Huwebes, Enero 2, 2014

IV =ANG PAGLALAKBAY

                                                                    IV
                                                 ANG PAGLALAKBAY



D: Ang paglalakbay
   Enero 18, 1633
   Desde Sevilla con lagrimas ( Mula Sevilla na dala ay mga luha)

Deciembre 15, 1632,  bumuhos ang malakas na ulan, niyanig ang nadudurog kong buhay sa harap ng nitso ng aking lolang pinaka-mamahal,ibinurol din sa loob ng mawsoleyum de la familia Castellano, katabi ng aking lolong magiting at inang hindi man lang nasaksihan ang aking pag-dadalaga. Pagka-tapos magsi-uwian ang mga nakiramay ay naghiling ako sa langit, sana ay bumuhos ang ulan ng mas malakas, tuluyang lunurin ang damdaming nagdadalamhati sa matinding pag-luluksa. Saharap ng nitso ay ibinuhos ko ang lahat ng mga luha, pinapaliguan ang nagkukulay dugong mga rosas. Nararamdaman ay mabigat na mabigat, puso ay parang tinutuhog ng mga kulog at kidlat. Hindi matanggap ng nagmamanhid kong isipan ang isang sana, sana ay maligayang pinag-saluhan ang Noche Buena kasama si lola, ngunit heto ako ngayon, nilulunod ng nakaka-iritang kalungkutan.
Hinampas ko ang pintuan ng mawsoleyo sa matinding poot, namuo sa dibdib ng sobrang galit, galit nag alit sa natamong hindi makatarungang kapalaran, lahat ng mga minahal ay naglaho na parang bula sa aking tabi, pakiramdam ko ay sinasakal ng malupit na pag-iisa ang aking buhay habang binabaktas ang kalsada palabas ng sementero ng Triana, hinayaang mabasa ng ulan ang buong katawan, marahil ay mapawi ng mga ito ang damdaming patuloy nagta-tangis.
Isa lang ang naisip ng marating ang tahanan, hahanapin ko ang aking ama sa kontinente ng Amerika. Nakaligtaang mag-hapunan ng gabing iyon, nag-isip ng mga paraan kung paano marating ang kontinente ng Amerika. Maliban sa aming tahanan, baka ay babalikan ko pa, naisipan kong ibenta ng mas mahal ang mga rekados at sedang iniregalo sa akin ng masugid kong manliligaw – Ginoong Juan Miguel de Figueroa – Ang halaga ng mga ito ay gagamitin kong pang-gasto sa aking paglalakbay patungo sa kung saan, ang nais ko lamang ay mahanap at makita ang akin ama.
Kapanahunan ng tiempo invierno kung kalian ang buong bayan ng Sevilla ay niyayakap ng mahigpit ang tag-lamig, ngunit ang mga labi ko ay hinahagkan ng mainit ang matinding kalungkutan, panay ang agos ng mga luaha sa aking mga unan hanggang ang buo kong kapaligiran ay nagiging manhid, nagpaubayang maanod ang kamalayan ng mga panaginip, sa pagtulog ay nagkaroon ng mga panandaliang ligaya ang riyalidad, parang hinugot ng puting kalapati mula sa butas ng pagluluksa tungo sa sulok ng kasayahan.
“ Vaya con dios maria Beatriz!”
Ang huling katagang narinig mula sa pinsan kong si Diego habang papa-akyat ako sa damyo ng Galleon noong enero 18, 1633, bitbit ang regalong larawang mismong kanyang iginuhit sa kanbas, hindi naku pang lingunin siya, ayaw kong magdalamhati ang nagluluksa ng damdamin sa tuwing nakikita ko ang pagtagas ng kanyang mga luha dahil sa aking pag-alis. Aaminin kong mas lalong nalungkot ang puso ng mahagkan niya ng pamama-alam ang aking pisngi at ang mas maskalap isipin, tuluyan kong lisanin ang bayang sinilangan.
Dahil sa malaking halaga ang nalikom sa pagbi-benta ng mga rekados at mga seda na ginto rin ang presyo ay nakayanan kong kumuha ng eksklusibong kamarote, medyo may kamahalan pero ay ligtas para sa biyaherong tulad kong nag-iisa.
Magtatakip-silim ng umpisang mag-layag ang aming sinasakyang Galleon mula sa ilog ng Guadalquivir patungo sa kontinente ng Amerika, doon marahil ay matatagpuan ko ang aking ama at matatagpuan din ng aking malupit na tadhana ang mapayapang kalsada ng aking kapalaran. Pero tiyak kong doon ay madaling matagpuan ang pansariling kapayapaan
Papasok na sana sa aking kamarote ng biglang narinig ng mga tenga ang mga katagang hindi mauunawaan ng isipan. “ Shalom! Medaber ivrit?” – “mapayapang pag-bati, nagsasalita ka po ba ng wikang Hebreyo?”- Sa wikang tagalong- Bigkas ng isang estrangherang Senyora. “ Huh! Ano po ang ating sadya?” Tanong ko sa kanya, tono ng boses ko ay nagtataka sa kanayang mga salitang hindi ko naiintindihan, pagka-tapos malingon siyang nakatindig sa pintuan ng kamaroteng mismong tapat ng sa akin. Minasdan ko siya mula ulo hanggang paa,prominente ang kagandahang andalusyana  sa pigura ng kanyang hitsura, pero batid kong isa siyang hudya, hindi ay dahil sa kahawig niya ang mga hudyong sinusunog sa Plaza tueing nangangailangan ng salapi ang korte ng Inquisition, kung hindi ay dahil sa lukso ng dugo,kalahati ng dugong lumalatay sa aking mga kaugatan ay hudya rin. Batay sa aristokratang pananamit, disenteng galaw, agad kong nalamang siya ay mula sa isang marangyang pamilya. Ayon sa mga usap-usapang naririnig sa bawat sulok ng mga kalsada sa Sevilla, kapag ang isang hudyang nais tumakas sa kaharian ng Espanya ay nararapat mag-bayad ng malaking halaga ng salapi o mga ginto sa mga taong may pinaka-mataas na katungkulan sa ilalim ng korona ng hari, kapalit ay kalayaan at papel ng pahintulot.
Hindi nagtaka pa ng mabasa ang ekspresyon sa aking mukhang walang maintindihan sa mga binitiwan niyang mga kataga, maliban sa katagang “ Shalom”, “ Pasensya na po kayo senyorita sa aking pang-aabala at kapangahasan!” Magalang ang kanyang paumanhin. Ako ay napangiti, natuwa, nabigyang ginhawa ang nararamdaman, ako ay hindi na rin naglalakbay ng mag-isa. “ Akala ko kasi kanina ay marunong kang mag-salita ng hebreyo.” Muling sabi ng kaharap kong ginang, ginintuang kulay ng buhok ay bahagyang tinakpan ang mga matang nagku-kulay azul ng bahagyang yumuko, sinuri ang mga intrikadong larawang naka-ukit sa bitbit kong “ Banga”, aking naunawaan, kaya marahil tinanong ako sa wikang Hebreyo, hindi dahil sa pigura ng aking hitsurang may pagka-hudya rin ay dahil sa nakaukit sa bandang leeg ng “ Banga”, hango sa alpabetikong Hebreyo. Nagising ang aking ala-ala, nasagi ng aking isipan, minsan ay nabanggit ng aking depuntang abuela, marahil ay hindi tamang gamiting ang salitang depunta dahil habang-buhay ay mananatiling buhay siya sa aking isipan, natanong ko siya tungkol sa “Banga”, pagkatapos ng mahabang paliwanag ay pina-alalahanan ako, kung sakaling ako ay luluwas kahit na kung saan ay huwag na huwag kalimutang bitbitin ang “Banga”, ito ay magiging gabay  para matukoy ko ang aking tunay na pagkatao, proteksyon laban sa mga masasamang kaluluwa,pangatlo paninging makikita ang hinaharap ng aking buhay at mabisang bertud, hahatak ng aking magiging kakamping mapag-katiwalaan.
Tumayo din agad, pino ang mga galaw ngunit ay nakakatuhog ang paninging pilit binubuklat ang mga pahina sa aking kaluluwang naka-silid sa gilid ng aking mga mata. “ Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang naka-ukit sa leeg ng “Bangang” ito?” Tanong ng ginang, tono ng boses ay may bahid ng karangalan, hinahaplos ang nakaukit sa “Banga.”  “Opo Senyora! Maliban sa mga detalyeng mas malalim.” Maikli kong sagot, tumango rin ako, nais ko sanang makita ang galaw ng kanyang mga mata para malaman ang kanyng tunay na saloobin ngunit ay muling yumuko, sinuri ng mas masinsinan ang mga ukit. “ Ang ibig sabihin ng ukit ay Hatikvah sa wikang Hebreyo, ibig sabihin ay Pag-Asa, ang pag-asang balang araw ay magtitipon-tipon muli ang mga anak ni Abraham sa lupain ng Israel pero hanggang ngayon ay nananatili pa ring panaginip. Mahigit isang libo at limang daang taong nakalipas mula ng itaboy ng mga Romano ang mga hudyo sa banal na siyudad ng Herusalem, hanggang ngayon ay pinapalayas pa rin ang mga hudyo, nagdurusa!” Tinig ng boses ay tinakasan ng pag-asa, disilusyonada, nawawalan ng tiwala sa pangakong makakabalik pa ang mga hudyo sa lupain ng Judea. Mga salita niya ay muling minulat ang aking kamalayan, dulot ng dugong hudyo sa aking katawan ay nakiramay ako mga  trahedyang sinapit ng mga hudyong halos buburahin ang lahi sa ibabaw ng mundo.  Dahan-dahang tumayo ng mas malapit sa akin. “ Paumanhin lang po hija! Sino sa inyong pamilya ang may lahing Hudyo?” Kanyang giit, malumanay ang boses, alam ko, batay sa ekspresyong ng kanyang mukha, nalalamang isang may lahing Hudya ang tanging may karapatang magmamay-ari ng “Banga.” “ Ang Mama ko po ang may lahing Hudya, galing siya sa mga angkan ng mga Montefiore, buong pangalan niya ay Sarah Beatriz Montefiore del Cohen, pero ako ay isang converse, ganap na katoliko!” Direktang sagot, hindo ko binanggit ang tungkol sa angkan ng aking lolo at ang katotohanang ako ay isang bastarda, ipinanganak sa buntot ng masaklap na riyalidad, ang isang Espanyol ay hindi papahintulutan ng sagradong Iglesia Katolika maikasal sa loob ng simbahan kung ang magiging kabiyak ay isang Hudya. “ Marahil ay pagod na pagod kang tulad ko at nais mo na ring mag-pahinga, Limor Eitan ang tawag nila sa akin.” Kinamayan ako. “ Maria Beatriz De Castellano naman ang aking panglan.” Pagpapa-kilala ko sa aking sarili sa Senyora, sa aking wari ay mahigit limampung taon ang kanyang edad na nakalubog sa pagitan ng giwang ng tayog ng isipan at tulis ng mga titig. Marahang hinugot ang aking palad sa pakikipag-kamayan. “ Marahil ay papasok muna ako sa kamarote at magli-ligpit ng mga kagamitan. Nagagalak akong makilala ka Senyora Limor Eitan.” Magalang ang paumanhin ko. “ Kung magkaka-roon ka mamaya ng bakanteng sandali ay higit kong ikaka-galak na masaluhan mo ako sa pagdiriwang ng “ Tu B’Shevat”, ang bagong taon ng mga punuan, batay sa tradisyong Hudyo.” Ngumiti pagkatapos ng malambing na paanyaya, hinalikan ang aking pisngi, madali ko siyang naka-gaanan ng loob, gumanti rin ako ng halik sa kanyang pisngi bago pumasok sa kamarote at marahan kong isinara ang pintuan.
Tantiya ko ay isang metro ang lapad ng malambot na higaan, katamtaman ang haba, puwedeng pagkasyahin ang buo kong katawan, sa bandang paanan ay naroroon ang aparador, hanggang dibdib ang kataasan, kulay mahogany at sa loob ay iniligpit ng maayos ang aking mga damit. Maliit man ang kamarote ay mayroon namang banyong ubod ng linis. Mula sa giwang ng bintana ay matatanaw ang walang katapusang kalawakan ng karagatang laging tinutuhog ang aking kamalayan ng mga hiwagang hatid ng mga alon. Sa loob ay Malaya akong naghubad, hinugasan, maiging sinabon ang buong katawang nangangati sa mga dumudikit na alikabok sa akin balat, nilinisan ang aking laman ngwalang takot mabosohan hindi tulad n gaming banyo sa Sevilla, butas-butas dahil sa kamanyakan ng aming kapit-bahay, sa wari ko ay isang lalaking nasaniban yata kaisipang tinutusok ng matinding pagnanasa. Maliban sa tampisaw ng tubig, ningning ng mga bituin, hampas n mga alon sa tagiliran ng Galleon ay nakaka-kilabot ang katahimikan sa loob ng banyo at kamarote.
Pagka-tapos ng mahabng ritwal sa banyo ay lumabas na rin ako, nagbihis ng damit pantulog, tatanggihan ko sana ang alok ni Senyora Limor, pakiramdamdam ko ay lupaypay ang aking katawan, lakas ay hinigop ng matinding pagod dulot ng mga samo’t saring suliraning ginagambala ang isipan. Bigla ay narinig ang sunod-sunod na mga katok sa pintuan, alam kong si Senyora Limor, nais akong karamay sa kanyang kalungkutan, tulad kong mag-isang naglalakbay. Ang kaibahan nga lamang ay naglalakbay siyang walang katiyakan, parang kapalarang inaanod batay sa pabugso-bugsong ihip ng hangin at ang hangarin ko ay matagpuan ang aking ama. Pero ang tugmang  pangungusap, ang hangaring tunay ni Senyora Limor ay takasan ang persekusyon, layasan ang lupaing nababaliw sa kamandag ng Inquisition.
“ Hag Sameach!” “ Maligayang pag-bati!” , - sa wikang tagalog- Kanyang bati sa wikang Hebreyo ng tumambad siya sa aking harapan, matapos mabuksan ang pinto, blangko ang isipang pilit inu-unawa ang mga salitang ipinukol, magiliw ang mga ngiti, hinalikan ko siya sa pisngi, bit-bit ang mga tuyong prutas at isang boteng alak.

“Tuloy po kayo!” Walang atubiling anyaya ko.
“Maraming salamat Hija!” Marangal na sagot, dumiretso kami sa mesang salungat ng higaan at sa hapag nito ay pinagsaluhan ang bagong taon ng mga puno sa gitna ng matatamis na mga katagang binabalutan ng mga pangako.
“ Nagugustuhan ko ang iyong angking lakas ng loob Hija, pero ang kontinente ng Amerika ay higit na mas malawak kaysa lupain ng Europa! Paano mo mahahanap ang iyong Papa roon?”  Bigkas ni Senyora Limor, tubong Toledo ayon sa kanyang salaysay, ang angkan ay mangangalakal ng mga bakal ngunit ay sinunog ng mga sundalong Kastila, karamihan ng kanyang angkan ay ikinulong sa maruming bilangguan ng Madrid dahil tinaggihan ng kanilang ama ang sapilitang pagpapa-binyag sa relihiyong katoliko, wala siya sa loob ng sunugin ang kanilang tahanan, tanging naabutan ay ang nagliliyab pang mga poste at abo ng bubungan.
“Magtanong-tanong na lang marahil ako!” Maikling sagot, nakita kong  nagulat ang kanyang mga matang may halong pagdu-duda, hindi lubos maisip kung ako ba ay magtatagumpay sa aking pakay. “ Nagustuhan ko rin po ang taglay mong tapang at sa wari ko ay madali kang pagka-tiwalaan.” Muli kong wika.
“ Huwag kang magtiwala agad sa mga taong iyong nagugustuhan, ang gagawin nilang kataksilan ay ang magbabaon sa iyo sa libingan ng kabiguang walang kasing-saklap.”  Mga katagang hinugot ng karunungang hinubog ng karanasan.

Sa gitna ng mahabang talakayan,  pag-kain ng sampung uri ng mga prutas, pag-inom ng apat na kopang alak, paraan kung paano ipag-diwang ang Tu B’Shevat, makabuluhang okasyong binibigyan halaga ang pag-galang sa kalikasan ay lumawak din ang aking isipan at payapa kaming nama-alam sa isa’t-isa.
Muling naiwang mag-isa sa loob ng kamarote,mas madilim pa yata kaysa karagatang Atlantik, ang karagatang punong-puno ng kababalaghan ayon sa mga griyegong manunulat ngunit ay naging isang kathang-isip lamang, pilit binuwag ng mga konkistador at mga manlalakbay ang paniniwalang – Ang dulo ng mundo ay nagwawakas dito –
Nakahiga , kamarote ay nangangamoy dagat, isipan ay hinuhubaran ang aking ala-alang binabalot ng mga  seda ni Juan Miguel de Figueroa, sa puntong ito ay ang pinaka-mahalagang karakter sa bawat hibla ng aking buhay, kung hindi marahil sa kanyang mga rekados, malamang ay naibenta ko ang tahanan ng aming angkan – Villa de la familia Castellano – Ang tahanang itinatag sa adobe ng kagitingan at haligi ng kadakilaan ng aking abuelo.
Bukod sa matatalinong kataga ni Juan Miguel ay nananbik ako sa kanyang nakaka-baliw ng mga pangarap. Kung ilang buwang hindi napadalaw sa amin, huli kong nabalitaang lumuwas  sa isla ng mga rekados sa malayong silangan, magtataka siya kung sakaling mapadalaw balang araw sa Villa, si lola ay pumanaw na, kanyang kinagigiliwan at ako ay umalis na rin, kanyang minamahal.
Ang isang tao ay nagiging mahalagang bahagi nga pala ng iyong buhay sa sandaling mawalay sa iyong tabi, ngunit ay nakaka-iritang isipin sa tuwing laging kapiling, hindi dahil naiinis ka sa kanyang pagmumukha, nababagot sa tuwing dinuduyan ng kanyang pagma-mahal ang iyong puso, kung hindi ay dahil ayaw mo siyang pakawalan pa, habambuhay ibibilanggo sa loob ng mahihigpit na yakap. Subalit ang buhay ay sadyang niyari na laging may pintuan, magsi-pasukan at magsi-alisan din ang mga panauhin, ang mas masakit ay kung ang mismong minamahal ang siyang aalis, walang katiyakan kung muli ay magkakatagpo pa.
Kung talagang wagas ang pag-ibig ni Juan Miguel, gagawa siya ng kahit na anong paraan para ako ay muling matagpuan. Kung batid lamang niya, mas nanaisin ko pang tumandang dalaga kung hindi man lang siya ang magiging kabiyak, siguro ay kanyang naiintindihan ang dahilan ng pagtanggi ko sa alok niyang kasal, may obligasyon akong dapat gampanan para sa ikaliligaya ng aking mahal na abuela.
Kung saan man siya naroroon ngayon, sana ay kanyang malaman kung gaano ko siya kamahal, bagkus ay mahal na mahal, hanggang ngayon kahit sa aking pagtulog ay hanap-hanap siya ng aking isipan, sa aking mga panaginip ay siya ang laging laman. Batay sa aking paniniwala, kung ang dalawang nilalang ay wagas nag-iibigan at pinag-hiwalay ng kapalaran ay kusang pagtatagpuin ng tadhana dahil ang tunay na pag-ibig ay hindi hahayaan na lamang ni kupido na maglaho at magiging alikabok.
Hindi naging payapa ang pangalawang linggo ng aming pag-lalayag, ang buong Galleon ay nagmistulang purgatoryo, hinagupit ng bagyong napaka-bagsik. Maliban sa akin at mga tripulante ay nagsusuka ang mga pasahero, hindi nakayanan ng kanilang sikmura ang pag-alog ng Galleon, pasirko-sirko sa tuktok ng mga alon. Tinungo ko ang kamarote ni Senyora Limor, nadatnang nagku-kulay berde ang suka, nagbalat ako ng mga naranhita, piniga ang mga balat at pinalanghap, kahit napawi na ang sakit ng ulo ay lumalalim ang kanyang mga mata, kumuha ako ng tuwalya, binasa ng mainit na tubig at pinunasan ang mukha. “ Huwag kang mag-alala, malalagpasan din natin ang panahong nagsu-sungit!”  Nagbulong ako ng mga katagang may katatagan , hindi niya nakuhang sumagot, lupaypay at hinang-hina. Lumabas ako ng kamarote, hinayaang mag-pahinga ang ginang, bitbit din ang mga balat ng naranhita, ipinalanghap sa mga nagsusukang pasahero.
Malakas ang sigaw ng kapitan mula sa kanyang kamarote, mahigpit ang utos sa mga tripulante, itapon sa dagat ang mga kargamentong kahoy, gaano man kalakas ang hampas ng mga alon ay nananatiling kalmado, kontrolado ang situwasyon, mukhay ay walang bakas ng pagta-taranta.
Matapos kong maasikaso ang mga pasahero ay humuhupa na rin ang bagyo. “ Hanga ako sa ipinamalas mong kagitingan at katapangan sa gitna ng karahasan ng bagyo!” Bigkas ni Kapitan Antonio Maria Velasquez, tubong Cadiz pero ang ina ay taga Genoa, ang bayang pinagmumulan ng mga mahuhusay na mga manlalayag at mga kapitan. “ Batay sa aking pagbubuklat ng aking manipesto dahil namangha ako sa iyong katauhan, apo ka pala ni Kapitan Juan Gabrielle de Castellano, ang mandirigmang nagligtas sa banal na Iglesia Katolika, marahil ay nakuha mo sa kanya ang dugong may angking kagitingan at katapangan.” Muling wika, maginoo man ang galaw ngunit ang boses ay dominante, matatag at makapangyarihan. “ Salamat kapitan, bilang isang babaeng kastila ay obligasyon kong pagsilbihan ang kapuwa.” Tumango siya ngunit ay lumingo dahil batid niya, sa kontinente ng Amerika ang mga kastila ay hindi nagsisilbi kung hindi ay pinagsisilbihan, mga kahayupang ginawa laban sa mga katutubo ay karumal-dumal, hindi gawain ng isang sibilisado kung hindi ay ng isang diyablo. Pagka-tapos ng maikling palitan ng mga kuwento ay agad kong tinungo ang kamarote ni Senyora Limor, mahimbing ang tulog, maigi na ang pakiramdam.
Kung ang pangalawang linggo ng paglalakbay ay malupit na purgatory, ang pangatlo ay nakakawala ng ulirat dulot ng impiyernong karumihan, dahil sa kakulangan ng tubig ay dahan-dahang gumagapang ang mga kuto sa mababahong buhok ng mga pasahero. Napapanatili naming ni Senyora Limor ang kalinisan ng aming pangangatawan,nag-ipon kami ng balde-baldeng tubig noong kasagsagan ng bagyo, ang mga lumang kumot ay isinabit sa bintana at ipiniga ang naipong hamog sa mga palanggana. Ang masaklap pa ay ang kakulangan sa pagkain, naisip kong ipunin ang bawat butil ng garbanzo mula sa tira ng mga pasahero, pinakuluan para lumambot, pinalamig muna bago dinikdik hanggang sa lumapot. Nagpakulo ako ng dagat hanggang sa tumuyo at ang natira ay ang mga malilit na mga Kristal ng asin. Sa bawat kalahating kaldero ng malapot na garbanzo ay hinaluan ko ng kalahating kutsaritang asin. Nahatak ko ang kanilang galang, ang kaalamang ito ay magagamit ko bilang sandata sa hinaharap.
Panaka-naka ay may anod na mga kahoy, bumabangga sa tagiliran ng Galleon, panay din ang ikot ng mga ibon sa mga layag, ang iba ay pumapatong sa poste sa harapn ng Galleon, mula sa giwang ng aking bintana, kalagitnaan noon ng Marso, sa ilalim ng kalangitang azul ay matatanaw ang kolonyal na siyudad ng Villa Rica de Vera Cruz, itinatag ni Hernan Cortes noong 1520, ang konkistador na biglang naging marquis ng Oaxaca noong 1522 at Kapitan Heneral ng Nueva Espanya. Mahiwaga nga ang kontinente ng Amerika dahil kayang palitan ang kulay ng tadhana, ang isang hamak na nilalang ay biglang maging isang Gobernador o isang Marquis kapag napalamon ng maraming ginto ang Korona ng Espanya na tila ay walang kabusugan.
Sa loob ng banyo habang ako ay naliligo, dinig na dinig ko ang malalakas na bulyaw ng trumpeta, hudyat ng tuluyang pag-daong ng Galleon sa pier ng Nueva Espanya. Nakakabulahaw ang mga kalampag sa loob ng mga bodega. Nagbigay ng utos ang kapitan na ibaba ang damyo. Pagkatapos mai-ayos ang mga damit sa loob ng maleta at balutan ng makapal na seda ang “Banga” ay lumabas na rin ako sa aking kamarote. “Sabay na tayong bumaba Hija!” Paanyaya ni Senyora Limor , naghihintay pala sa aking pag-labas, maaliwalas ang mukha, bitbit ang maletang yari sa tupa. Tulad ko ay hindi rin siya nag suot ng belo, nakaka-bagot ang init ng kilmang tropikal, bawat hakbang ay may katumbas na isang basong pawis, rumaragasa sa aking noo.” Nawa ay magtatagumpay ka sa iyong hangaring matagpuan ang iyong ama Senyorita.” Magiliw ang pagka-wika ng Kapitann nasa bukana ng damyong nakasubsob na sa daungan. “Salamat po!” Matipid kong sagot, sabay halik sa pisnging namumula at tumapak ang aking mga paa sa lupa ng kontinenteng patuloy ina-alipin ng mga kolonyalista ang mga katutubong indyo, ngayon lang nakita ng aking mga mata. Hubad at lantad ang kulay kayumangging balat, karga ang aming mga kagamitan sa knailang balikat, tanging saplot nila ay manipis na telang nakatakip sa maselang bahagi ng kanilang katawan. Palabas ng daungan ay kumakapal ang nasasakubong naming mga prayle, ang tunay na may makapangyarihang posisyon sa gobyernong kolonyal. Ang mga tisa sa kalsada ay ibinubulong sa mga bagong saltang tulad naming ang tagumpay ng liberalism, mas maraming ginang at mga binibining malayang naglalakad ng hindi nakasuot ng belo, maikli ang pananamit, sa Espanya ay isa itong kalapastangan. “ Ang dulot ng kaunlaran ay makabagong kaugaliang habambuhay ay ibabaon ang konserbatibong paniniwala sa katakumba ng kasaysayan.” Bulong ng aking isipan.
Binabagabag ang damdamin ni Senyora Limor tuwing may mga mestisong nakakasalubong, mas mababa ang antas sa lipunang kolonyal, narinig niya sa nakausap na mga mangangalakal, ang mga katutubong ina ng mga ito ay ginawang parausan ng mga kolonyalista pagkatapos alipinin, alam niyang darating ang panahon, ang mga bastardong mestiso ay mag-aaklas laban sa Espanya, makikibaka para magkaroon ng mga karapatag tulad ng mga may lahing purong kastila. Sa bawat kalsada ng Vera Cruz ay gumagapang na ang putik ng pag-aaklas, usap-usapan ang matagumpay na pakikibaka ng negrong aliping si Gaspar Yanga, lumaya laban sa mga konkistador.
Unti-unting umusbong ang uring mangangalakal, nagkakaroon ng kapangyarihang political, nagtatag ng mga magagarang gusali sa lungsod ng Vera Cruz,palatandaan ng karangyaan, isinisigaw ng kanilang damdamin, ang kontinente ng Amerika ay paraisong punong-puno ng mga oportunidad. Laging puno ang mga restoran ng mga kliyenteng walang ibang pinag-uusapan kung hindi ay salapi, salapi at salapi. Walang puwang ang krisis, lahat ay nabigyan ng hanap-buhay dulot ng kalakalang Galleon, lahat ay nagsasaya, nakikinabang, araw-araw ay may pistahan. Sa aking wari, ito marahil ang dahilang kung bakit ang mga konkistador ay ayaw ng umuwi ng Espanya kapalit ng dekadenteng kaligayahan.
Natuwa ang mga indyong Tlaxcalan, binigyan ko ng isang garapang cinnamon kapalit ng kanilang serbisyo.Inilapag muna an gaming kagamitan bago umalis. Kinatok ko ang pintuan ng bahay-paupahang nabanggit sa amin ni Kapitan, nasa tapat ng Forte San Juan de Ulua, kahit nagdadalwang-isip ay panay ang aking katok, tantiya ko ay ito ang tugmang bahay batay sa deskripsyon ng kapitan, pinaghalong katutubong sining at kastila.
“Unica-Hija ka pala ni Senyor Paulito Gabrielle de Castellano, matagal ko siyang nakasama rito, isang taong kagalang-galang, marangal ang hangarin, hanga din ako sa kanyang paniniwala, ang tunay na yaman ay hindi ang mga gintong kinababaliwan ng mga kastila kung hindi ay ang mga lupang bubungkalin, pagtataniman, bibinyagan ng dugo at pawis, taglay niyang pangarap ay kay sarap pakinggan. Nais magtatag ng isang bansang itataguyod ang kapakanan ng karamihan, lahat ay magkakaroon ng pantay-pantay na hustisya at oportunidad. Halos araw-araw ay nagpupulong kami subalit ay bigla siyang umalis ng hindi ko alam ang dahilan, pero ay subukan mong pumunta sa simbahan ng Vera Cruz, tiyak ay alam ni Padre Benito de la Huerta ang kinaroroonan ng iyong ama dahil doon siya laging nagkukumpisal.”
Mahabang salaysay ni Senyor Gustavo Suarez, ang may-ari ng bahay-paupahan, nakatayo sa harap ng mesang mataas, bigote at balbas ay namumuti sa karinyosong hitsura. Ang kauna-unahang nilalang na pinagtanungan ko tungkol kay ama at hindi ako nabigo. Tubong Sevilla din, tiyak ay may nalalaman tungkol sa aming pamilya, alam kong sa haba at tagal ng kanyang pamamalagi sa Vera Cruz ay pamilyas sa mga labas-pasok na mg konkistador, lalo na sa paupahang-bahay kung saan ay madaling makakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga walang matutuluyan at mga ligalig na patuloy pa rin sa paghahanap ng kanilang mundo.
“ Nakaka-pagtaka, ang isang sibilisadong emperyo ng mga Aztec, may daang libong mga kawal ay nalipol ng limang daang mandirigmang kastila!” Binasag ni Senyora Limo rang katahimikan sa loob n gaming kuwarto, pinagmamasdan ang pyramid ng El Tajin mula sa bintana.
“ Sapagkat ay organisado ang pagkabrutal ng mga berdugong kastila kaysa watak-watak na mga kawal ni Montezuma II, dagdag pa riyan ay naniniwala silang mga kastila ay mga sugo ng kanilang diyos-diyosang si Quetzalcoatl, agad silang nag-tiwala, sinamba at buong pusong tinanggap, lingid sa kanilang kaalaman ay pagtataksilan sila, aalipinin at paparusahan.” Direktang sagot ko, namangha pa rin at nag-aalinlangan. Samantala ay patuloy kong inaayos ang mga unan sa ibabaw ng higaan.

Naghahalo ang tagos ng bukang-liwayway sa madilim na sulok ng langit, ang loob at labas ng “Gustavo Viajero Inn” ay kinukumutan ng hamog, makapal at malamig. Marahan akong nagbihis pagkatapos maligo, iniiwasang magambala ang kahimbingan ng ginang. Maingat isinara ang pintuan at bumaba. Makintab ang bawat palapag ng hagdanang yari sa kahoy ng yakal.
Tanging isang lampara ang naging tanglaw sa silid-kainan habang nag-aalmusal ng tatlong pirasong pan de sal, dalawng pritong itlog, isang mahabang chorizo at isang tasang mainit ngunit ay may pait na inuming medyo ay malapot, sabi ng servidora ay “ cocoa” ang tawag dito, inumin ng mga katutubong indyo, nakakapag-bigay ng lakas.
Tiyak ay tulog pa si Senyor Gustavo, wala sa harap ng mesa kung saan tinatanggap ang mga kliyente, hindi ako nagaksaya ng panahong hintayin siya para mag-paalam, agad lumabas sa pintuang inukitan ng mga pigurang Aztec, hinayaang dumampi ang hamog, may kalamigan sa aking balat, marahan ang aking mga hakbang, namamangha ang paningin sa ganda ng Fort San Juan de ulua, sa likod ng madugong pananakop ay matagumpay naipa-laganap ang katolisismo at sibilisasyong kastila sa mga adobeng pader ng Fort.
“Isang huwarang kristiyano ang iyong ama hija,mas nanaising ibahagi sa mga katutubo ang kurs ang mga banal na eika ng mesaya kaysa mgakamkam ng karangyaan at mga lupain, sa bandang huli lahat ay iyo ring iiwan.” Bigkas ni Padre Benito, inihahanda ang dambana sa loob ng simbahan ng Vera Cruz para sa pang-umagang misa, napa-krus ako sa imaheng banal ng Hesus-Kristo ng puting belo. “ Mahal na mahal ka ng iyong ama, tatlong beses kung magkumpisal siya sa isang linggo, laging dinadalangin ang iyong kaligtasan.” Dinig ko, marahil ay naibahagi rin ni ama, ako ay isang putok sa buho, nauunawaan ko ang pagluwas ng aking ama para sa aming kinabukasan at para sa bayan.” Ang huli kong narinig tungkol sa kanya ay andoon siya sa Acapulco.”
Maghunos dili ka Senyorita Beatriz!, mas maiging pag-isipan muna natin ang gagawing mga hakbangin.” Naging bingi ako sa mga payo ni Senyora Limor, nagmadaling niligpit ang mga kagamitan sa loob ng maleta, sapat ang mga impormasyong nahagilap ko  mula kay Padre Benito, buong-buo ang pasyang tunguhin ang siyudad ng Acapulco, nagkukulimlim ang langit, may dalang hanging malamig sa aming kuwarto, napangiti ako, sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan ay isa-isang kinuha ni Senyora limo rang mga damit sa kanyang aparador, iniluklok sa kanyang maleta, kita ko ang sinseridad mula sa mga ugat ng kanyang namumutlang mukha, makikiramay sa akin kahit saan man ako papadparin ng ihip hangin.
“ Pasensiya ka na Senyora sa pabugso-bugso kong desisyong determinadong mahanap si ama, kung ako ay mawawalan ng kapangahasan, tiyak ang aking kabiguan.” Malumanay ang aking pagka-bigkas, katahimikan ay bumalandra sa loob ng aming kalesa, matulin man ang takbo, mabilis ding sumusunod ang ibong tropikal, makukulay ang mga balahibo.
Dag-dag pa sa nakaka-baliw na usbong ng apat na kabayong humihila sa kalesa ay ang sakal ng init mula sa nagkuku-limlim na gubat, parang tinatakpan an gaming mga ilong, hairapang huminga. Maliban sa mga nakaka-malaryang kagat ng mga lamok ay panaka-naka rin ang mga kalesang nasasalubong. Sa gitna ng mahabang paglalakbay, kasumpa-sumpang makita ang walang-awang pang-aalipin ng mga tsinong napagkamalang mga magnanakaw, kinakastigo at nilalatigo kapag nagkakamali sa pagkukumpuni ng kalsada, hindi lubos maunawaan ng aking isipan, ang isang edukadong kristiyanong espanyol ay kayang sikmurahin ang kahayupan laban sa kapuwa. Kahit pa man ay nagtaksil ang mga tsino laban sa kaharian ng Espanya, pero sa tinging ko ay hindi tamang sila ay pagmamalupitan, marahil ay isang babaeng emosyonal, mababa ang nalalaman o walang karanasan sa paglilingkod sa kolnya ng Espanya kaya ay hindi naiintindihan ang nakikita, marahil ang pagmamalupit, pangaalipin at madugong pagpaslang sa mga nagkasala ay mabisang paraan para sa integrasyon ng buong kolonya.
Kung ilang kalsadang madudulas an gaming natawid, libo-libong higanteng mga punuan ang nadaanan, mula sa matarik na bangin ng Sierra madre del sur ay bumulaga sa aming paningin ang luntiang siyudad ng Acapulco.
 Ang mala-impiyernong init sa aming inuupahang silid ay lalong lumagablab sa mga mahahapding sagot ng may-ari – Senyor idelfonso Rodriguez – kanyang mga kataga ay binubug-bog ang aking damdamin, tinutusok ang aking ala-ala habang ako ay humihikbi sa ibabaw ng higaan. “ Matagal ng umalis ang iyong amang si Ginoong  Paulito Gabrielle de Castelano. Batay sa aking nalalaman, dahil ay anak siya ng dakilang mandirigmang nagligtas ng Iglesia Katolika laban sa mga heretiko ay nakumbinsing lumahok sa isang ekspidisyon ni Kapitan-Heneral Juan Nino de Tabora upang sugpuin ang mga piratang morong ginagambala ang kalakalan at katahimikan sa kolonya ng Las Islas de Felipinas,mas lalo pang nakumbinsi ni Padre Juan Ruiz Azcarraga ng makita ang inukit niyang Imahe ng sagradong Birhen Maria,ayon sa mga prayle ay milagroso ang imahe, maghahatid ng tagumpay sa mga konkistador. Noong Marso 1626, hindi ko masyadong matandaan ang eksaktong petsa ay sumama sa ekspidisyon, lulan ang Galleon ng El Amirante.” Mga katagang pabalik-balik sa aking sentido, nilulubog emosyong nangingitim ang nakataob kong katawan sa ilalim ng matinding kalungkutan. Patuloy an gang pagtatangis ng hindi namamalayan ang pag-lapit ng Senyora sa aking tabi, pinipisil ang aking batok, pilit tinatanggal ang tinik ng pagdadalamhati. “Huwag kang sumuko kaagad hija sa mga hamon ng matinding dagok sa buhay,bagkus ay dapat kang magsaya dahil ang mga pagsubok ang magpapatibay sa iyo, mga karanasang mapapait ang magpapa-tatag sa iyong adhikain,kung nabigo kang matagpuan ang iyong ama ditto sa kontinente ng amerika, marahil sa las islas Felipinas ay magtagumpay ka, kung kakapusin man tayo sa panggastos, ako ay laging nasa iyong tabi, aalalayan kang palagi tungo sa iuong hangarin, tiyak doon sa malayong kapuluan ay matatagapuan natin ang mga bagong oportunidad!” Payo at pananalig,muling binuhay ang lakas sa aking loob, sinubukan kong tumayo, niyakap siya ng mahigpit hinalikan din ang magkabilang pisngi. Sa wari ko ay tama siya sa sinabing madaling mahanap ang mga oportunidad sa kapuluan dulot ng rumaragasang kalakalang Galleon sa pagitan ng Acapulco at maynila, malaking halaga ng buwis ang naiambag ng mga mangangalakal sa kaharian ng Espanya, ibig sabihin ay malaki ang naging tubo sa mga ibini-bentang mga kalakal.
Kung ang mahigit dalawang linggong pag-tawid mula sa Sevilla patungong kontinente ng Amerika ay purgatoryo, salungat ito sa aming paglakbay mula Acapulco hanggang sa Las Islas de Felipinas noong Abril 5, 1633. Sapat ang kargamentong mga pagkain at tubig dahil sa mas malaki ang Galleon, yari sa matibay na kayon ng apitong, tanguile at yakal mula sa mga kapuluan n gaming patutunguhan. Mas malayo at malawak ang karagatang Pasipiko ng Pasipiko, dahil mas epektibo ang mga layag, yari sa mga hibla ng abakang galing sa kapuluan ng Ylo-Ylo ay mabilis naming narating ang Las Islas de Felipinas.
Ang pinaka-mahalagang luluan ng Galleon kaysa mga ginto at pilak mula sa minahan ng Zacatecas ay ang magiging Gobernador—Heneral, si Juan Cerezo de Salamanca. Minsang sinungitan ni Senyora Limor, tinanggihan ang alok ng Ginoong makipag-kamayan dahil galit sa mga matataas na opisyal ng kahariang Espanya, naniniwalang mga sunod-sunurang mga instrument ng Hari para sa tuluyang pag-bura ng lahing Hudyo sa balat ng Espanya.
Naliban sa mga cacao at mga indigo ay ang limang-daang katutubong indyong may mahabang karanasan sa pagtatanim ng mais at tabako ang lulan, ang wika nilang nahuatl ay unti-unting nahaluan ng mga katagang kastila.
Pansamantalang inupahan namin ang tatlong kuwartong bahay, nasa gilid ng kumbento ng San Diego de Alcala, malapit sa ospital ng San Jose, itinatag ng mga konkistador at mga sundalo tuwing dumarating sila rito sa Cavite la punta mula sa digmaan.
Maliliit subalit ay komportable ang mga kuwartong may sariling banyo, kulay itim ang sahig, yari sa tablong makintab na kamagong galing sa kapuluan ng Mindoro. Medyo ay may kalaparan ang sala kung saan ay naroroon ang hapag kainan, ang malaking bintana ay dinadaluyan ng sariwang hanging galing sa dalmpasigang sinputi ng mga ulap ang buhangin.
Dahan-dahang bumangon at umangat ang aming buhay sa Las Islas Felipinas na binubuo ng mga islang watak-watak kaya ay madaling nalipol ng mga kastila. Kahit hindi man sasakupin ay talagang nais ng mga naninirahan ang makipag-ugnayan sa may mga mapuputlang kulay ng balat dahil sa panibagong kaalaman at sistemang pang-kabuhayan.
Naging abala ang Senyora sa pangangalakal ng mga telang yari sa mga hibla ng katutubong bulak, higit na mas mababait ang mga katutubo rito kaysa mga katutubo ng Amerika. Humingi muna ako ng paumanhin sa kanya bago gumawa ng mga chorizo at hamon dahil siya ay purong Hudya, baka aking malabag ang kanyang pinapaniwalaang batas ng Kosher. Hindi naging mahirap ang pagbi-benta ng mga kastilang pagkain, marahil ay bukas ang isipan ng mga katutubo o siguro ay nais rin matikman ang mga putaheng bago sa kanilang panlasa. Lumago ang aming kabuhayan, napilitan kaming kumuha ng isang kasambahay, taga Cavite rin. Tantiya ko ay hindi hihigit sa 20 ang edad ng dalagita, makinis ang kayumangging balat, malumanay ang boses, mahinhin ang mga galaw at higit sa lahat ay mas malinis sa pangangatawan, tatlong beses o higit pa kung maligo sa isang araw.
Ang pangunahing dahilan ng biglang paglaki ng kabuhayan ay dahil sa walang kumpetensya ang  aming mga kalakal, kontrolado ang presyo, higit sa kalahati ang tubo, mas mura ang mga katutubong sangkap.Pero ay hindi maiwasang may nais malaman ang dahilan sa likod ng paglaki ng isang kalakalan. “Binigyan po ako ng isang daang peseta ni Ginoong Lee Xiao Dee para sabihin ko sa kanya ang lihim sa pag-gawa ngmga binibenta mong pagkain Senyorita!” Sumbong ni Mariana, aming kasambahay, habang nag-aalmusal kami ni Senyora Limor. “ Mandurugas ng makabagong kaalaman ang tsinong iyon, hindi lang magnanakaw ay ugat pa ng kurapsyon, sana ay hindi ito matututunan ng mga katutubo. Nagbigay ka ban g impormasyong kapalit ay salapi?” Tanong ng Senyora, boses ay malamig, may ikinukubli, dahil may mahabang karanasan sa pangangalakal ay hindi makikita ang bakas ng galit sa mukha, sa larangang ito ay mas makapangyarihan ang takbo ng utak kaysa init ng emosyon.” Walang impormasyon po akong naibigay sa kanya, isinauli ko rin ang salaping kanyang gantimpala sana.” Mga kataga niya ay nababahiran ng katapatan, ayaw magtaksil, sana nga ay hindi malulusaw ang kagandahang asal ng mga katutubo sa pangil ng mga dragon ng mga tsinong naniniwalang kataksilan ay tamang gawin kung ang kapalit ay pilak, mga panibagong hudas sa kolonya ng Espanya, nilalapastangan ang batas ng katapatan.
Batid ko ang katapatan ni Mariana sa sarili at sa amin sa gitna ng malawakang pag-aaklas ng mga tsinong mangangalakal, kinikiliti ang mga kamalayan ng mga tauhang katutubo laban sa aming mga banyagang kastila, binubuwag ang namulatan nilang sistema, madugong binubura at saka ay papalitan ng sibilisasyong kolonyal, ang mga balahibo ng mga batas ay dayuhan sa kanila. Pero ay mas nanaisin ng mga katutubo ang mapasa-ilalim sa isang kristiyanong pamahalaan kaysa mga tsinong walang kinikilalang Diyos ng pag-ibig, mga naniniwalang pagmahal sa kapuwa ay karupukan, ang mas nakaka-lungkot ay kung mapasa-ilalim sa pamahalaan ng mga piratang moro, walang tigil sa pandudukot, hahalaying muna ang mga kababaihan bago ibibenta.
Naging panatag ang aming loob sa kanya, ginagalang at tinuturing bilang bahagi naming, dahil sa tiwala ay nagkaroon ako ng panahong tunguhin ang simbahan sa Tipolo. Batay sa aking mga naririnig mula sa mga mandirigmang kastila ay naroroon ang Milagrosong imahe ng Birhen Maria,mismong inukit ni Ama. Kung sakaling matagpuan ko ang imahe ay hudyat na nalalapit na ang katapusan ng aking misyon, ang matagpuan si Papa.
Lubak-lubak ang kalsadang makipot mula Cavite la punta hanggang sa barrio ng Tipolo dulot ng arawang buhos ng ulan. Para sa tulad kong taga Sevilla ay luntiang paraiso ang tumabad sa aking mga mata, berdeng-berde ang mga kabundukan, mabango ang halimuyak ng mga halaman at napakalinis ng tubig sa ilog. Ang mas nakakpukaw ng interes ay ang kubong maliit, yari sa kawayan at binubungan ng kogon, tiyak ang mga nakatira sa bahay na iyon ay mga yaong masayahin sapagkat sila ay kuntento, hindi nagdurusa sa pang-aalipin ng sobrang kasakiman sa mga material na bagay.
Naupo ako sa isang mahabang upuang yari sa kayumangging mahogany sa loob ng simbahan, hinintay si Padre Juan de Salazar, taga-pangasiwa ng simbahan ng Tipolo, ang imahe ng milagrosong Birhen Maria, kulay kayumanggi ay nasa likod ng dambana, hindi ako nagtaka sa naging kulay ng imahe, sa wari ko ay mabisa ito para madaling mahatak ang mga kayumangging indyo sa pananampalatayang katoliko.
“Magandang araw sa iyo binibini! Ano po ang maipaglingkod ko sa iyo? Bati ng pari, medyo mas maputla ang kulay kaysa karaniwang karaniwan kastila, marahil ay nagmula sa lahing Basque kung hindi ako nagkakamali, lumapit sa akin,nagbigay ng galang.
“ Magandan araw din po sa inyo! Napunta ako rito upang hanapin ang aking amang si Ginoong Paulito Gabrielle de Castellano.” Naging mababa ang tining ng aking boses sa pagbati, magalang subalit ay direkta. Marang tumayo at kinamayan siya.
Pinagmasdan ang aking hitsura. “ Ikaw pala ang Unica-Hija ng dakilang konkistador, hawig mo ang pananalita, pungay ng kaluluwa at pagmumukha ng iyong ama. Magiting siya, nawa ay lalong maipalagananp sa buong kapuluan ang Pag-Ibig ng mesaya para sa kaligtasan ng mga makasalanang kaluluwa. Milagroso ang mga kamay ng iyong ama, ang imaheng inukit niya, nasa likod ng dambana, nagligtas ang sa mga pasaherong lulan ng Galleon ng El Amirante, kasama ang iyong ama at si Gobernador-Heneral Juan nino de Tabora. Batay sa mga tripulante, nasaksihan nila ang Birhen Maria sa pag - apula ng apoy kaya ay nagkulay kayumanggi ang kanyang nasunog na balat. Nagbuhos ang langit ng hindi inaasahang malakas na ulan, tuluyang nailigtas ang Galleon sa lagablab ng apoy, ngayon ang banal na imahe ay naging Nuestra Senyora de la Paz y Buenviaje ang patron ng mga manlalakbay.”
Mabang paliwanag, suot   ang selyo ng mga Jesuita, lalong pinatingkad ang katotohanan ng kanyang mga kataga.
“ Sa loob ng mahabang taong pagha-hanap sa aking ama ay laging katuwang ko ang kabiguan, nais ko siyang makita, matagpuan, mayakap at mahalikan ang kanyang mga pisngi.”
Wika ng aking saloobin, ngunit ay ikinubli ang katotohanang hindi nasaksihan ni ama ang aking kauna-unahang araw sa lupa.
“ Tulad ng iyong dakilang abuelo ay isa ring mandirigma ang iyong ama, matagumpay napasailalim ang mga kapuluan sa pamamahala ng banal na Iglesia Katolika. Kasagsagan ng panlulusob at pandudugas ng mga piratang moro laban sa mga kristiyano, nag-pasya ang Gobernador-Heneral magpadala ng mga sundalong kastila at mga pintados sa pamumuno ng iyong ama patungong Jolo para tuluyang masugpo ang karumal-dumal na pamimirata ng mga moro.” Sabi niya, napakrus, kaharap ang sagradong imahe ng Birhen Maria. “ Simula noon ay hindi na muling dumalaw sa milagrosong imaheng mismong inukit ng kanyang mga kamay, batay sa mga kilala ko sa pamahalaan ay nabigyang tahas mag-hanap ng istratehikong lugar sa bayan ng Jambanga para mag-tatag ng Forte para mailigtas ang mga kristiyano laban sa mga walang pusong pirata.” Patuloy niya, nagbuntong hininga.” Sa kasalukuyan ay bumubuo ng mga mandirigmang magigiting si Gobernador-Heneral Juan Cerezo de Salamanca sa pamunuan ni Kapitan Juan de Chavez para mapanatili ang kapayapaan sa Ciudad de Zamboanga at para na rin sa mga kaligtasan ng mga trabahanteng nagta-tatag ng Forte, tutulungan kitang makalahok sa makasaysayang ekspidisyong ito, marahil doon ay matatagpuan mo ang iyong ama.” Kanyang pananalig, tapat sa mga salita at alam ko iyon.
“ Salamat po Padre, maraming! Maraming salamat po!” Aking wika, tuwa sa aking kalooban ay hindi lubos masukat ng aking damdamin. Agad ay niyakap ko ng mahigpit at mahigpit at hinalikan sa mag-kabilang pisngi.
“ Walang ano man hija!”
Ngumiti sa nakitang reaksiyon ng aking mga matang uma-apaw sa sobrang kaligayahan.

Nadatnan kong namumula ang kulay ng aninong iginuhit ng dapit-hapon sa ding-ding ng aming inu-upahang bahay. Mula sa harding may dambuhalang punuan ng caimito ay langhap ang sarap ng pescaito frito, aking itinuro kay Mariana, tanggalan muna ng mga buto ang malaking isda, hiwain ng tig-iisang pulgada, hugasan ng maigi, pagkatapos ay ilub-lob sa tinimplang salsa ng kalahating basong suka, isang kutsaritang asukal, kalahating kutsaritang asin, isang kutsarang paminta, dalawang pirasong dinikdik na bawang at hiniwang isang pirasong sibuyas. Sa isang hiwalay na platong malalim ay ang binateng itlog, hinaluan ng harina at buto ng pamintang dinikdik at isa-isang balutan ang nakamarinadang isda bago iprito sa kumukulong mantika sa loob malaking kawali.

“ Magandang gabi po senyorita!” Bati ni Mariana pagkatapos mailapag ang mga pagkaing panghapunan sa hapag ng mesa.
“ Magandang gabi din sa iyo!” Ganti ko, mainit ang pag-galang, habang ako ay nakaupo sa isang silyang yari sa narra.
“ Mahusay ang pagka-gawa mo pescaito frito, mas magaling pa yata kaysa mga kastila. Magandang gabi sa inyong dalawa!”  Bati ni Senyora, ikinararangal ang gawa ng kasam-bahay, batid niya ang malikhaing talino ng mga katutubong mabigyan lang ng batayan ay lilikha ng higit pang mas maganda kaysa itinuro. Marahang tinungo ang silyang kaharap ako, kanyang ilong ay hindi mapakali sa sarap ng naamoy.
“ Sinunog ng mga sundalong kastila ang panaderia ni Lee Xiao Dee kanina sa Parian!” Maikling balita ni Mariana, nakatayo sa aming harapan, may mangha sa nagtaasang mga kilay.
“ Ahhhhhhh! Sa anong kadahilanan kung bakit nila sinunog ang panaderia at kabuhayan ng pobreng tsino?” Tanong kong nagkukunwari dahil batid kong si Senyora Limor ang nasa likod ng naganap, bago ako umalis kanina patungong tipolo ay nagbabalang huwag kong ikabibigla ang hakbanging kanyang gagawin para sa kapakanan ng aming pangangalakal. Sa ikli ng aming pamamalagi sa Cavite la punta ay  madalian niyang nilikha ang mapakinabangang ugnayan sa mga opisyal ng pamahalaang kolonyal, iyan ay hindi ko masyadong maintindihan, marahil ay may angking karisma ang Senyora, tanging siya lamang ang nakaka-alam. Labag man sa aking kalooban ang naging hatol ni Senyora at mga sundalong kastila laban sa tsino ay sang-ayon ako sa naging parusa dahil sa lantarang pambabastos niya sa aming kasam-bahay at ang pagtuturo ng pagnanakaw sa inosenteng kamalayang kapalit ay salapi.
“ Ayon sa usapang kalye, hindi raw marunong magbayad ng serbisyo ang tsino sa kanyang mga trabahante at ayaw ring magbayad ng buwis sa Gobernador. Ang mas nakakabahala ay ang pakikipag-sabuwatan niya sa mga piratang moro upang lansagin ang kolonyalistang pamahalaan ng mga kastila.”
Sagot ni Mariana, kasabay sa aming pag-hahapunan, kinis ng kanyang kayumangging balat ay lalong pinatingkad ng sinag mula sa mga katutubong lamparang pinaligiran ang silid-kainan. Limang talampakan at dalwang pulgada ang taas, halata sa mga mata ang pagbibigay ng kahalagahan ng karangalan, hindi man matangos ang ilong ay proporsyonado sa hugis ng labi at pigura ng mukha, ibig sabihin ay kagandahan.
Ayon sa kanayang salaysay noon sa harap naming ni Senyora Limor, tatlong araw pagka-tapos matanggap bilang aming katiwala, ang kanyang ina ay namatay sa kulam noong ikalimampung ani sa isang isla sa panay . isang gabi pagkatapos makapag-inom ng tubig mula sa balon ay magdamagan ring nagtatae at nag-susuka, dahil malayo ang bahay ng manggagamot at lalo pang pinakupad ang aming paglalakad ay nalagutan ang ina bago narating ang bahay ng albularyo. Batid kong hindi kulam ang ikinamatay ng kanyang ina kung hindi ay isang sakit na tutuklasin pa lamang.
Ang mas masaklap ay ang mismong ama ang napag-bintangang mangkukulam dahil siya ang nag-hukay at gumawa ng balong kumitil pa ng maraming buhay. Dahil sa trahedyang yaon ay napilitan silang lumuwas mula sa kanilang nayon patungo rito sa Cavite la punta. Dito ay naging mahusay na mangga-gawa ang kanyang ama sa pagawaan ng mga Galleon. Kung husay at tibay ang pagbabatayan ay walang hihigit pa sa mga Galleon na nilikha mula sa Las Islas Felipinas dahil ang mga kamay ng mga indyo ay may angking hindi mapapantayang husay at galing.

Ang kasikipang nagdulot ng paghihirap sa aming   kalooban ay mas lalong tumindi ng dumaong ang sinasakyan naming Galleon sa daungan ng isla ng Santissima Nombre de Jesus, - Ayon sa kasaysayang kastila ay sa mismong islang ito napaslang ang dakilang konkistador  na si Fernando magallanes – nagsakay pa ng isang libong katutubong pintados, karagdagang mandirigma at mangga-gawa para mas madali at mas matibay ang pag-tatag ng Forte. Ang aming kahirapan at  lungkot  sa pagtawid ay napawi, sasabihin kong nabura ng mga ideyalistang hangarin ng kasama naming pari –Padre Melchor de Vera – isang paring Jesuita, itinilaga ni Haring Philip IV upang mag-disenyo ng isang matibay na Forte, habang-buhay ay maitarak sa kamalayan ang dakilang sibilisasyong kastila sa Ciudad de Zamboanga.
“  Magandang araw sa inyong lahat, sa ngalan ng banal korona ng Espanya, kung ating maita-taguyod ang adhikaing mailigtas ang Zamboanga laban sa mga piratang moro. Ipinapangako kong magtatagumpay din tayong magtatag ng isang kristiyanong siyudad na mayroong sibilisadong lipunan, mga batas ay maitaguyod ang kapakanan ng karamihan, magpapa-halaga sa karapatang pan-tao ng bawat nilalang. Isang siyudad ng wikang Chavacano, kakaiba sa lahat ng mga wika sa buong mundo. Darating din ang panahon, dadakilain ng sumusunod na mga henerasyon ang ginawa nating simulain ngayong araw sa lupain ng Zamboanga.”
Nakaka-kumbinsing talumpati ni Kapitan Juan de Chavez, punong-puno ng kaluluwa at mga pangarap sa harap naming bago lumapag an gaming mga paa sa luntiang dalampasigan ng Zamboanga, Abril 16, 1635. Nabigyan kami ng lakas ng loob at pagkaka-isang magtatag ng isang siyudad ayon sa kristiyanong moralidad kung saan ang lipunan ay huhubugin ng paniniwalang pagbabanat ng buto ay instrument tungo sa kaunlaran.
 Mainit ang sikat ng umaga ngunit ay pinapawi ng sariwang hanging mula sa gubat ang mahapding sinag, dumidikit sa aming mga balat habang naglalakad sa kalsadang buhangin patungo sa pook na itinatag ng mga naunang kastilang konkistador. Ang higit na nakakapawi ng hapdi ng araw at pagod ay ang pagiging saksi sa kaganapang binubuo ng kolonyalismo ang isang bansang may kapuluang watak-watak. Ang mga itinatag na mga Forte ay lubid para pag-iisahin ang mga nagkalat na iba’t – ibang wika at lahi sa ilalim ng sibilisasyong kastila. Naisipan kong hindi nga pala laging madilim ang kulay ng kolonyalismo, bagkus ay may mahalaga ring itong kontribusyon, bukod sa naibahaging kalendaryong Gregoryan na natutong magpahalaga ng oras at panahon ang mga indiyo ay natuto ring magkaroon ng galang at pagmamahal sa tinubuang lupa, ang nasyonalismong aming itinuro at ituturo pa na magiging dahilan ng aming pagbagsak at kapahamakan sa bandang huli.

“ Diyos ko!”
Malakas na malakas ang aking pagka-bigkas na ikinagulat ng aking mga kasamahan, biglaang napahinto sila sa paglalakad, kaagad nag matyag baka may mga kaaway. Lingid sa kanilang kaalaman ay ang hindi maintindihan ng isipan ang nakikita ng aking mga mata, para bang isang lumang panaginip, nanumbalik ng mas matamis. Sa sobrang tuwa ay hindi naging hadlang ang aking inasal, mali man sa paningin ng mga konserbatibong kastila ay tama para sa aking pusong inulila ng kay tagal. Nag-sitinginan ang aking mga kasamahan sa akin, nalilito sa biglang pag-taas ng aking boses kahit wala namang nagbabantang mga kaaway.
Sampung metro man ang kanyang layo sa akin, nahahalata ko sa kanyang mga mata at biglang pamumula ng mukha ang matinding pananabik sa akin. Tulala at hindi rin lubos makapaniwala sa nakikita, dahan-dahang lumapit sa akin, nagyakapan kami sa harap ng madla, dinadama ang init ng aming mga katawang pinaghiwalay at pinag-malupitan ng kapalaran. Unti-unting naintindihan ng aking mga kasamahan ang wagas naming pag-iibigang pinagtagpo ng tadhana.
“ Salamat sa Diyos! Buong magdamag ay wala akong inaasam-asam kung hindi ay makapiling ka. Hindi ko inaasahang sa dulo ng mundong ito ay muli tayong magkita, sa susunod na buwan sana ay luluwas ako patungong Sevilla para pakasalan ka, sa aking piling ay wala kang mararamdamang pagdurusa sa kahirapan, kirot ng pagtataksil at lungkot ng pag-iisa, habang-buhay, ang pinakamaligayang nilalang ay ikaw, iyan ay ang aking pangako.”
Bulong ng kanyang bibig, bawat katagang dumadapo sa aking tenga ay tinig ng kanyang pusong walang ibang minamahal kung hindi ay ako. Mahigpit ang yakap ng kanyang mga braso sa akin, nais ibilanggo ang aking kaluluwa sa hawla ng tunay na pagmamahalan.
Nangangalakal siya noon ng mga rekados sa Ternate, isa sa mga isla ng Maluku, kasagsagan din ng matinding hidwaan ng Espanya at ng Dutch. Narining ang balitang nangangailangan ng karagdagang mandirigma ang Gobernador ng Las Islas Felipinas para burahin ang pamimirata ng mga moro, balakid sa pangangalakal at kaunlaran ng kahariang kastila. Dahil isa rin siyang mangangalak ay naisipang lumahok para itaguyod ang kapakanan ng kanilang uri. Sumamang nag-layag mula Ternate kasama ang mahigit limampung mandirigmang kastila. Sinalubong sila ng kapuwa mandirigmang kastilang lulan ang Galleon mula Cavite la punta ng marating nila ang karagatan ng Jolo.
Sa lilim ng panguluhan ni Kapitan Paulito Gabrielle de Castellano ay nasugpo ang mga piratang moro, kuta nila ay pinulbos ng mga kanyon at pinagtataga ng mga espada ng mga konkistador, ayon sa salaysay ni Tinyente Carlos de Valladolid, mayroong mahabang karanasang digmaan sa Chile, ang mga piratang moro ay hindi katulad ng mga mandirigmang Araucania, mababgsik, lumalaban ng harapan. Ang mga piratang moro ay lumalaban ng talikuran, naghihintay ng pagkakataong humina o habang natutulog ang mga kaaway at saka ay lulusob ng hindi namamalayan. Karuwagan kung tawagin ngunit ay napaka-epektibong taktika, pero ito ay waalang karangalan sapagkat ang tagumpay ay mas matamis kung ikaw ay lumalabang kaharap ay si kamatayan. Marahil talagang pirata sila, karamihan sa mga kaaway ay mga mahihinang babae, sadya nila sa pakikipagdigma ay hindi karangalan kung hindi ay salapi.
“Ako man ay nagtataka, naghihinala, hindi ko maintindihan, sa malayong lupalop lang pala ng mundong ito ay muli tayong magka-tagpo. Aaminin ko, sa tuwing wala ka sa aking tabi ay nagmimistulang purgatoryo ang aking buhay, laging pinanabikan ang mga maigiliw mong kataga ang katapatan ng iyong hangarin, handa na rin akong pakasalan ka.”
Sabi ko, alam niyang bawat titik ng aking salita ay isinulat ng pintig ng aking pusong walang ibang hinahanap kung hindi ay ang kanyang tunay na pagka-tao.
“ Handa ka na ngayong pakasalan ako samantala ay kung ilang beses mo tinaggihan ang aking mga alok, minsan ay naisip kong walang katuturan ang inilalaan kong pag-ibig sa iyo.”
Muling sabi, kumalas sa pagya-yakap, tila ay nagtaka sa narinig sa kahandaan kong pakasalan siya. Tuwa ay halata sa kaniyang mga mata.
“ Dati iyon noong hindi ko pa kayang iwang mag-isa ang aking abuela, ang aking buhay, pero ay pumanaw na siya!”
Balita ko, napansing pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata, alam niyang mahal na mahal din siya ng aking abuela, kanyang kinagigiliwan ang aking abuela dahil sa mga katagang hinubog ng karanasan.
Nagbubulong-bulungan ang iba naming kasamahan at ang iba naman ay napangiti sa nakita, at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Lumapit si Senyora Limor sa amin ni Juan Miguel . “ Pangalan niya ay Senyora Limor Eitan!”  Pagpapakilala ko, nilapitan at kinamayan. “ Magandang umaga po Senyora Limor, Juan Miguel de Figueroa ang tawag nila sa akin.” Kanyang pagpapa-kilala sa sarili. “ Magandang umaga din sa iyo hijo, isang mandirigmang magiting pala ang magiging kabiyak ng aking kaibigang pinagkaka-tiwalaan.”  Ngumiti si Senyora pagkatapos mag-salita at napangiti rin kami. Dahil sa sobrang pananabik ay hindi ko na nakuha pang ipakilala si Mariana, binibitbit ang “Banga”, habang karaga ng mga katutubong subanen an gaming kagamitan.
Nahahalata kong hindi mapakali ang mga galaw ni Juan Miguel ng marating namin ang tutuluyang bahay, balisa rin ang ikot ng mga mata.
Hinayaan naming maka-pasok sa loob si Senyora Limor at Mariana, inayos ang mga dalang kagamitan, nagpaiwang kami sa harding pantay-pantay ang pagka-gupit ng mga berdeng halaman, naupo kami sa mahabang upuang nasa ilalim ng malaking punuang mahogany. Tanaw ang luntiang karagatan ng Zamboanga, dinuduyan ng sariwang hanging ang bawat hibla ng aming buhok, ang kogonang kumakapal ay nagsimula na ring mag-sayawan.
“May problema ba?”
Tanong ko, paniningin niya ay sinisisid ang mga ala-ala sa karagatan, isipan ay naglalakbay sa kalawakan.Tumango-tango siya, walang imik, at muling pumatak ang mga luha.
“ Juan ! Ano ano nangyayari sa iyo? Magsalita ka nga.”
Tanong ko, naguguluhan, hindi matukoy ang kahulugan ng mga luha ng aking kaharap, at niyakap ako ng mahigpit. “ Ipangako mong hindi ka mabibigla sa aking sasabihin.” Nagsalita, pumapatak pa rin ang mga luha. Kaba sa aking dibdib ay gumagapang, tila ay mga dagang may dalang kilabot.
“ Wala kaming nalalaman tungkol sa kagubatan, kabundukan at kalaparan ng marating naming ang dalampasigan ng Jolo. Bago nilusob ang kuta ng mga pirata ay nagpulong muna ang mga opisyal ng aming sandatahang lakas, nahirang ako, si Tinyente Federico Lacastarria at ang isang katutubong subaneng marunong mag-wikang Joloano, pero ay iginiit ni Kapitan , sa halip si Tinyente ang makasama ko sa napaka-delikado at sensitibong tahas ay siya na lamang dahil sa may karanasan siya tungkol sa kaugaliang Joloano. Bago pasukin ang gubat para malaman ang posisyon ng mga kaaway ay nagbilin muna kay Kapitan-Heneral, kung sa loob ng tatlong oras ay hindi pa kami nakaka-balik, ibig sabihin ay nabihag kami, kung ito ay mangyayari man,hiling niyang huwag kami tutubusin ng salapi kung hindi ay ng isang digmaan, madugong digmaang habang-buhay ay maging bahagi ng kanilang mga bangungot.
Dumating ang mapag-hamong dagok sa aking buhay, nabihag ako ng mga pirata ng matunton ko ang kanilang kuta. Ang pagkakamaling bumaliktad sa aking mundo, puso ko ay walang ibang isinisigaw kung hindi ay paghihiganti, hindi ko inasahan, ang aming kapangahasan ay kanilang pinaghandaan. Naglatag ng kasunduan si Kapitan, pero ay hindi pumayag ang mga pirata, nagbantang pugutan ako ng ulo at hiwa-hiwain ang aking katawan kapag hindi natubos ng salapi.
Muli ay naglatag ng kasunduang taktikal si Kapitan,hiniling niya ang aking kalayaan na ang kapalit ay siya dahil sa makabuluhan ang kanyang posisyon sa aming sandatahang lakas, ibig sabihin ay mas mataas ang salaping katumbas. Pumayag ang mga piratang moro, bukod sa katumbas ng salapi ay may makukuha silang mahalagang impormasyon mula sa kapitan, at iyon ay ang kanilang pagkakamali, paslangin man nila ng sampung beses si Kapitan ay manantiling lihim ang nalalaman hanggang sa hukay.

“ Salamat Senyor, sana ay hinayaan mo na lamang akong mamatay at mag-alay ng buhay para sa kadakilaan ng Espanya, higit kang kailangan ng Korona kaysa sa akin,bukod sa mababa ang antas sa sandatahang lakas ay maikli rin ang karanasan sa digmaan!” Hiling ko sa kanya, lumuluha ang aking mga mata, subalit ay hindi siya pumayag. “ Hijo, ako ay tumatanda na, batid ko ang iyong pagmamahal sa aking kaisa-isang anak, kahit na anong mangyari ay babalikan mo siya at hindi pababayaan, sa aking puso ay lagi kitang tinuturing na isang anak. Ang malalim na dahilan kung bakit nais ko ako ang iyong makasama sa tahas na ito ay para lagi kang ipagtanggol, buhay man ang kapalit. Kung ikakasal man kayo, alalahanin mong ako ay laging nasa inyong tabi habang naglalakad patungo sa sagradong dambana.”
Mga kataga niyang walang bakas ng takot, bawat tuldok ng mga pangungusap ay naroroon ang kadakilaan at ang kaluluwa ng isang bayaning sadyang nilikha ng Diyos para sa kadakilaan ng Pag-Ibig. Agad akong napalaya, hudyat ng madugong digmaan, kapalit ng aming tagumpay laban sa mga piratang moro ay ang mahalagang buhay ni Kapitan Paulito Gabrielle de Castellano. Manantili siyang naka-ukit sa aking kaluluwa, utang ko ang lahat sa kanya at ang kabayaran ay mamahalin ka ng higit pa sa aking sarili at habang-buhay ay itataguyod ko ang sinimulang adhikain ni Kapitan, sa mga pahina ng kasaysayan, siya ay magiging imortal. “
Bigla ay nagdilim ang aking paningin, para akong himatayin sa sobrang kirot, sakit na dulot sa aking puso ay napakahapdi, hindi ko maintindihan ang nagdedeliriyo kong isipan, kamalayan ko ay nababaliw. Ibig kong pumuglas sa yakap ng Juan Miguel para mag-wala, isigaw ang matinding kaparusahang walang katarungan. Lalong niyang hinigpitan ang yakap, wala akong nagawa kung hindi ay himikbi sa kanyang dibdib hanggang tuluyang malunod ang damdamin sa pagluluksa.
Nagtagumpay ang mga kolonyalistang burahin ang banta ng mga piratang moro sa katahimikan ng Ciudad de Zamboanga. June 25,1635, dalawang araw pagkatapos mabasbasan ng sagradong pagdarasal, mga banal na kataga at banal na tubig ni Padre Melchor de Vera ang Forte de Real Fuerza de San jose ay ikinasal kami ng aking pinakamamahal, Juan Miguel de Figueroa. Kami ang kauna-unahang mga kastilang ikinasal sa lupain ng Ciudad de Zamboanga. Sa harap ng sagradong dambana ng kapilya ay nagpalitan kami ng mga sumpaang matatamis, tanging kamatayan lamang ang makapag-hiwalay.
Ang tunay na pag-ibig pala ay parang isang kuwentong kay tamis basahin,hindi man sadyang hanapin ay kusang kakatok sa pintuan ng iyong puso, ang hatid ay samyo ng bulaklak na laging mong hahanap-hanapin, ang hiwagang dala nito, tanging Panginoon lamang ang nakaka-alam.
Salamat sa karunungan ni Senyora Limor tungkol sa arkitekturang gotiko, sa mga malikhaing kamay ng mga pintados at mga katutubong subanen, malaki ang kanilang nai-ambag sa pagpapatayo ng Mansion de la familia Figueroa, sa likod nito ay isinilang ang mga bagong kataga sa  Wikang Chavacano.