagan ng inyong pag-iibigan, heto ang liham, inabot niya sa akin pagka-tapos kong abisuhan tungkol sa agarang pagsisante sa kanya ni Don Miguel Gabrielle.”
Banggit niya, agad inabot sa malambot na palad ni Catherina ang liham, sabay kimindat at nagpukol ng mala-demonyang ngiti.
“ Maraming salamat! Akala ko ay tuluyan niya akong iwan at ang buhay ko ay lulutang sa nakakabaliw na pag-iisa, siya ay mahal na mahal ko, pangalan niya ay malalim ang pagkaukit sa aking puso, raragasa man ang tubig sa ilog, hindi nito matatangay ang aking pag-ibig, siya lamang ang aking mamahalin ng habang-buhay.”
Ganti ng dalagita, bahagyang ngumiti, halata sa ma-among mukha ang panunumbalik ng dating kaligayahan, hinalikan sa pisngi ang mayordoma na may halong kilig na tila ay nakakatindig balahibo, iniluklok sa bulsa ang liham ng nobyo.Inakbayan sa balikat ang matandang dalaga, magkasabay tinungo ang kinaroroonan ng bagong maestro, naghihintay sa sala kung saan naroroon ang malaking larawan ni – Donya Maria Beatriz de Castellano – iginuhit ng dalubhasang pintor, tanyag sa pag-gamit ng teknikang Chiaroscurro – Diego Rodriguez de Silva y Velasquez- ang naitalagang pintor sa korte ni Haring Philip IV, ang umiyak na pintor matapos inabot ang ipinintang larawan ng pinsang si Donya Maria Beatriz de Castellano na nagpasyang lisanin ang lupain ng Espanya patungo sa Nueva Espanya ng Amerika noong 1633 pagkatapos maiburol ang pinakamamahal na abuelang si Senyora Feliziana Salamanca de Castellano sa tabi ng Esposo at ni Sarah Beatriz Castellano Y Montefiore Del Cohen sa mawsoleyum ng Familia Castellano sa sementeryo ng Triana sa Sevilla, Espanya.

Mahinahon silang naglakad sa koridor, ang mahabng damit ni Catherina ay sumasayd sa mosaikong muebleng sahig. Ang dingding ay yari sa mahusay na pagkatagpi-tagpi ng mga kahoy na narra na may iba’t ibang hugis, ikinukubli ang mga lumang adobe. Nakakamangha ang magkakasalungat na mga poste, hugis kuwadrado mula sa sahig, patulis ang hugis pataas, hanggang sa magtatagpo sa taas at maghuhugis arko, ang sulok na naabot ng sinag ng lampara ay lumilitaw ang impluwensya ng gotikong arkitektura, lalo na sa mga palapag ng hagdanang bahagya ay lumiliko na para bang pa-ikot.
Mula sa pangatlong palapag ng hagdanan, kinalikot agn kanilang mga tenga ng malambot na boses ng bagong guro, kinakanta ang musikang iginuhit ng damdamin ang bawat kataga sa tula:

Cuando anochezca,
Te esperare,
quierro volverte loco esta noche,
 con la luna llena,
 te esperare,
 hoy moriras entre mis brazos,
nunca sonaste algo igual.
Let me dive in,
To pools of sin,
Wet black leather on my skin,
Show me the floor,
Lay down the law,
I need to taste you more.
Napansing dumadapo sa kanyang mga tenga ang mga mararahang mga hakbang sa likuran niya, agad napahinto sa pag-kanta na sinasabayan ng pag-pindot ng kanyang mga daliri sa lumang “keyboard” ng  antigong Piano na “ Stein.”
Natuhog ang puso, napawi ang lungkot ni Catherina ng marinig ang ikinanatang musika ni Sarah Brightman – Soprano na taga Inglatera – Punong-puno ng kaluluwa, ginising ang damadaming sentimental ng dalagita, sentimental na natutulog sa banig ng bangungot na patuloy pinapaypayan ng disgrasyadong pag-ibig. Ang masakunang pag-ibig na kailanman ay hindi ginusto, ngunit ay kusang dumating na parang magnanakaw, dudukutin, lilimasin ang lahat pati multo niya, Wala siyang kakayahang iwasan ang hatid nitong mapanuksong ligaya, inilagay mismo ang kalayaan sa loob ng sako ng magnanakaw, hinayaang tangayin ang puso patungo sa mahiwagang mundo ng pagmamahalan.
Pero ang buhay ay sadyang kay lupit, duwag niyang katahimikan nagpupumiglas tumakas, ngayon ang puso niya ay inuuga-uga ng matamis na sindak ng pagmamahal, inaalog-alog ng matinding pananabik, hinahagupit ng nakakalokong paninibugho, madalas minumulto ng pagnanasa, sa loob ng seldang mandaraya ay kusang ikinulong ang katinuan, hinayaang latiguhin ng nakababaliw na pag-ibig.
Ngunit siya ay tao lamang, sadyang nilikha para alipinin ng angking damdamin, ang tanging mayroon siya na pinag-iba niya sa antas ng mga hayop, kung kumalas man sa kadena ng pag-ibig ay parang isang panaginip na naglalaro ng tago-taguan sa ibabaw ng kamalayan ng hindi nasisilayan ng paningin, mistulang “ mirage” sa kalsada ng paliparan, kapag nilapitan at yayakapin ay saka namang maglaho. Pag-ibig sadyang kay tamis pakinggan ngunit ay may pangil ng kabangisan, ang sino mang nais lumaya sa bilangguan nito ay isang dakilang baliw dahil isang baliw lamang ang puwedeng tumakas sa riyalidad na habang-buhay ay alipin ng pag-ibig.
Malinaw ay nalalaman ni Catherina ang nararamdaman ay isang matrahedyang pag-ibig, idinikta ng damdamin sa bawat titik na isinulat sa bawat ugat ng puso, hindi kayang suwayin ito dahil ang pagsuway sa dikta ng damdamin ay pandaraya sa kaisipan, tila pagmamalupit o pangga-gahasa sa silakbo ng pagmamahal.
Marahang tinanggal ng bagong guro ang mga daliri sa ibabaw ng nagkukulay putik na “keyboard”, tumayo ng marining ang mga pinong kalampag ng mga hakbang. Nasa likuran na ang dalawa ng malingon, humakbang ang mayordoma papalapit, tinaggal ang belong nagtatakip sa mala-demonyang kaisipan, lumitaw rin ang makinis na kayumangging  balat ng mukha. Samantala ay nanatili ang dalagita sa kinatatayuan, hinayaang isayaw ng tug-tog ng hangin ang mahabang damit, bahagyang inilantad ang mahaba at magandang hugis ng mga paa.
“ Buenas tardes senyora!” “ Magandang hapon!” Sa wikang tagalong,
Bati ng ginoong guro, may kislap sa bawat titig ng mga mata habang ang buhok ay sumasabay sa alinduyong ng hangin, bahagyang nguminigt habang kinakamayan si Senyora Natividad.
“ Buenas tardes tambien! Maganda ang iyong boses hijo.”
Ganti niya sa binata, gamit ang mga salitang natununan sa wikang Chavacano, halata na ang mga mapuputing hibla ng mga buhok sa ulo, pero ay mas bata ang hitsura ng mayordoma kaysa kanyang edad, marahil ay isinumpa ng maramot na pag-ibig kaya hanggang ngayon ay nananatiling matandang dalaga o baka naman ay siya mismo ang nagtakwil sa kabuluhan ng pag-ibig dahil ay nandidiring ibigin ang tunay na iniibig, takot harapin ang masakunang araw kung kalian ang ini-ingatang katinuan ay sadyang dudurugin ng kataksilan. Isang sakrilihiyosong ritwal na hindi maiwasang mangyayari sa gitna ng wagas na pag-iibigan. Ayon sa kanya na ang puri ay naliligo sa dugo ng pagnanasa, ang nalalasap na pag-ibig ay matatawag na isang masarap na pag-ibig kapag ito ay niluto sa resipeng kinatha ng emosyon, ang mga sangkap na isinulat ng damdamin ay nabibili sa tindahan ng mga kontradiksyong nalulusaw sa sabaw ng lambing at galit, lungkot at ligaya, paglilimot at pananabik, mas lalong naging katakam-takam sa kondimiyento ng kataksilan.
“ bakit hindi ka na lang mag-asawa sa harap ng banal na dambana ng simbahan at may sagradong basbas ng Iglesia katolika?”
Minsan ay natanong siya ng paring nasa loob ng silid-kumpisalan, tono ng boses ay kinukundena ang makasalanang pakipag-relasyong ng Senyora na mismo ay ang buod ng kanyang pangungumpisal . Nakayuko, nakaluhod at taimtim na nagdarasal sa labas ng silid-kumpisalan bago sinagot ang tanong.
“ Kasi po mahal na padre, ang kasal na nagaganap sa kapilya, kathedral o simbahan ay isang lantarang pagkukunwari, ikinukubli ng mga mababangong bulaklak ng ilang-ilang na inihagis sa daanan ng mga ikakasal ang huwad nilang hangarin, sa harap ng mga nauutong madla  ay nangako silang magmamahalan ng wagas at tapat, magsasama ng habang-huhay sa hirap man o ginhawa sa ngalan ng inaabusong pag-ibig, pero ang tunay nilang hangarin ay maangkin ang isa’t isa sa bawat sandali at sa buong magdamag, magpapakasarap sa ibabaw ng kama na binabalutan ng pinagtagpi-tagping kumot, punit-punit na kulambo at saka maunawaan na ang pag-ibig ay kathang-isip lamang, agad ay buburahin ng orgasmo ng matinding pagnanasa at panunukso. Totoo lahat ang sinasabi ko, si Senyora Amanda ay biglang iniwan ang asawang naparalisa na hindi kayang tugunan ang kanyang pangangailang makapag-bigay ng ligaya sa ibabaw ng kama, hindi siya tapat sa sinumpaang pangakong magsasama sa hirap man o ginhawa sapagkat ang nais niya ay hindi pag-ibig kung hindi ay sekswal at rumaragasang pagsasambulat ng kaligayan sa mukha!”
Muntik mahimatay ang pari ng marinig ang tila ay mga salitang hinipuan ng masamang ispiritu mula sa bibig ni Senyora Natividad, agad lumabas ang pari, naglakad ng nakaluhod patungo sa banal na dambana, kinukundena ng kaluluwa ang mga narinig, isinusumpa at dinadalangin na sana ay hindi na muling babalik at pangumpisal ang matandang dalagang nabubulag sa matinding sekswal na pagnanasa, kahit litro-litrong bleaching soap ang ipaligo ay hindi kayang paputiin ang kanyang maitim na kaluluwa.

Nilingon, bahagyang tinanguan, “ Halika” malumanay ang pagka-bigkas, malambing na inakbayan , inilambitin ang kamay sa beywang ng dalagita habang patungo sa kinaroroonan ng guro. “ Heto nga pala si Catherina Beatriz de Figueroa, magiging estudyante mo sa kontemporaryong sining ng pag-pinta.” Ngumingiti habang pinapakilala ang dalagita sa gurong may limang talampakan at pitong pulgada ang tangkad,hindi masyadong payat, hindi tulad ng ibang mga pintor,nag-aakala na ang mamatay sa gutom ay isa pa ring uri ng sining, namumulang tsokolate ang kulay ng buhok na hanggang balikat, makinins ang maputing mukhang tinutubuan ng manipis na balbas at bigote, ang suot na puting t-shirt ay may naka-imprintang nagbibirong karikatyur ng Kentucky Fried Chicken, sa ibaba ng logo ay may nakasulat  “ Huwag sanang gawing sabaw ang gravy.”
Nginitian muna ang dalagita, “ Que tal?  Charlie Esquivel, mi nombre.” “Kimusta! Charlie Esquivel ang aking pangalan.” Sa wikang tagalong.
Hindi atubiling nagpakilala, binanggit ang apeliyido kahit may lahing kastila ay hindi marangya ang sinimulan ng pamilya ngunit ay tanyag sa larangan ng sining ng pag-likha, inilagay ang kamay sa ere, nagbaka-sakaling kakamayan ng dalagita bilang tugon sa maganda niyang hangarin
“Muy bien tambien! Maestro!” Ganti ni Catherina, sarkastika ang tinig ng boses. “Mas mabuti! Maestro!” Sa wikang tagalong, nanunulis ang nagtatagpong mga kilay, animo ay mga manok na madugong nagsasabong, mga dugo nila ay walang tigil sa pagtatagas mula sa mga gutad-gutad nilang katawang nahiwa ng matalim na labaha. Ang mga dugo ay namimilog, mga putol na paa pati ang mga duguang bituka ay nagkalat sa entablado. Sadyang kay saklap ng riyalidad sa lipunang ito, bago magbukang-liwayway ay si tandang na ang hinihimas, hindi baling walang makain si bunso basta ang manok ay may tutukain, hindi baling manigas ang sakahan basta si tandang ay may maiinom lang, nangutang pa sa gilingan ng bigas, kahit ang tubo ay hanggang ulap an gang lutang, isinugal sa sabungan, doon ay natagpuan ni tandang ang kanyang kamatayan, umuwi ng talunan, tadhana ng pamilya ay tatahakin ang mapait na kapalaran.
Nagsusungit ang kanyang pagmumukha, hindi dahil sa katauhan ng guro kung hindi ay dahil sa pakay nitong bayolenteng pagtatagain ng kampilan ng kontemporaryong sining ng pag-pinta ang tinta ng radikal na burges-gotiko na iginuhit ng kutsilyo sa loob ng kanyang katinuan.
Ito marahil ang mabisang paraang naisip ni Don Miguel upang masugpo ang nangingibabaw na estilo ng sining sa kaluluwa ng kaisa-isang anak, kungsabagay ang isang ideya ay nadudurog lamang ng isa pang ideya na higit pang nakakamatay kaysa bala. Siguro ay magtatagumpay sila ni Charlie, mahikayat ang dalgitang burahin ang kadena ng radikal na burges-gotiko at hindi na muling makapag-likha ng isa pang maeskandalong sining-pintura, tulad ng “ Gahasa.”

“ maiwan ko muna kayong dalawa at ako ay magluluto pa ng lasagna.”
Pamama-alam ng mayordoma, napapansing napahiya ang guro ng pagsusungit ng dalagita, tumangging kamayan ang binata, umupo ang dalawa saisang mahabang sopa sa gitna ng malawak na sala.
Samantala ay nagmamadali si Senyora Natividad patungo sa kusinang hiwalay sa Mansion de la familia Figueroa, may kaliitan ang kusinang may dalawang matutulis na tambucho, subalit ay kumpleto sa sarin-saring kagamitang pang-kusina na maayos ang pagka-balangkas. Sa magkabilang gilid ng munting kalye patungo sa kusina ay ang hardin ni Don Miguel Gabrielle, ipinagtaniman ng mga rekados tulad ng basil para sa salsa pomodoro, oregano na pampa-tanggal ng lansa ng mga isda, rosemarina para sa estofado at saffron para sa paella.
Sa ilang saglit lang ay agad narrating ang loob ng kusina, kinuha ang giniling na karneng baka, iginisa muna sa bawang at sibuyas, inihalo ang hiniwang chorizo at carrots, naglagay ng kaunting celery, kalahating basong redwine, kaunting asukal,asin, paminta at inihalo ang ginawang salsa de tomates hanggang sa lumapot at tila ay natutuyo, inilagay sa baking dish na may pasta lasagne sa ibaba, at nilagyan ng kesong mozzarella sa taas na may halong dahon ng basil para mas maging mabango. Inilagay sa loob ng oven na may init na 300 degrees, sa pagdating ng Don, tiyak na puwede na itong hugutin mula sa loob.
Ito ang paboritong pagkain ni Don Miguel de Figueroa, ang may pinaka-malawak na Hacienda ng niyogan, ang padrinong nilalapitan ng mga pulitiko, oposisyon man  administrasyon pero ay iisa ang kulay ng kanilang kurbatang ibinurda ng korapsyon, nangungutang ng malaking halaga ng salapi kapalit ng proteksyon. Malaking salapi rin ang nai-ambag ng Don para pigilan ang tuluyang pagka-agnas ng wikang Chavacano na unti-unti ay namamatay sa dayariya ng kabakyaan. Ang sampung por siyento ng ganansya ng Hacienda ay napupunta sa pundasyong itinatag ng kanyang may-bahay – Donya Maria Michaella de Figueroa – tinutulungan ang mga maralitang nilalang upang makapag-aral, tanging sandatang makapag-sugpo sa kriminal na kahirapan. Ang pangulo ng pundasyon, Charlie Esquivel, nagtuturo ng sining ng pagpinta sa mga kabataan, ditto siya nakilala ni don Miguel Gabrielle.
“ ang nararamdamang pag-ibig noong 10,000 B.C. ay ganoong pag-ibig pa rin na mararamdaman sa 10,000 A.D. sapagkat ang kaluluwa nito ay hindi napapalitan o mapapalitan. Tulad ng sining ng pag-pinta, ang hangarin ng pintor noon, ngayon at bukas ay iisa, ang maipinta ang tunay na saloobin sa mga bato, sa telon ng kanbas at kahit sa salawal, sapagkat ang kaluluwa ng sining ay walang kamatayan.”
Bigkas ni Charlie, tinitingnan ang mga daliring may nakadikit pang pinturan langis,isinandal ang likuran sa sofa, dinukot ang lapis sa bulsa.
Bahagyang ngumiti, nagustuhan ang talino ng guro, intelihente ang uri ng biro, napansing mas matanda ang isipan kaysa edad, 25 o pataas pero ay hindi hihigit sa 30,  kanyang tantiya.
“ Dahil nabanggit mo na rin ang tungkol sa sining. Ano nga ba ang kahulugan mo ng contemporary painting?”
Direktang tanong sa guro, parang sinusukat ang lawak ng nalalaman, abala sa pagbura ng pintura sa daliri.
“ Ang lahat ng sining na ipininta sa kasalukuyan ay matatawag na contemporary painting, ang “ Spolarium” ni Juan Luna ay kontemporaryo sa kanyang kapanahunan, ganoon din sa “Guernica” ni Pablo Picasso at siyempre ang iyong “ Gahasa”  na may malalim na adhikain.” Paliwanag niya sa dalagitang ngumiti ng mabanggit ng guro ang nilikhang sining-pintura. “ Ang isang pintor ay sadyang nilikhang may kakaibang adhikain sa ibang pintor, makabuluhan para ang mundo ay maging isang ganap na paraiso, umiikot sa harmony ng magkakasalungat na kulay, damdamin at paniniwala, ang bawat larawang ipininta ay ang pinaka-matayog na ekspresyon ng kanyang kaluluwa, ang bawat karakter ay ang piraso ng kanyang pagkatao na sa kanbas ay iginuhit at inihahayag dahil sa totoong buhay ay takot siyang mahusgahan, ang tao ay sadyang nilikhang mapang-husga na ang mga mata ay nakapiring.”
Muling nagpukol ng mga kataga, nagbuntong-hininga,panatag inihimlay ang batok sa sandigan-ulo ng malambot na sofa,inikot ang paningin sa sala, mistula ay nang-hahagilap ng mga kataga sa sariwang hanging panay ang ihip na may dalang notang kay sarap yakapin.
Tumango-tango lang si Catherina, nakagaanan na ng loo bang bagong guro, sa wari niya ay isa ring rebeldeng intelektwal, hangarin ay gagapiin ang nangingibabaw na mentalidad sa lipunan na tila ay kay hirap burahin dahil sa matinding komersiyalismo, kahit bakya basta mapagkakitaan ay isinusulong ng mga negosyante, at iyan ay nakakalungkot.  “ excuse me! “ Paumanhin ni Catherina bago tumayo, “ Mas maigi yata ang ating makabuluhang talakyan kapag may musika na ang bawat melodya ay nilikha ng musikerong nais tumakas sa riyalidad at sa ibabaw ng bawat nota ay mahimbing na matutulog, sa ganitong paraan ay hindi niya makikita ang pait na ipininta ng karukhaan sa buto ng  mga nagugutom.” Kanyang suhestyon sa guro.
“Go on, kung ikabubuti  ng ating konbersayon.” Matipid niyang sabi, nagkibit balikat ng pagsang-ayon, ngumingiti ang mga mata. “ Gregoroan Chant!” muling suhestyon ng dalagita, tinatantiya ang ekspresyon sa mga guhit na nasa gilid ng mga mata ni Charlie. “ Enigma: return to innocence, maganda ang pagkalikha ng musikang iyan, ini-ugnay ng melody ang tenga ng imahinasyong nakikinig sa hinga ng kalikasan.” Banggit niya, pero hindi ito nangangahulugang ayaw niya sa musikang binanggit ng dalagita, bagkus ay gusto niya ring margining ito, hindi nga lang ngayon dahil ang tinig nito ay tila klasikal, nag suhestyon na lang ng isang musikang nahuhulog din sa ilalim ng ganoong “ musical genre” na may hiningang gotiko at tugma sa kontemporaryong kapanahunan. “Ok!” maikling bigkas na walang pagtu-tutol, pero nagbubulong ng mahinang kanta habang naglalakad patungo sa “CD player”, nasa tabi ng lumang Piano. “ Batay na rin sa iyong sinabi kanina, nangangahulugang isang kalapastangan ang ihulog sa isang “ art genre” ang nilikha ng isang pintor sa kanyang kanbas at pagkatapos ay babansagang Classical Realism, Dadaism, Expressionism o Surrealism.” Bigkas ng dalagita, konklusyon batay sa naunawaang mungkahi ng guro habang hinahagilap ng mga daliri ang disc ng enigma, gumagapang sa libo-libong koleksyon ng mga “CD”, organisado ang pagka-ayos ayon sa “ musical genre”, mula sa klasikal na Wolfgang  Mozart  hanggang sa heavy metal na bandang Megadeth, kasama pati na rin ang pilipinong bandang Wolfgang. Samantala ay hini-hele ang kanyang buhok at mahabang damit ng malambot na musika ng mga pipit na nakahilera sa sanga ng punuang santol. Ang matutulis nilang huni ay tinutusok ang lobong intelektwal sa pagitan ng dalawa. “ Tugma ka diyan! Ang mga “ism” na ikinakabit sa bawat sining pintura ay imbensyon lamang ng mga kritiko, mga nagpapanggap na may malalim na pagkaka-unawa sa likha ng pintor, mismong pintor ay hindi lubos mauunawaan ang kanyang nililikha dahil siya mismo ay dayuhan sa kanyang pagkatao, kaya ang “ism” ay lalong umaasim tuwing nag-aaklas na ang bawat hataw ng brutsa.” Sarkastikong pagkabigkas ng guro, nag-aalsa ang damdaming nagagalit sa mga “ism” ng mga dekadenteng kritiko, mga huwad na taksonomista ng sining, brutal na kinakabitan ang likhang idinidikta ng emosyon sa mga hibla ng brutsa ng isang pintor.
Abala pa rin si Catherina sa paghahanap ng “CD” ng Enigma sa “CD rack”, katabi mismo ng “CD”  player. Ang tela ng kanyang damit ay idinidikit ng ihip ng hangin sa kanyang balat, hindi maiwasang ilantad ang magandang hubog ng katawan, mahahaba ang hugis kandilang mga daliri sa kamay at paa, kina-iinggitan ng mga malalanding binabae sa kanilang Universidad, tila ay mga nakapag-LSD, binabangungot ng masamang alusinasyong nais ring humaba ang mga daliri. Para makamit ang nais nila ay bumili ng “ Growth Balls” sa walang puring parmasya ng tsino, subalit ang naging resulta ay karumal-dumal pagkatapos mainom ng kung ilang linggo ang “ Growth Balls.” Si Pancho Revilla, nagwaging “Miss Gay Zamboanga 2001” ay mangiyak-ngiyak, tila ay isinumpa ni Maria Magdalena, ang mga mata ay lumaki ng husto, parang nais lumundag mula sa mga eye socket, lumubo rin pati ang mga tuhod, parang dinapuan ng rayuma. Si Edwin Dominguez, laging laman ng “ Gay bar”, una ay natuwa sa akalang nabuntis ng nobyong “call boy” ng lumubo ang tiyan na naging sanhi ng pagtatakwil sa kanya ng ama, kaagad ay napahinto sa pag-aaral hindi lang dahil sa lumubo ang tiyan na parang pinipugaran ng libo-libong parasitikong bulate ay lumobo rin pati ang pagmumukha.
Matapos maidaing ni Panco Revilla sa mga taga “ Media” ang lapastangang paglabag ng “ Growth Balls” sa kanyang karapatan bilang mamimili, sumiklab na parang bomba atomika ang nagliliyab na eskandalo, ang “ radiation” ay agad kumalat sa mga magasin at mga diyaryo, lantad isinulat sa harapang pahina ang kahindik-hindik na resulta, “ Growth Balls : Grow your Balls.”
Sa isang pahayagan ng mga anarkista at mga marksista ay isinulat sa pangalawang pahina ang puspusang panunuligsa sa kanser ng kapitalismo – Pancho Revilla, “ Miss Gay Zamboanga 2001” Diyosa ng mga Venus, kawawang biktima ng komersiyalismo- ang balita ay agad nakarating sa buong organisasyon ng mga anarkista, tinututulan ang nao mang uri ng pamahalaan. Agad nagpatawag ng malaking pagpupulong-pulong, mainit ang naging talakayan, nagbabaga ang mga emosyong binulag ng balita, mga mata nila ay nagdidilim sa galit, sobra-sobrang galit, umaapaw ang init ng galit, hanggang nauwi ang lahat sa malawakang protesta, sabay-sabay nagsi-tayuan, ang manipis na hilera sa gitna ng kinalbong ulo ay nagsitayuan din sa libo-libong boltaheng kidlat ng kanilang galit, sinugod ang parmasya, ang bawat kalyeng nadaanan ay mistulang kalsada sa kapanahunan ng “ Bolshevik Revolution” noong 1917 sa bansang Rusya, lalong umiinit ang namuong tension at humantong sa madugong “ riot’, nakipag- batuhan ng mga matutulis na mga bato ang mga Molotov cocktails laban sa mga kriminal na pulis, nakipag-suntukan sa mga humaharang na mga dati ay may ari ng mga malalaking tindahan at ngayon ay naging mga side-walk vendors, nabangkarote ang mga negosyo dulot ng “ Baclaran Chinese Smuggling.
Ang dala nilang malaking karatula ay may radikal na slogang nakasulat, “ DEATH TO WTO!”, tila ay nabubulag at napi-pipi sa tunay na sanhi ng agarang pagbulusok ng ekonomiya. Nakipag-barilan ng sumpak sa mga bumabarikadang mangga-gawang nawalan ng trabaho dulot ng pag-baha ng mga mumurahing produktong galing ng bansang Tsina, payapang nai-pasok sa local na merkado dahil sa tamis ng korapsyon,pinapaslang ang lokal na mga industriya, ang malaking telong kanilang dala ay pulang-pula sa nagbabagang damdamin ng rebolusyon, punong-puno ng galit ang slogang nakasulat, “ DOWN WITH U.S. IMPERIALISM!”, bingi sa mga usap-usapan sa mga pansitan sa Chinatown “ Piringan lang ng magandang mukha ng salapi ang mata ng mga opisyal ng gobyerno ay tiyak na makaka-puslit ang mga illegal na produkto.” Nakipag-kulaman sa mga nanghahadlang na mga magsasakang nabubulok sa loob ng mga sako ang mga panindang gulay, hindi naibenta dahil ay mas mura ang mga gulay na ipinuslit ng mga walang habag na mga tsinoy mula sa Tsina, isa-isang dinudukot ang bawat butil ng bigas sa bituka ni Juan de la Cruz. Ang dala nilang karikatyur ni “ Maria Makiling”, sa dibdib ay may nakasulat, “ NO TO SEMI-COLONIALISM, NO TO SEMI-FEUDALISM, NO TO BUREAUCRAT CAPITALISM!”  nagmumukhang hilong talilong, hindi namamalayang ang pagtataksil ng mga tsinoy sa naghihingalong ekonomiya, lalong pang binabaon hanggang ang lahat ay titirik ang mga mata dahil sa matinding kahirapan, unit-unti nilang kinakadena ang kaluluwa ni “ Malakas” sa buntot ng diyos-diyosan nilang dragon.
Dumadagundong ang malalakas na mga sigaw, patuloy binabaktas ang makipot na kalsada tungo sa parmasya ngunit ay nabigo sila, bigong-bigo, pumanaw na pala ang tsinong nagbenta ng “ Growth Balls”, inatake ng sakit sa puso, pinilit ng kalaguyong “ call boy” na lumamon ng limang tabletas ng “Viagra” galing Tsina.




Kung ilang minuto ring ginapang ng kanyang mga daliri mula sa taas, gitna, ibaba at gilid ng “CD rack” bago makapa ang “CD” ng Enigma, naipit sa pagitan ng “CD” ng “Within Temptation” at “CD” ng “Enya”. Dahan-dahang hinugot mula sa kinalalagyan, tinanggal ang maliit na plaka, makinis at makintab ang kulay nitong metalik, mula sa pulang kahang may larawang puting “Unicorn.” Para maiwasang magasgas ang plaka, delikado at sensitibo sa mga alikabok, maingat ipinasok ang pang-gitnang daliri ng kaliwang palad sa maliit na butas na nasa gitna. Nagmatyag, bitbit ng daliri ang plaka, tiningala muna ang “CD player” na medyo ay may kataasan ang pinag-patungang mesa, dulo ng buhok niya ay bahagyang dumampi sa bahaging scapula, bago pindutin ang “ button” ng “CD IN/OUT. Awtomatikong lumabas ang kuwadradong platito, inilagay ang plaka at muling pinindot ang “button” ng “CD IN/OUT”,  ng ganap na pumasok ang kuwadradong platito ay saka pinindot ang “ Button” ng “PLAY.” Bahagyang nalaglag hanggang siko ang mahabang “ sleeve” ng braso, lumitaw ang maputi at balbuning balat, tumingkad ang kinis, namumula sa sinag ng magtatakip-silim na araw.

Ang ama niya ay may dugong kastila at ilonggo, ang ina ay may lahing napolitana at dumaguetenyo, sa madaling salita ay puting-puti an gang mestisang balat ni Catherina, hindi maiwasang maging pusod ng masakunang inggit ng mga kareristang kababaihang nakaupo sa loob ng malamig na opisina, animo ay mga bampirang takot masinagan ng nakakasunog-balat na araw, ng mga kababaihang takot tanggapin ang kahirapan at nagpa-saklolo sa latinong tele-seryeng “Mari-Mar”, ng mga kababaihang lalong naging depresibo dahil sa pagbabasa ng mga magasing pangkagandahan na ang  pakiramdam nila ay lalo silang pumapangit at ng mga kababaihang tinatakwil ang maganda nilang kulay kayumanggi, tila bang kinamumuhian. Lahat ng paraan ay kanilang ginawa at gagawin para pumuti, kulang na lang ay gigilitan at ibaliktad ang talukap ng kanilang balat, laging nagbabaka-sakaling pumuti at pagpi-pilahan ng mga kalalakihang bolero, durugista, macho at kasali ang mga hayok sa laman. Gawa marahil ng krisis pang-identidad, patuloy binubulag ang mga isipan, nililito ang mga kamalayang nangangapa sa dilim, walang tigil sa paghahanap ng kanilang tunay  na pagka-tao, hanggang masuklam sa sarili nilang balat. Lumakas ang bentahan ng mga sabong pampa-puti kaysa bigas, kadalasan kinukulang ang suplay sa merkado kahit may naka –kabit na naka-iiritang pangalang “ MARS EXTRACT”, nakaka-diring “ LIVER EXTRACT” at nakaka-sukang “HUMAN FETUS EXTRACT”, ngunit ay nauubos dahil marami ang nahuhulog sa matamis na mga kataga ng mga mananalastas, kahit nakaka-baliw ang pangakong “ WHITEN YOUR SKIN IN JUST 360 DAYS : SO SPEND MORE”, ibig sabihin ay dagdag gastos at oras na nilalapastangan sa loob ng banyo.
Nag-halo ang melodyang banayad ng “ Return to innocence” ng Enigma sa mga nota ng paspas ng mga dahon at cuerdas ng huni ng mga pipit, nagkakaroon ng harmonyang inaanod ang dalagita tungo sa kapayapaan. Bawat sulok ng sala ay tila nagkukubli ang mga anghel, malalambot na mga boses ay ibinubulong ng nagli-liitang “speaker” ng “BOSE.”  Ang naka-sayad na damit ng dalagitang pabalik sa dating inuupuan ay hindi alintana ang kislap ng mga aninipot, nagsibalikan sa dambuhalang punuan ng santol. Ang isipan ay tinutusok ng mga prgresibong kataga ni Charlie, nagliliyab laban sa karayom ng medyokridad ng sining na kumakapit sa komersiyalismo, ngunit sa tingin niya ay tamang kutyain ang mga “ism’ , ikinabigt ng mga dekadenteng intelektwal.

“ Anong uri naman ng sining ang maituturo mo? Sa mundong ito, lahat yata ay may klasipikasyon at hindi maiwasang pagkaka-bitan ng “ism”  ang mga bagay ayon sa tugmang batayan.
Prangkang tanong, naglalahad ng paniniwalang kritikal, nagkibit-balikat, nameywang ang isang palad at ang isa ay nakatihaya sa ere, ibig sabihin ay kumpiyansang ipakita sa kaharap ang tunay na pagkatao dahil sa mataas ang tiwala sa sarili. Nais malaman ang saloobin ng guro.
“Mas maigi kung maibahagi ko sa iyo ang aking nalalaman at maibahagi mo rin sa akin ang iyong nalalaman, sa ganitong paraan ay madali nating malaman ang kumbinasyon ng tunggalian ng ating pananaw para sa karagdagang kaalaman.”
Direktang sagot, naglatag  ng mas liberal na konsepto ng pagtuturo, kakaiba sa tradisyunal na panunuro sa loob ng silid-aralang kinukulong ang mga estudyante sa diktadurang hawla ng guro.
“ Sa susunod kong pagpunta rito ay ibahagi ko sa iyo ang aking sining, nilikha batay sa mga napulot na mga dahong punit-punit, lumang sanga sa kagubatan, lumang diyaryo , mga tansan at plastik na nagkalat sa kalsada. Mas mabuti kung iyong makita at madaling maunawaan ng iyong damdamin.”
Muling saad, naintindihan ng dalagita ang nais imungkahi ng guro tungkol sa kumbinasyon ng tunggalian ng mga paniniwala, isang marksistang pananaw, pero hindi siya sang-ayon sa paniniwalang makamit ang perpeksyon dulot ng di maiwasang tunggalian, dahi sa mundo ng tao ay walang perpeksyon maliban sa numerong “ZERO”, nag-isip muna ng malalim bago nag-salita.
“Ok! Abstract painting na kumalas sa konbensyonal na batas ng sining.” Banggit ng dalagita. “ Neo-Dada yata ang estilong iyan kung hindi ako nagkakamali.” Muling nagsalita, tinutukoy ang estilo ng nilikhang sining ng guro, naa-ayon sa nabasang artikulo tungkol kay Robert Rauschenberg, ang lumikha ng “CANYON” na may ganun ring estilo, mahusay na idinikit sa kanbas, parang isang “collage” ang mga napulot na lapis, papel, pintura ,salamin at iba pang materyales.
“Marahil ay hindi!” Salitang may pagtu-tutol. “ May sarili akong estilo, ayaw kong ibatay ang dikta ng aking damdamin sa estilo ng ibang pintor.” Muling nagsalita, napansing alas siyete nap ala ng makita ang oras sa antigong relong ikinabit sa ibabaw ng lumang Piano. “ Well! It is a pleasure to meet you Miss Catherina Beatriz de Figueroa, I guess it is time for me to go, kung may oras ka mamaya, may exhibit ang mga pintor sa Ristorante Classica Chavacana ni Chef Angelo, subukan mong pumunta, mahuhusay ang mga sining-pintura nila.”
Marahang tumayo, kinamayan si Catherina, maginoong nagpa-alam at nag iwan ng isang imbitasyon.
“ Sure, kung may oras ako mamaya, tiyak na makakarating ako sa exhibit, mas mabuting makita ang ibang obra para sa ikakalawak  ng kamalayan, maraming salamat sa imbitasyon!”
Tumayo rin ang dalagita, nawala ang sungit sa mukha, kinamayan rin ang guro sabay halik sa pisngi, gumanti rin ng mahinhing halik ang guro sa pisngi ni Catherina.
Nilingon muna ni Charlie ang pintuang may sampung talampakan ang taas, dalawang metro ang lapad, sa ibabaw nito ay may lumang kuwadradong kahoy ng apitong, inukitan ng “ Mansion de la familia Figueroa , desde 1640”, gamit ang mga titik hango sa lumang alpabetikong ingles. Maiging sinuri ang ipinintang larawan sa kanang bahagi, antigo, dalubhasang iginuhit ang mga imortal na adhikaing dumadaloy sa nakakatuhog na mga mata ng isang konkistador. Ang anyo ng maputing mukha ay larawan ng kahigpitan, ipinatupad ang mahigpit na batas ng kolonyalismo, nakatayo sa lilim ng niyog, hawak ang malaking krus, sa likuran ay ang mga tauhang pumanaog mula sa Galleon, naka-ankorahe malapit sa dalampasigan, sa ilalim ng pintuan ay inukitan din ng “ Don Juan Miguel de Figueroa: Conquistador del Zamboanga”. Samantala sa kaliwang bahagi ay may madilim na larawan, iginuhit ang madugong labanan ng mabuti laban sa masama, ang Arkanghel na may ginintuang buhok, pak-pak na binuo ng mga balahibo ng puting kalapati, pusong kumikislap ng paghihiganti sa dibdib, ang dalang espada ay pinupugutan ang demonyong may patalim na kris, maitim ang matulis na pakpak, tulad ng paniki, may buntot ng pagi, ang dumudugong putol na ulo ay sinusunog sa naglalagablab na sulpuradong apoy ng impiyerno.
Tumaliko at iniwan ang pintuan ng masiyahan sa nakitang mga larawan, binaktas ang mubleng kalsadang may nakatayong poste ng mga lampara, tuluyang iniwan ang mansion de la familia Figueroa na may dalawang matutulis na torre sa magkabilang gilid, ngunit ay mas mataas ang bubungang naghuhugis arko ng mismong mansion.
Kinuha ang bisikletang itinabi sa bakod, nasa harap ng dalawang malalaking rebulto ng kabayo, ngumingiti habang nagmamaneho,nasiyahan sa hindi karaniwang karunungan ni Cahterina, alam niyang may matutunang mga bagong ideya mula sa dalagita, sa wari niya ay may mataas itong antas ng talinong ikinukubli ng mahinhing galaw at maamong mukha. Sa ilang saglit ng pagmumuni-muni ay agad narating ang maliit na estudyo kung saan iginuhit ng kanyang damdamin ang emosyon sa ibabaw ng kanbas.


                                                                                                                                    Octobre 15, 2001 A.D.

Catherina, Amor del mi alma,
                  Solamente un minuto se no puede mira mis ojos contigo, mas bueno accepta el dulce muerte. El mi vida como dentro del jaula sin rejas, pero lleno del tristeza dentro del un mil anos del soledad. Quierre queda loco el mi pensamiento se no hay te serca del mi costado. Ahorra, este Corazon ta saborya el amargo del suffrimiento, tan sangre, solamente el tuya presencia el cura. Quierre yo mira contigo afuera del Cathedral de la Immaculada Concepcion, alas-nueve del noche. 
                                                                                                                         
                                                                                                                               Ama contigo hasta cuando,
                                                                                                                               Con beso,
                                                                                                                              Alejandro de Maria.







Catherina, Pag-ibig ng aking kaluluwa,
                  Sa isang minutong hindi ka nasisilayan ng aking mga mata, mas maigi pang tanggapin ang tamis ng kamatayan. Ang buhay ko ay parang nasa loob ng kulungang walang rehas, puno ng kalungkutan sa loob ng libong taong pag-iisa. Ngayon, ang puso kong ito ay nilalasap ang pait ng pagdurusa, dumudugo, tanging ikaw ang gamot. Gusto kitang makita sa labas ng Cathedral de la Immaculada Concepcion, alas-nuwebe ng gabi.
                                                                                                                            Mamahalin ka ng habambuhay,      
                                                                                                                            May kasamang halik,
                                                                                                                            Alejandro de Maria.

Hindi namalayan ng nagma-manhid sa kirot ang pisnging dinadaluyan ng mga luhang umiitim sa latigo ng pag-iisa, pakiramdam niya ay tinutusok ng mga karayom ang pusong tila ay natutuyuan ng dugo, tila ginagapos sa kadena ng matinding pag-durusa matapos mabasa ang liham, ang mga kataga ay isinulat ng tintang umaapaw sa wagas na pagmamahal. Kahit malamig ang buong kuwarto ay nag-aapoy sa init ng pananabik ang katawan ng dalagita, hinahagkan ng mapupulang labi ang lagda ng nobyong lubusang minamahal, inilagay at idiniin sa dibdib ang liham, pinapakinggan ang tibok ng delikadong pag-ibig. Pinatuyo ng perfumadong panyolito ang mga luha sa pisngi, marahan ay naglakad patungo sa higaan, inurong ng marating, yumuko, tinanggalan ng muebleng takip ang ginawang butas, niluklok, halos puno na sa mga ipinadalang liham ni Alejandro, kasabuwat ang mayordoma. Ang sabuwatang sinisisid ang kalaliman ng lihim, binubuo ng mga matatamis na pangarap, ikinukubli na parang tinotosino, sumasarap sa kumpletong sangkap ng masangsang na amoy ng kapangahasan at ng maanghang na kapusukan.
Sa gitna ng maingat na paglagay ng higaan sa dating lugar ay ginulantang siya ng sunod-sunod na “ring” ng telefonong selyular sa ibabaw ng mesang malapit sa bintana, alam niyang hindi ito galing sa nobyo ang mga “ text messages”, napagusapan nilang hindi gagamit ng ganitong telekomyunikasyon, bukod sa madali nitong maibunyag ang lihim nilang pag-iibigan ay napaka-impersonal ng relasyong iniugnay ng mga “ text messages”, pinapaslang ang kaluluwa ng panitikan, tinataga ng samurai ang kabuluhan ng liham na isinulat ng puso, dinudukot ang karapatang pribasidad. Mapait man ang lasa ng riyalidad na hinubog ng makabagong teknolohiya ay sadyang lulunukin ang hindi mapigilang ragasa ng rebolusyong pang-impormasyon. Sa pagitan ng anino at multo ng rebolusyon ay isinilang ang mga makabagong katagang “Hu U?”, “Heto na me!”, marahas na pinupunit ang banig ng sining ng pagsusulat, “Me 2 Me!”, “Mommy 2 daddy me!”, at marami pang nakakatanggal katinuang mga “ me”, parang isang platong mami, napapanis sa mga mesa ng gotohan, basahin ay nakakabaliw, animo ay nagpapaka-matay ang panitikang binabangungot sa walang kabuluhang mga kataga.

Agad tinungo ang mesa, dinampot ang telefonong selyular, binasa ang mga “ text messages”, “ Grl andito na me, k@s@m@ ang mommy at daddy mo”,  “ masarap na lengua estofado, niluto me”, “ tara na, ma!n!t ang $abaw, me din ang nagluto.” Mula kay Senyora Natividad, lumingo-lingo ang dalagita sa nabasa, nagtataka kung bakit pinapahirapan ang mga mata sa pagbabasa ng mga “text messages”, puwede namang “a” sa halip na “@” ang ilagay, puwede namang “ ako” at hindi na lang  “me”, nagtungo sa antigong aparador, namili ng damit panghapunan at saka nagbihis.

“ Todo bien hija!” Malambing na tanong ni Donya Maria Michaella de Figueroa sa wikang Chavacano – Lahat ba ay mabuti anak!” sa wikang tagalog – pero ay may tonong dumagetenya, malumanay, habang niyayakap at hinahalikan sa pisngi ng anak, nadatnang nakaupo sa mahabang mesang pang-hapunan,”Si Mama!” “Opo Mama!”   magalang na sagot ng dalagita, dahan-dahang kumalas sa pagka-yakap, tinungo  si Don Miguel Gabrielle De Figueroa, naka-upo sa gitnang bahagi ng mesa, katabi ng asawa. “ Is there someone special ?” Tanong ng ama ng naamoy ang samyo ng pabangong ‘BVLGARI’, ipinahid ng dalagita sa kanyang mapanuksong leeg. Ngumiti ang ina ng napansing biglang namula ang pisngi ng Unica-Hija dahil sa mapanuring tanong. “ Nada Papa!” – “ Wala Papa!”, sagot niya, matapos mayakap at mahalikan ang ama, ang kaba ay biglang kumalabog sa dibdib, pilit umupo ng kampante, maingat ang pagbitiw ng bawat salita, tinatakpan ng maitim na belo ng kasinungalingan ang lihim sa harap ng mga magulang.

Unang inilapag ni Senyora Natividad sa hapag ng mesa ang tatlong malilit na “bowl” , tradiyunal na “sopa de Castellano”, ang resipe ay nilikhang masiyasat at mismo ni Donya Maria Beatriz de Castellano, sintanda ng mga adobeng nilulumot sa pader ng Fort Nuestra Senyora del Pilar. Sa likod ng lasang katakam-takam ay mahabang proseso sa pag-luto, sa loob ng mahigit isang oras ay pakukuluan ang mga hiniwang buntot ng baka, ksabay ng mga hiniwang atsal, patatas at sibuyas, kapag malambot na ang mga buntot ay saka ihalo ang sampung pirasong kabute, kalahating basong gatas, kalahating kutsarita ng asin at giniling na paminta.
Pagkatapos maubos ang sopa, inihanda ang “ Insalata de verduras”, mga hiniwang kamatis, letsugas, pepino, sibuyas at hahaluan ng “ Aceite de oliva”, dalawang kutsaritang sukang balsamiko,kaunting asin, kesong parmesan, asukal at paminta. Matapos makain ang “Insalata de verduras” ay ang “ Main course” na “baked lasagna”, kasunod ang “ vino rojo” at cappuccino.”
“Pa! Naimbitahan po ako ni Mister Charlie Esquivel sa eksibisyon ng mga bagong pintor sa “ Ristorante Classica Chavacana.” Malambing ang paumanhin sa ama matapos masaid ang isang tasang cappuccino, namumula sa sinag ng chandelier ang pisnging nagsisinungaling, ginamit ang imbitasyon na alibi para makipag-tagpo sa nobyong pari, alam niyang mabisa ito dahil nais ng ama na siya ay magsaliksik din ng iba pang estilo para mapalitan ang kanyang estilo sa pag-pinta.
“ Is there something hija?”
Prangkang tanon ng ama, maiging pinagmamasdan ng mapanuring paningin ang nakayukong mukha ng dalagita, napansing namula ang pisngi ng anak at ibinalik ang nangangalahating tasa ng kape sa mesa.
“ There is nothing wrong with her!”
Sabat ng ina, tinanggalan ng pagdu-duda ang esposo laban sa anak, batid niya, ang pagdu-duda ay isang anyo ng karupukan ng taong nawawalan ng tiwala sa sarili, ayaw makitang marupok ang esposo, minahal niya ito hindi dahil sa hitsura, pera at talino kung hindi ay dahil sa angking katatagan ng pagkatao at paniniwala. Pero ang higit na mas masarap damhin ay kung mamahalin ka sa kabila ng iyong pagiging isang mahirap, manloloko marupok,kahit na ikaw ay isang sinungaling at hindi iyong mamahalin ka dahil sa ikaw ay mayaman, nagpapa-alipin sa minamahal, nagbibigay ng pera at laging tikom ang bibig. Ito ay hindi wagas na pag-ibig kung hindi ay isang makasariling pag-ibig.
“Thanks God!” Bulong ng dalagita sa kanyang sarili,nag-uumapaw sa saya ng margining ang sagot ng inang bulag sa makasalanang lihim, kinasasangkutan ng kaisa-isang anak. Lalong dinuduyan ang damadamin sa tugtog na “ Chariots of fire” ng “Vsngelis”, pinatugtog ni Senyora Natividad matapos mailapag ang leche flan na sana ay kasunod dapat ng lasagna, nataranta sa mga tanong ng amo na parang mabubunyag ang sabuwatan nila ng dalagita.
“ Ok! Kung iyan ay para sa ikakabuti ng iyong kamalayan sa sining ng pag-likha. What more can i say? But yes, pero ay ikumusta mo na rin ako kay Chef Angelo, huwag mo ring kalimutang tanungin kung dumating na si Giovanni Santorino, ang anak niyang nag-aaral ng Photo journalism sa Israel.”
Pahintulot ni don Miguel Gabrielle, naa-alala si Giovanni Santorino, napadalhan siya minsan nito ng mga resipe ng falafel at shish kebab, hindi rin nakalimutan ang mga napadalang mga litrato ng makasaysayang “ Dome of The Rock” at ang sagradong “ Wailing Wall”, madalas ay sanhi ng matinding girian ng mga Hudyo at mga arabo na humantong sa malawakang digmaan sa gitnang silangan, kinatatakutan ng buong mundo. Nasa kuwarto pa rin ang malaking litrato ng lambak ng kidron, ayon sa Propetang si Joel ay sa lugar na ito ay tatawagin ng panginoon ang lahat ng tao para huhusgahan.
Lumapit si Senyora Nativida, sinenyasan ni  Don Miguel na tanggalin ang tatlong platitong leche flan, bukod sa huli ito ay hindi pa tama ang pagka-gawa sa kinaramel na asukal. Napapansin ng amo ang  biglaan pagtataranta ng senyora, animo ay nagkakaroon ng kapansanang Parkinson’s, nagiging malimutin, para bang ulyaning nakalimutan ang isipan sa loob ng sinaing o baka naman ay nagiging abala ang matandang dalaga sa pagcha-chat sa internet, laging kinikilig sa simpleng “ I love you” sa tuwing nakaka-chat ang mga lalaking may asawa na at nagpapanggap na mga binata, naa-alala pa ng Don, nakipag-tagpo ang Senyora sa isa sa mga naka-chat, umuwing luhaan, lahat ng kanyang perang inipon ng kung ilang buwan ay nadukot, marahil ay sa matinding pagnanasa at madali siyang magtiwala.

“Opo papa!” Magalang ang sagot, labis ang tuwa sa bawat sulok ng kanyang mga mata, sumisirko-sirko ang damdamin sa sobrang ligaya. Naa-alala ng dalgita si Giovanni, guapo at mukhang isang Israeli, ayon sa kuwento, ang pamilya Santorino ay may lahing Hudyo galing sa bansang Portugal, ang ninuno nila ay Marrano, nagpabinyag sa relihiyong katoliko para maiwasang kitilin ng espada ng Inquisition. Apat na taon na ang nakalipas mula ng umalis si Giovanni patungo sa Israel, bago umalis ay nanalo pa sa grand debate. Lantarang tinuligsa ang komyunismo, batay sa kanya ay isa itong “Utopia”, hindi kayang abutin ng buong sangkatauhan, nababagay lamang sa mga kibbutzim at mga moshavim, bukod sa kakaunti ang populasyon ng mga komyunal na sektor pang-agrikultura sa kanayunan ng Israel ay pansamantalang itinatag sa ibabaw ng sosyalismo pero ay kapitalismo rin ang patutunguhan, ang tao ay sadyang nilikhang walang kasiyahan, ang Komyunismo ay kasamang lumubog sa komyunistang ekonomiya ng bansang  rusya,ang maoismo ng bansang Tsina ay kumapit sa pangil ng kapitalismo,  ang komyunismo ni commandante Fidel Castro ay naa-agnas sa bagaso ng mga tubo.
“Isama mo na rin si Senyora Natividad hija!” Payo ni Donya Maria Michaella. “ Alaways keep your cellular phone open!” Muling nagsalita ang ina, paalala para madaling matawagan ang dalagita o makatawag kung mayroong emerhensyang hindi inaasan.”Higit sa lahat ay maging vihilante, mag-ingat sa mga barbarikong abu-sayyaf, mga nagkukunwaring mga may adhikaing sesesyonista, ang totoo ay mga bandido, mga tulisan, mga kriminal at mga hayok sa laman, genetically gifted ka anak, isa kang potensyal na target, hahalaying ka ng mga mukhang diyablong magnanakaw, pagkukunan ng magandang lahi, dahil ang kagandahan ay katumbas ng malaking halaga ng dowry!” Muling habilin ng ina, biglang napa-krus, sumagi sa isipan ang krimeng kahindik-hindik na napanood  sa balita, ang mga dalagitang dinukot ng mga abu-sayyaf sa isang liblib na lugar sa Basilan ay walang habag na ginahasa, pagkatapos mabuntisan at mapa-anakan ay pinagtataga na parang mga hayop. Mga diyablong hindi man lamang nakalanghap ng kaunting samyo ng galang sa kapuwa, moralidad at sibilisasyon, parang wala ring mga ina at kapatid na babae, biglang nanindig ang mga balahibo ng Donya, nagdarasal na sana ay hindi ito mangyari sa kaisa-isang anak. Sa kanyang palagay, kung hindi matutong magbanat ng buto, mabubuhay na tumatagas ang pawis ang mga ito ay patuloy ang kaguluhan at walang kabuluhang digmaan sa Mindanao, ang lupang ipinangako.
Ang mga nakahilerang posteng bakal sa gilid ng kalsadang makipot patungong Cathedral de la Immaculada Concepcion, tila ay napapabayaan, kumakapal na sa kalawang. Mabibilang na lang ang mga lamparang naka-lambitin, ang iba ay pondido pa, lalong nagdidilim ang kalsadang binububungan ng mga ng mga makakapal na dahon ng nakahilerang punuang akasya.
Maliban sa huni ng mga paniki, kalabog ng mga nahuhulog na bunga ng mga mahogany ay tahimik ang buong paligid ng Cathedral, walang katao-tao, marahang bumaba si Catherina sa kotse, naiwan ang mayordoma sa harap ng manibela, sumenyas sa dalagita, sa tagong bakod ng simbahan hihintayin. Naglakad sa madilim at makipot na kalyeng binanigan ng mga muting gravita, sandaling dumaan sa dalawang nitso ng mga paring martir, mga nagbuwis ng buhay sa Jolo para sa pagpapalaganap ng katolisismo, ibinurol sa mismong tabi ng simbahan ipaalala sa mga deboto ang kanilang kadakilaan, pagkatapos mag alay ng dasal ay hinanap si Alejandro, wala sa dati nilang tagpuan sa labas ng simbahan, inikot ang mga mata, ng hindi nakita ay dumiretso sa loob ng Cathedral, nangangamoy rosas siya, dumikit sa damit ang samyo ng mga bulaklak sa puntod ng dalawang martir, mga mata ni Alejandro ay biglang lumuha ng makita ang dalagita,.
Agad nilapitan ang dalagita, niyakap ng mahigpit, umiinit sa naglalagablab na pag-ibig. “ Mahal, wala akong ibang panalangin sa langit kung hindi ay makapiling ka, habang buhay magsasama sa lilim ng matamis na ligayang hatid ng wagas na pag-ibig, at sana ang lahat ay hindi magwawakas!” Bulong ng nobyo, bawat kataga ay inukit ng emosyong nagsasabing tanging kamatayan lang ang makapag-hiwalay sa kanila. Tumugon ang dalagita ng mas mapangahas na yakap, tila ay nasasabik sa init ng damdaming binabayo ng matinding pag-ibig.
“ Sa sandaling hindi ka nakikita ng aking mga paningin ay parang bumabaliktad ang aking buhay, hindi ko kayang tiisin ang sandaling wala ka sa aking tabi!”
Nagbigkas ng mga salitang tapat sa nararamdamang pagmamahal sa nobyo. Mas lalong hinigpitam ni Alejandro ang yakap, dahan-dahan ay hinihila ang dalagita papasok sa loob ng silid-kumpisalan, isinara ang pintuan, marahang gumapang ang kanyang labi sa namumulang labi ng dalagita, nagliliyab sa pagnanasa ang kanilang mga halik. Dahan-dahan ay hinubad ang damit ng dalagita habang umiinit ang bawat halik sa leeg ng nobya, lalong tumaas ang libido ng pari ng maamoy ang samyo ng pabangong “BVULGARI”,  ramdam ng dalagita ang lagablab ng pananabik ng nobyo at nilalaro ng kanyang daliri ang dibdib, hinahagilap ang kiliti ng kasintahang pari. Samantala ay walang tutol mahubaran, nagpaubaya sa nais ng nobyo, lumantad ang maputing dibdib, umiinit sa matinding kaligayahan habang ginagapangan gn malikot na dila ni Alejandro, bahagyang humalinghing, nararamdaman ang haplos sa kanyang pagka-babae at mga namumulang utong ay kimikiliti ng dila.
Marahang hinubad ng kanyang mga kamay ang suot na sutanan ng nobyo, ang sutanang kinakastigo ang ang pagnanasa sa alindog ni Catherina, mapangahas iginapang ang dilang malambot sa nakahubad na dibdib ng pari, habang basang-basa ang pagka-babae sa mapag-larong mga haplos, sabay nilang hinubad ang pantalong manipis na kanyang suot, tila walang kahupaan ang nagliliyab nilang pagmamahalan. Ipinatong ang hubad niyang katawan  sa nobyo, niyuyug-yog, muling humalinghing ng kusang pumasok ang naninigas na pag-ibig sa loob ng kanyang pagkababae hanggang sa sumambulat sa tugatog ng kasiyahan ang kanilang nararamdamang pag-ibig, mistulang isang larawang iginuhit ng suriyalistang pintor sa kanbas ng orgasmo, tanging kanilang kamalayan lang ang nakaka-unawa.
Maliban sa mga halinghing sa gitna ng kanilang pag-iibigan ay mapanukso ang katahimikang bumabalot sa kapaligiran, nagbihis si Catherina pagkatapos marating ang tuktok ng makasalanang kasiyahan, nilalapastangan ang banal na pook. Lupaypay si Alejandro sa ligayang nararamdaman na kailanman ay hindi ginusto, batid niya ang sinumpaang banal na obligasyon ngunit ay naging biktima ng nakaka-lasong pag-ibig, sadyang kay hirap matakasan.
“ Naimbitahan ako ng bago kong guro sa isang art exhibiton na ginaganap sa Ristorante Classica Chavacana.”
Kanyang paumanhin sa nobyo, binasag ang katahimikang namuo, sinusuot ang manipis na pantalon.
“ Ako rin ay naimbitahan ng isa sa aking mga estudyante na lumahok din sa art exhibiton, pero sa wari ko ay hindi ako makakapunta, magiging abala ako bukas sa pag-aayos  ng mga papeles, baka sa susunod na taon ay kakalas na ako sa pagpa-pari.”
Banggit niya, mahina ang boses, pagod, tinutulungang mag bihis ang nobya.
“Siguro ay hindi papayag ang iyong Mama sa iyong plano.”
Salita ng dalagita, tono ay nagulat sa pasya ng nobyo, batid niyang napilitan lamang si Alejandro sa pagpa-pari dahil ayaw nitong suwayin  ang kagustuhan ng ina, kapalit ay ang kalayaang lumigaya.
“ Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin na para bang kay bigat dalhin ang sakit na aking nararamdaman, mismo ang ating ginawa ay labag sa aking banal na sinumpaan sa harap ng sagradong dambana.” Kanyang bigkas, garalgal ang boses, biglang pumatak ang mga luha, tumatangis sa karupukan. Ini-isip sana noon pa man ay sinuway na ang ina, hindi na sana nagka-sala tulad ng kasalanang kinasasangkutan.
“ Tahan na, marahil ay mau-uunawaan ng iyong Mama ang iyong maging pasya kung maigi mong ilatag ang paliwanag ng iyong plano.”
Malambing ang pagka-sabi, pilit maibsan ang bigat sa kalooban ng paring umiiyak sa balikat ng dalagita,patuloy sa paghihinagpis, iniiyakan ang nalalamang siya ay isang alipin ng mahiwagang alindog ni Catherina.
Marahil ang alindog ay sadyang nilikha para masukat ang pagitan ng karupukan at katapatan, mabisang sandata ng mga Eva para tuluyang maalipin ang mga Adan. Subalit ang mga nilalang na hindi tumutugon sa sekswal na pangangailan ay yaong  mga madaling kumamit ng karumal-dumal na krimen laban sa kapuwa, yaong mga nagdurusa sa walang hangganang pagdadalamhati sa loob ng selda ng matinding kalungkutan. Sapagkat ang seks ay mekanismo para mapapanatili ang katinuan ng mundo, siguro ang tao ay hindi nanggaling sa mga unggoy ayon sa ebolusyon kung hindi ay  nanggaling sa mga kunehong mahihilig sa seks.

Inikot muna ng dalagita ang paningin ng marating ang labasan ng Cathedral, hindi nahalata ang kotseng itinabi sa bahaging madilim ng bakod, tinungo ito, nadatnang natutulog, nakayuko sa harap ng manibela si Senyora Natividad, kinatok ang naka-saradong pintuan, biglang nagising ang mayordoma, masinsinang tiningnan ang kumatok, binuksan ang pintuan ng malamang si Catherina.
Marahang pina-andar ang lumang kotseng Mercedes Benz matapos maisarado ng dalagita ang pintuan, binabaktas ang lubak-lubak na kalsada, umaalog-alog ang loob, tila ay isang kalesang hinihila ng nagwawalang kabayo. Ang bawat sulok ng kalsada ay ang mga mababahong esterong naging imbakan ng mga basura sa likod ng malaking karatulang may nakasulagt na “ BAWAL MAGTAPON NG BASURA!” Sa madaling salita ay talagang sinasadya ang delubyo ng pagba-baha tuwing darating ang tag-ulan dahil natatakpan ang labasan ng tubig. Kapag babahain ay saka babatikusin ang gobyerno an gang may kagagawan ng suliranin ay ang mismong mga bumabatikos. Ang salungat ng esterong sira-sira ay ang dumadaming  iskwater dulot ng katamaran, kakulangan sa tirahan at trabaho, kurapsyon at ang hindi mapigilang pag-lobo ng populasyon. Ang mga kababaihang naka-istambay sa kanto ay nagpapa-ligsahan ng bunot-bunutan, nagha-hatakan ng mga kliyente, kumakapit sa patalim ng prostitusyong makakapag-ligtas sa kanilang kaluluwang nalulunod sa mabulateng kanal ng gutom.
Binilisan ng mayordoma ang pagpapa-takbo ng kotse, nangilabot  sa nikatang bangketang pinupugaran ng nagra-ragbing mga batang laging sangkot sa mga krimen, mga biktima ng iresponsableng mga magulang, ini-isip lang  ang kaligayahan sa ibabaw ng kama ngunit nakalimutan ang riyalidad na ang lilikhain ng kanilang orgasmo ay tao.
Hindi namalayan ni Catherina, abala sa pagpi-pindot ng dalang cellular phone, na itinabi na pala ng mayordoma ang kotse sa gilid ng cafeteria na mismong tapat ng restoran.Sa labas ay ang mga tindahang maliliit ng mga huwad na gayumang may masangsang na amoy, sa halip na makapag-halina ay makapag-aburido. Tindahan ng mga walang bisang talisman, mga kinakalawang na mga karayom, itutusok sa balat, pangontra sa kulam pero sa tetano, ikaw ay mamamatay din at mga mapanghing tuyong bituka ng mga paniki laban sa sumpa ng mga asuwang.
Sa loob ng cafeteria ay nilalagok ng mga bigong makata ang pait ng kapeng espresso, sinpait ng riyalidad kung saan ay nawawalan ng kabuluhan ang bawat kataga sa tula. Sa kabilang sulok ay ini-inom ng mga nababaliw na pintor ang maaligamgam na tubig, inaakalang  “hot choco”, kalian lang ay napalayas ang mga ito sa isang mental asylum dahil mas lumubha ang pagka-baliw ng mga baliw sa loob, ang iba ay nag-amok, nag-huramentadong pilitin nila ang mga ito na tukuyin ang kaibahan ng kababalaghan ng suriyalistang larawan ng diyosang si “ Athena” sa sumpa ng abstrak na larawan ni “ Maria Makiling.” Sa salungat na bahagi ng sulok ay naroroon ang mga dekadenteng aktibista, nagpapa-sarap sa burges na kapeng cappuccino, hanggang ngayon ay isinisisi pa rin ang kabiguan ng rebolusyon sa mga rebisyonista, ang totoo ay nawawalan ng halaga ang kanilang ideolohiya sa rumaragasang adhikain ng mga hacker sa mga cafeteria ng internet shop. Sa mas madilim na sulok ay naroroon ang mga nagkukunwaring doktor pero ay mga nakakatakot na mga aborsyonista. Ang higit na mas mapakla ay naroon ang mga nagpapanggap na “ CHEF” pero ay hanggang prito lang ang nalalaman.
“ Andito na po tayo senyorita!” Paalala ng mayordoma, lubusang pinahinto ang andar ng makina ng kotse, nakaprimera ang kambyada.
Agad  napa-hinto sa pagpi-pindot ng cellular phone ang dalagita, pinagmasdan muna ang buong kapaligiran.” Ambilis naman yata nating dumating!” Sambit niiya, nagtataka pero ay marahang binuksan ang pintuan ng kotse.” Mabagal nga ang pagpa-takbo ko, hindi mo lang namalayan dahil abala ka kanina.” Bigkas ng mayordoma, tinungo ang dalagita at saka inakbayan, sabay tinungo ang restoran.
Bago sila pumasok sa restoran ay pinag-masdan muna ni Catherina ang pintuang katulad ang disenyo sa konseptong ginamit ng Florentinong pintor na si Lorenzo Ghiberti sa obra-maestra niyang “ Bronze Doors.” Nakaukit sa pintuang narra ang mga intrikadong larawan ng mga kuwentong hinango sa sagradong Bibliya. Binasa rin ng dalagita ang tula sa wikang chavacano, isinulat sa kuwadrado, ikinabit sa gilid ng pintuan, mismong kinatha ni Giovanni Santorino bago lumuwas patungong Israel, medyo malalim ang mga katagang ginamit, subalit ay kay tamis tingnan.
                                                         



                                                 Tristeza de madrugada:
                                                 Una poema desde profunidad del mi Corazon:
                                                 Giovanni Santorino

Veinte y dos pasado dde la una del madrugada,
Cuando el luz de la luna es mas arde que ante noche,
Solamente el luz del mi alma bajo de oscuridad,
Ta espera con de tuya presencia,
Ahorra hasta siempre,
Con amargura,
Con suffrimiento,
Dentro del cuarto frio,
Como un mil anos de tristeza.

En caso y por caso,
Se puede,
Volve te amor mio,
Otra vez dentro del mi Corazon,
Un Corazon sin direccion.

Pero donde tu amor mio,
Madrugada ya,
Cuando el cada beso del viento mas frio,
Como un imperdible del mi hueso,
Cuando mas frio el cada lagrima del sereno,
Como un caliente hielo na mio pellejo,
Ta dale temblor na mio espina.

Hasta cuando espera mi Corazon na dolor?
Ta espera con el calor del tuya sonrisa,
Por cuanto tiempo?
Hasta ahorra yo siempre ta tiene esperanza,
Con el calor del tuya amor verdadero.

Volve amor mio,
Otra vez abajo na calor del mi labio.


                                                  Kalungkutan sa madaling araw:
                                                  Isang tula mula sa kaibuturan ng aking puso:
                                                  Giovanni Santorino

Pasado dalawampu at dalawa ng ala-una ng madaling araw,
Kailan ang sinag ng buwang mas maliwanag kaysa kagabi,
Tanging ilaw ng aking kaluluwa sa lilim ng kadiliman,
Naghihintay sa iyo,
Ngayon at magpa-kailan man,
May pait,
May pagdurusa,
Sa loob ng malamig na silid,
Parang libong taong nalulungkot.

Kung mangyayari,
Kung puwede,
Umuwi ka na aking mahal,
Sa loob ng bahay ng aking puso,
Ang pusong nawawalan ng hangarin.

Pero ay nasaan ka aking mahal?
Madaling araw na,
Kung kailan ang bawat halik ng hangin ay kay lamig,
Parang karayom sa loob ng aking buto,
Kung kalian ay mas malamig ang patak ng luha kaysa hamog,
Parang yelong mainit sa aking balat,
Niyayanig ang buto sa aking likuran.

Hanggang kalian maghihintay ang aking puso sa hapdi?
Naghihintay sa init ng iyong ngiti,
Ilang sandali pa ba?
Hanggang ngayon ay  uma-asa,
Sa init ng iyong wagas na pag-ibig.

Umuwi ka naaking  mahal,
Ulit sa lilim ng mainit kong labi.

Tumayo pa rin siya sa harap ng pintuan, tumango, nagustuhan ang mga malulungkot ngunit ay matatamis na mga katagang inukit sa tula. Biglang nakaramdam ng kawalan si Catherina, parang lumilitaw ang kanilang pag-iibigan ni Alejandro sa ulap ng matinding takot, animo ay mga dagang nagtatago sa lungga, walang kalayaang maangkin ang isa’t isa na walang nararamdamang kilabot, laging nagkukubli sa belo ng lihim, pero hanggang kalian itong magiging lihim sapagkat ang lihim ay niyari para mabunyag.
Marahang itinulak ng mayordoma ang pintuan, sabay pumasok, marahang naglalakad sa gitna ng maraming panauhin, pero ay nahirapang mapasok ang gitna ng restoran dahil sa kapal ng mga taong nano-nood ng matagumpay na art exhibition.karamihan ay mga negosyante, bibilhin ng mas mura ang nagustuhang sining-pinturang may panibagong adhikain at pagkatapos ay ibibenta sa mga kolektor sa Maynila ng mas mahal ang halaga, ang ibang panauhin ay mga interior designer, nanghahagilap ng bagong ideya at kulay mula sa kanbas ng mga bagong pintor.
Habang pinipilit nilang pasukin ang gitna ay may biglang tumapik sa likuran ng dalagita, kaagad niyang nilingon. “ Kumusta Miss Catherina Beatriz de Figueroa? Salamat at nagpaunlak po kayo sa aking imbitasyon at matiwasay niyong narating ang art exhibition.” Maginoong bati ni Charlie Esquivel, nginitian ang dalagita, saka kinamayan.” Kumusta din po Senyora Natividad?” Bati rin sa mayordoma pagkatapos mahalikan sa pisngi si Catherina. “ Mabuti naman po hijo, salamat sa iyong imbitasyon, tagumpay ang art exhibition, isang karangalan para sa Ciudad de Zamboanga.” Magalang ang sagot ng mayordoma at ngumiti. “ Halikayo at may ipapakita po ako sa inyo.” Magalang din ang paanyaya ng binata, hinawakan ang kamay ng dalagita, ginagabayan patungo sa isang sulok sa kaliwang bahagi ng pintuan. “ Wow! Ang galing at ang husay naman niyan!”  Bigkas ng dalagita, tinig ay namamangha, ikot ng mga mata ay hindi makapaniwala sa harap ng sining-pintura ng binata. Sa kalahating bahagi ng pinatuyong balat ng baka ay iginuhit ang bangis ng bagyong dumapo sa Ciudad de Zamboanga, dinurog ang mga bahay, tinangay ng baha ang mga bangkay pati na rin ang mga pangarap, nagmistulang isang impiyerno ang  bawat kalsadang dinaanan ng malagim na delubyo. Ang kalahating bahagi ay idinikit ang abo ng mga natupok na bahay dulot ng walang kabuluhang digmaan ng mga nalinlang na mga MNLF, ang adhikaing binulag ng kasakiman sa salapi laban sa kawal ng pamahalaan. Sa ibabaw ng abo ay idinikit rin ang mga nasunog na mga plastik, mga kutsarang may magagarang kulay at mga butas-butas na damit na tinamaan ng bala.Maayos ipinagtagpi-tagpi , nagdulot ng isang rebolusyonaryong sining, mungkahi ay muling gunitain ang kabuluhan ng kaugaliang “ BAYANIHAN” sa gitna ng kalamidad at kapayapaanpara sa lupain ng Mindanao. “Salamat!” Wika ni Charlie. “ Iyan sana ang nais kong maibahagi sa iyo.” Muling nagsalita ang binata, tumango-tango ang mayordomang panay ikot ang mga mata sa buong restorang itinatag sa konseptong “ Neo-Classical”, ngunit ang larawan sa likod ng “counter” ay may kaluluwang kyubismo ni Pablo Picasso. “ Fine with me, it is worth sharing naman.” Malumanay ang pagka-bigkas ng dalagita, nais pa sanang magasalita ngunit ay biglang naputol ang usapan ng  marinig ang malakas na boses ni Chef Angelo Santorino sa likuran nila. “Well!Well!Well! Buenas Noches a todo” - “Magandang Gabi sa lahat”- Sa wikang Tagalog, Magiliw ang kanyang pag-bati. “ I am overwhelmed, surprised, andito pala ang Unica Hija ni Don Miguel Gabrielle.” Muling nagsalita, tono ng boses ay tenor at bilugan, nakasuot ng kulay azul na polo , nakamaong. “Magandang Gabi din po tito Angelo!” Marangal na pag-bati rin ni Catherina, kaharap si Chef Angelo. “Que Hermosa!” – “ Napaka-ganda”- sa wikang tagalog. Kanyang mga kamay ay nakahawak sa magkabilang balikat, nginitian muna bago niyakap ng mahigpit ang dalagita. “ Kumusta na ang iyong Papa hija?” Matipid na tanong pagktapos mahalikan sa pisngi si Catherina. “ Mabuti naman po si Papa, masyadong abala sa pagpapangasiwa sa Hacienda.” Kaswal na sagot kay Chef Angelo. “ And since na andito na kayo, mas maigi kung maimbitahan ko kayo sa aking mesa, kahit kape lang dahil mas lumalalim na rin ang gabi, come with me!” Kanyang paanyaya, sumunod na rin sila patungo sa mesa, numinipis na rin ang bilang ng panauhin, napansin ni Charlie na mas maraming sining-pintura ang nabili kaysa nakaraang art exhibiton maliban sa kanyang sining-pintura na sadyang ayaw niyang ibenta kahit maraming gustong bumili. Naniniwalang ano man ang pigurang inilagay o ipininta sa kanabas ay iginuhit ng ekspresyong ng kanyang kaluluwang hindi kayang tumabasan ng salapi.
Halata sa hitsura ni Chef Angelo ang dugong kreyoleng chavacano, prominente ang tangos ng ilong sa maputing mukha, brunette ang buhok, mistulang naghahalo ang kulay ginto at itim sa bigote at balbas, mahilig mag-biro, masayahin ngunit ay pino ang galaw.
Marahang hinila ang dalawang magkatabing upuan para kay Catherina at sa kasamang mayordoma ng marating nila ang mahabang mesa. Pagkatapos ay umikot, tinungo ang upuang katabi si Charlie, kaharap nila ang dalawang babae. Lumingon ng sandal, marangal na tinawag ang isa sa mga servidora, magalang ding inutusang magdala ng 4 na tasitang kapen espresso at 4 na pirasong “pastillas de avocado” sa kanilang mesa. Tahimik nakaupo si Charlie, kreyoleng chavacano rin, ngumingit ang isipan habang binabasa ang menu ng restoran,natutuwa sa mga tituolng ikinabit sa mga pagkain, ang “gambas al ajilo” ay naging  “salsa de amor”, ang “ spaghetti alla carbonara” ay naging “ whitelady sauced pasta”, ang “fettuccine alla bolognaise” ay naging “ fettuccine con pura sangre de maria” at ang mas naka-kiliti ay ang “pasta alla puttanesca” ay naging “bugaw-bugaw delight.”
“Kumusta ang negosyo ng iyon Papa hija? Tumawag si Giovanni sa akin noong isang linggo, muli na namang sumiklabang digmaan sa gitnang silanga, ang pangalawang “intifada.”  Bahagi ng kanyang “thesis” sa kursong photo-journalism ang kunan ng mga litrato ang naka-kilabot na pagmumukha ng digmaan sa Israel.”
Kaswal ang pangungumusta pagkatapos mapunasan ng mabangot at namamasang tissue paper ang dumikit na kapeng espresso sa bigote, hindi nilagok lahat ang laman sa loob ng tasitang itim, higit pa sa nangangalahati ang natira. Marahang kinatok-katok ng mga daliri ang hapag ng mesa at muling nagsalita, “Aking ikinaba-bahala ay tiyak tataas ang presyo ng langis, siguradong tataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, ang dulot ay krisis sa ekonomiya. Sa gitna nito ay pilit magti-tipid ang bawat pamilya at hihina ang kalakalan ng aking restoran.” Marahang dinampot muli ang tasita, ikot ng mga mata ay nababahala sa magiging epekto ng digmaan sa gitnang silangan, at hinigop ang kape.
Napansin ni Catherina ang biglang pagiging seryoso ni Chef Angelo na bakas sa bawat guhit ng mukha na kanina lang ay masayahin. Walang imik ang mayordoma subalit ay nakabukas ang isipan at tenga, batay sa galaw ng mga kilay ay sang-ayon sa pananaw ni Chef Angelo, nauunawaan ang mapaklang riyalidad na hinuhubog ng langis, parang lahat yata ng hibla ng lipunan ay nababatay ang presyo ayon sa pandaigdigang presyo ng langis, iyang ay napaka-pait.
“ Hindi rin yata mabuti ang lagay ng negosyo ni Papa tito gawa na rin marahil na tumaas ang freight charges para sa ikinakargang copra sa mga barko o ano mang uri ng transportasyon pero ang kabaliktaran ay bumagsak ang presyo ng copra sa pandaigdigang kalakalan sa halip na tumaas, nakausap nga ako ni papa tungkol sa digmaan kaya ay sumasakit din ang kanyang ulo.” Kuwento ng dalagita pero naniniwalang nararapat lamang makipag-digma ang mga Israaelita para ipagtangool ang karapatan nilang mabuhay at mamuhay ng mapayapa, mas masarap pakinggan ang mamatay na nakikipag-laban kaysa malagutan ng hininga na tumatakas sa maka-buluhang digmaan na ang naka-salalay ay ang mga pangarap ng lahi. Nabubuhay si Catherina na ang mga paa ay naka-apak sa sariling prinsipyong pinaninindigan, ang buhay ay binubuo ng mga pakikibaka, ang sinomang walang takot sa kamatayan ay yaong mga nagwawagi. “Marahil ay dulot ng globalisasyon ng pandaigdigang kalakalan kaya kung sisipunin ang gitnang silangan ay lalagnatin ang buong mundo at kay hirap maiwasan dahil noon pa mang kapanahunan ng mga konkistador ay nasa antas na ng globalisasyon ang pandaigdigang merkado.” Itinaas ang dalawang kamay na nakatihaya sa ere ang dalawang palad habang nagsasalita. “ Dahil na rin sa mga nilalang na sadyang nilikha para makipag-ugnayan sa kapuwa dulot ng pangangailangan, upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan ng madalian ay lumikha ng mga paraan kung kaya ay umunlad ang komyunikasyon, teknolohiya at transportasyon, mga makabuluhang sandata ng globalisasyon at ang dulot ay hindi mapigilang digmaan.” Muling bigkas, nagpapaliwanag ng punto de vista, nilagok ang kapeng tantiya ay lumalamig,muling ibinalik sa mesa, said na said ang laman, hindi na rin hinaluan ng asukal dahil ang kanyang adrenalin ay sumusigla sa pait na nalalasahan at nararamdaman. Sa isipan ay naglalaro ang mga cynical na pananaw, ikinukubli at ibinurol sa ilalim ng kamalayan, ang globalisasyon ay katulad ng hangin, mararamdaman mo muna bago malalaman na andiyan na pala siya sa iyong tabi, mas masahol pa kaysa mikrobyo, papasok muna sa iyong katawan bago mo malalalman na ikaw pala ay dahan-dahang pinapatay, parang si kamatayan na tatabi sa iyo ng hindi namamalayan pagkatapos ay malalaman sa bandang huli, ang lahat ng sa iyo ay kanyang aangkinin. Ngunit ay higit na mas malambing kaysa isang sepulturerong manyakis , gagahasain muna ang iyong bangkay bago ibaon sa lupa kahit pa man ang iyong pangalan ay nakalimutang ilagay sa lapida. Katulad ng isang nakilalang nanaksil na tsinoy, patitirahin na at papakainin pa, ina-abuso ang iyong kagandahang asal, namboboso pa, ngunit ay huling nalaman, kaban ay kanyang ninakaw, limas na limas.

“ Para mo na ring sinabi na kung walang globalisasyon ay walang digmaan at kung walang digmaan ay walang globalisasyon.” Konklusyon ni Chef Angelo.
“ Iyan nga ang ibig imungkahi ni Catherina, ang globalisasyon at digmaan ay laging magka-tabi, hindi mangyayari ang isa kung wala ang isa.”  Matipid ang bigkas ni Charlie, sang-ayon sa punto ng dalagita, ang karisma ng kanyang mga galaw ay mas lalong nasisinagan ng mga lamparang sa gitna ng mga inadobeng poste.
Hindi man tiningnan ni Chef Angelo ang relo ay napapansing lumalalim na ang gabi. “ Well, it is my pleasure na andito kayo at tinatalakay ang makabuluhang pangyayari, but sad to say, it is just time for us to separate our ways. Let us call this night, a night of our own and thank you very much guys for coming.” Sunod-sunod ang pagsalita ni Chef Angelo, nag-paalam, nag-paumanhin at nagpa-salamat sa mga panauhing kaharap, tumayo, tinungo ang dalagita at  hinalikan sa pisngi. “ Adios hija!” –“Paalam hija!”- sa wikang tagalong, kanyang bulong kay Catherina, “Bye guys!”, paalam niya sa kay Charlie at sa mayordoma, ngumingiting nakatayo sa likuran ng dalagita.” Paalam din po sa inyo Senyor at maraming salamat din!”  Bigkas ni Senyora Natividad, tumayo, tinungo at kinamayan si Chef Angelo. “ Maraming salamat sa kape mong lalong bumabango!” Wika ni Charlie. “ Walang ano man hijo!”  Sagot ni Chef Angelo, hinalikan sa pisngi ang guro bago tinungo ang kusina para utusan ang mga trabahador mag-ligpit at mag-sara ng restoran.

Halos maghahatingigabi, lalong lumalamig ang dumadapong hangin mula sa kabundukan ng Abong-Abong, kahit patay ang buwan ay matatanaw nag dalawang punuang niyog sa magkabilang kalsada patungong Mansion de la familia Figueroa, dahan-dahang nagmamaneho si Senyora Natividad papunta sa nagmimistulang yungib sa mismong paanan ng kaliwang torre ng mansion, sa loob ng yungib ay lubusang inihinto ang andar ng makina, sabay-sabay binuksan ang pintuan at lumabas ng kotse, nana-natiling nakatayo si Catherina, tinungo ng mayordoma ang naka-sementong aparador, kumuha ng kumot, binalutan ang buong kotse.

“Good night po senyora!” magalang na pamamaalam ng dalagita sa mayordomang kinikilalang pangalawang ina ng marating nila ang sala, hinalikan sa pisngi ang matandang dalaga. “ Hmmmm! Di ba sabi kong hindi pa ito ang wakas ng pag-iibigan ninyo ni Padre Alejandro! Goodnight din sa iyo senyorita!” Mabilis ang bigkas, mahina ang boses, tinig ay napaka-baba, halos ay parang bulong, ayaw magambala ang natutulog na mga magulang ng dalagita. “ Maraming salamat Senyora at patuloy mong ginagabayan ang aming pagmamahalan.” Wikang hindi nauunawaan kung ito ba ay tamang gabay o isang kamaliang maglulugmok sa kanyang kaluluwa sa paanan ni Lucifer. “ Walang ano man hija, gagawin ko ang lahat para sa iyong ikaliligaya.”  Pangakong binulag ng sobrang pagmamahal sa inaangking anak, ang pagmamahal na itinutulak ang dalagita tungo sa trahedyang hahagupitin ang mga buhay nila ng mala-impiyernong kalamidad, niyakap ang dalagita ng mahigpit . Ang mga pintig ng puso ay sumisigaw na ang mundo niya ay tanging umiikot  sa dalagita, kanyang minahal na higit pa sa sarili, handang ipagtanggol hanggang kamatayan dahil alam niya na kung sakali ay mawalay sa kanyang piling si Catherina Beatriz de Figueroa ay kanyang ikababaliw at ang mas masaklap ay kanyang ikamamatay. Talagang malinaw, ang mayordoma ay nilalabag ang batas ng moralidad, marahil ay wala sa kanyang bokabularyo ang kahulugan ng moralidad, ang nais lamang ay mabigyan ng kasiyahan ang dalagita ng hindi nakikita ang kulay ng tama sa mali na parang sining-pinturang nilalabag ang lahat ng batas para sa pansariling kaligayahan ng isang pintor.

Matapos mahlikan sa pisngi ang dalagita ay agad pumunta sa loob ng ng kanyang sariling kuwarto ang mayordoma, bawat hakbang ay pinong-pino, ini-iwasang makalikha ng tunog sa ibabaw ng muebleng sahig, tiningnan muna ni Catherina ang tuluyang pagsasara ng pintuan ng matandang dalagang pagod na pagod bago umakyat, marahang naglalakad patungo sa kuwarto.Naghubad ng damit bago pumasok sa banyong nasa mismong loob ng silid-tulugan, maliit man ang banyo ngunit ay napaka-linis dahil sa mismong kagustuhan ng delikadang dalagita, maiging hinugasan ng maaligamgam na tubig mula sa shower ang buong katawan, pilit tinatanggal ng sabon ang dumidikit pa ring amoy ng mga halik ni padre Alejandrosa kanyang dibdib, marahang hingusan pati ang kanyang laman, pakiramdam ay nasa loob pa rin ang kasintahan.
Pagkatapos mahugasan ang buong katawan ay inanod ng tubig ang marumi at makasalanang nakaraang ang-uunahang pumasok sa matabang tubong nakadikit sa maliit na butas ng sahig patungo sa impiyernong septic tank. Lumabas ng banyo, nakatapis, tinungo ang naka-bukas na aparador at nagbihis ng damit pantulog. Agarang pumunta sa higaang may nanunuksong kutsong malambot, sa halip tumalon sa ibabaw ay binuhat, makapal at malapad, minasdan ang bandang gitna, inilagay ang kamay, may hinahagilap ang mga daliri, hanggang madukot ang librong “ kuwaderno ng tadhana” mula sa ligtas na pinag-taguan. Dahan-dahang isinauli ang kutson sa dating lugar, inayos muna ang mma malalambot na mga unang may mahaba at bilugang hugis, nahiga, binalutan ng manipis na kumot ang kalahating katawan, mula paa hanggang dibdib.
Nagbasa, hinayaang maglakbay ang isipang hinugot ng kamalayan ang tungkol sa mahiwagang “ Banga”, makabuluhang bahagi sa kasaysayan ng kanilang angkang ina-anod sa ilog ng mahaba at malalim na tradisyon. Napalingo, napahinto ng sandal, napa-isip ng medyo malalim, inugnay, inihalintulad ang “Banga” sa mga dakilang propetang nakikita ng kanilang paningin ang magaganap sa hinaharap.
Muling nagpatuloy sa pagbabasa, pinabayaan maiburol ang kaisipan sa tamis ng mga talatang isinulat sa malulungkot na kabanata, nabigla sa natuklasan, siya ay may dugong hudyo tulad ni Christopher Colombus, ang konkistador na nakadiskubre sa kontinente ng Amerika, ang bagong mundo. Agad naisipan at naunawaan ang dahilang kung bakit ang lahat ng mga pangalan ng kanyang mga abuela at mismong kanyang pangalan ay laging kinakabitan ng “ Beatriz.” Ang lalong pinagtatakhan ay ang aparisyon mula sa mahiwagang “Banga”, biglang nanindig ang kanyang mga balahibo sa batok, parang may dumapong malamig na hangin sa balat, animo ay isang multo. Sa siglong 1600 pa lamang ay nahulaan na ng “ Banga” ang tuluyang pagbagsak ng kaharian ng Espanya sa taong 1898 laban sa itinatag na bansang Estados Unidos sa kontinente ng Amerika, itinatag ng mga europeyanong itinataguyod ang adhikaing kalayaang huhubugin ang buong sanlibutan. Mga europeyanong tumakas sa kontinente ng Europang pinapamamahalaan ng mga diktador, nagdulot ng madugong digmaan, malawakang kahirapang sanhi ng kawalan ng opportunidad at persekusyon sa pinapaniwalaang relihiyon.
Lalong ginaganahan si Catherina sa binabasa, hinayaang dumapi ang malamig na hangin sa pisngi, isipan ay nagkakaroon ng masturbasyon-intelektwal, mga ideyang nagpapaligsahan sa sahig ng kanyang kamalayan, nagbigay ng konklusyon ayon sa mga nabasa.” hindi maiwasang babagsak ang kaharian ng Espanya ng palayasin ng Korona  ang mga hudyong malaki ang nai-ambag sa larangan ng agham, ekonomiya at teknolohiya, ito ay katumbas ng pambansang pagpapa-tiwakal. Hindi nauunawaan ng mga hari ang mga makabuluhang nai-ambag ng mga hudyo, hindi lang sa Espanya kung hindi ay sa buong sangkatauhan, tulad ng sampung utos ni Moses, batayan ng batas-moralidad ng bawat sibilisadong lipunan at importanteng elemento ng demokrayang pinapahalagahan ang karapatang  pantao. Marahil sa panahong iyon kung kalian ay rumaragasa sa kaisipan ng mga kristiyano ang matinding fanatisismo kung kaya ay nararapat burahin sa kanilang lupain ang mga taong mayroong ibang paniniwala bukod sa katolisismo” Bulong ng isipan, nagbuntong-hininga at nahugot ang pangalan ni Hesus Kristo, ang mesayang nawika ng kabuluhan ng “ PAG-IBIG” sa kapuwa, ang nagtatag ng pundasyon ng makabagong pandaidigang sibilisasyon.
Muling nag-isip, naalala ang dakilang may akda ng “ Communist Manifesto”, mula sa angkan ng mga Rabbi, ang kinathang teoriyang komyunismo ay mas marami pang pinaslang kaysa bomba atomika, hinati ang mundo sa dalawang magkaka-tunggaling paniniwalang demokrasya laban sa komyunismo, hanngang sa humantong sa nakaka-takot na banta ng “Cold War”, muntik mabura ang lahing tao sa ibabaw ng mundo.
Maliban  kay Albert Einstein, Alfred Nobel at Sigmund Freud ay marami pang mga hudyong may mga adhikaing napapakinabangan ng buong mundo para sa ikakaunlad ng isipan, mga pangalang bumabalik at umaalis din sa kanyang isipan, napangiti , kung sakaling isinulat ang mga pangalan at mga karanasan ng mga ito sa mga pahina ng “ Kuwaderno ng tadhana”, tiyak ay kukulanging ang kanyang buong buhay sa pagbabasa.
Sandali ay bumangon, inikot ang paningin sa ibabaw ng kama, iniluklok sa ilalim ng kumot ang kamay, nadakma ang maliit na unan, ipinatong sa ibabaw ng malapad na unan, muling nahiga, nagpa-tuloy sa pagbabasa, hinayaan gumapang ang isipan sa mga titik na sinluma na ng mga ukit sa antigo at mahiwagang “ Banga” na parang may buhay, kaluluwa at multo. Biglang natulala sa nasaksihan, minamartilyo ang utak, muling nanindig ang mga balahibo, hindi dahil sa lamig kung hindi ay dahil sa madugong pangitain mula sa “Banga”, noon pa man ay nakita na ang karumal-dumal na pagpaslang sa mga hudyo sa loob ng mga kampong konsentrasyon ng mga “NAZI”, mga alipin ng desperadong Adolf Hitler, ang diktador na ang puso ay punong-puno ng galit laban sa kapuwa at sa sarili, ang salitang “PAG-IBIG” ay tila walang puwang sa giwang ng katinuan.
“ Tsk! Tsk! Tsk!” Banggit ng labi, nadukot na isipan sa pahina ng ala-ala ang tunkol sa pelikulang napanood, makasaysayan at makatotohanan, ang “ Shindler’s List”, hindi lubos maisip, ang isang sibilisadong bansang Alemanya ay biglang nag-asal hayop dulot ng matinding galit, walang kahupaang galit, tuluyang humantong sa Genocide. Ang malagim na krimeng tanging hayop lamang ang puwedeng gumawa, kungsabagay ay mawawalang ng kaibahan ang tao sa hayp tuwing nawawala sa isipan at puso ang dakilang “ PAG-IBIG.” Hindi namalayangdumaloy ang mga luha sa pisngi, nasasaktan ang damdamin sa tuwing sasagi sa isipan ang sinapit ng mga batang hudyo sa mga berdugong kamay ng mga sundalong binulag at nilason ng adhikaing “ NAZI”, nababaliw sa kasinungalingan at panlilinlang.
Pinunansan ng palad ang mga luha sa pisngi hanggang sa matuyo, tiningala ang bubungan, ipinatong sa dibdib ang librong “ Kuwaderno ng tadhana”, napag-isipang marahil ay isang intstrumentong brutal ng kasaysayan si adolf Hitler para sa katuparan ng isang pangakong muling magsibalikan ang mga Hudyo mula sa apat na sulok ng mundo patungo sa ipiangakong lupain ng Judea sa lilim ng tapat na paniniwala sa iisang Diyos.
Sandaling lumingo-lingo, naniniwalang laging kakambal ng mga hudyo, kanyang kalahi, ang malagim na kranasang inukit sa madilim nilang kasaysayan ngunit sa kabila ng mga ito ay milgrosong naitatag muli ang bansang Israel, muling pagkabuhay ng wikang Hebreyo at habang-buhay din silang kamumuhian, araw-araw ay makikipagdigmalaban sa mga arabong umaapaw ang galit.
Hindi alintana ni Catherina ang hampas ng mga alon sa dalampasigang may dalang liham ng bagong pag-asa, unti-unting bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata, tuluyang dinukot ang kaluluwa ng mahimbing na tulog.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento